Chapter 16

32 3 0
                                    

She was fuming mad. Kahit alam ni Theia na may posibilidad na alam ni Nox ang tungkol sa arranged marriage na pinaplano ng mga magulang nila ay umaasa siyang itanggi ng lalaki iyon sa kanya. Silently praying, hoping, and wishing he'll say he didn't know.

Kaya ganoon na lamang ang lungkot na naramdaman niya ng hindi nito nakuhang sumagot sa kanya. Ika nga nila, silence means yes. His silence is the approval she never wanted. The loudest answer she received.

"Ang lalim naman ng paghinga natin, Miss T." napatingin siya sa bagong dating na si Kristine. Isa sa mga kaibigan niya. Nagkakilala sila nito noong nagkasabay sila nito sa pagkuha ng passport. Nakatabi niya ito sa pila habang hinihintay niya ang pag-release ng pasaporte niya habang ito naman ay naka-schedule sa renewal. Nagkakuwentuhan lang sila at tuluyan ng naging magkaibigan.

"Wala ako sa mood, K. Don't talk to me," pagtataray niya dito na ikinataas ng kilay nito.

"Wow! Ikaw ba si Astraea Mondragon o kamukha mo lang siya?"

"Shut up," pag-irap niya dito.

"The Theia I knew never, as in never, shout at people. At hindi siya marunong magalit."

"The Theia you once knew was dead."

"Ano bang problema mo, T? Is it okay for me to know?"

Napabuga na lang siya ng hangin bago isiniwalat ang lahat kay Kristine. Tahimik lang itong nakinig sa kanya. Sinimulan niya ang pagkukwento sa muling pagkikita nila ni Nox hanggang sa ipaalam sa kanya ng papá niya na ipapakasal siya ng ama dito.

"O anong problema doon? Kilala mo naman 'yong lalaki, sabi mo. Mabait naman at may respeto. Hindi na masama kung magpapakasal ka sa kanya. Isa pa, mas mabuti nga na kilala mo hindi ba? At least, you know your groom. Hindi siya katulad ng ibang klase ng arranged marriage dahil magkakilala kayo."

"That's not the point, K." naiinis pa rin niyang sabi.

"Eh, ano nga?"

"My father didn't let me have the freedom to choose. I respect my parents, okay? I never cheated or lied to anybody... unless it's necessary, and I've been a great, yes mayabang na ko, but I was a great daughter. Hindi ako achiever but I have achievements. I have awards and recognitions that I gained and it helps not just me but also my parents.

"And also, my siblings. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, but I have my fair share in the family, why would they take my freedom away from me? Bakit ako ang kailangan nilang ipakasal? I am the youngest. It's unfair."

"Bakit hindi mo kausapin ang tatay mo tungkol dyan?" suhestiyon ng kaibigan sa kanya, "Naalala ko, spoiled ka sa tatay mo. Ikaw ang paboritong anak, 'di ba?"

"How I wish he'd listen to me."

"Subukan mo, T. Malay mo naman pakinggan ka. Kung ayaw mo talagang makasal doon sa lalaki, ipaintindi mo sa kanya. Mahal ka ng tatay mo. Hindi naman siguro niya ipapakasal ang paborito niyang anak sa kung sino lang, 'di ba?" mahabang paliwanag nito na sinang-ayunan niya.

Umuwi si Theia sa mansyon na magaan ang pakiramdam. Nakatulong din ang paglabas niya ng saloobin kay Kristine. Ang kaibigan niyang iyon kasi ang tanging kaibigan niya na hindi alam ang buong pagkatao niya. Wala kasi itong pakialam sa paligid. Nagkapalagayan sila ng loob at naging magkaibigan, sapat na iyon dito. Hindi rin ito mausisa kaya hindi nito alam na mayaman ang pamilya niya. Iyon din ang rason kung bakit si Kristine ang pinuntahan ni Theia matapos mapiyansahan ng nobyo sa presinto. Wala kasing alam si Kristine sa mga Mondragon at Romualdez.

Speaking of nobyo, naisip din ni Theia na hindi niya ito pinakinggan nung umaga. Mabilis niyang kinapa ang telepono sa bulsa niya at tinawagan si Nox. Napakunot ang noo niya ng marinig ang pag-ring ng telepono nito. Hindi sa kabilang linya, kung hindi doon mismo sa loob ng bahay nila. Ang ngiti niya sa mga labi ay unti-unting nawala ng maisip niya kung ano ang nangyayari.

"Anak, nandito ka na pala. Tumakbo ka ba?" nakangiting bati ng kanyang papá na akala mo ay walang nangyaring pagtatalo sa kanilang dalawa sa nagdaang gabi.

"No, I didn't. I was in the precinct." malamig na sagot niya na deretso ang tingin sa nobyo niyang nakatingin din sa kanya.

Beast! Liar! Jerk!

"Anong ginawa mo sa presinto, anak?" nakangiwing tanong ng papá niya habang palipat-lipat ang tingin sa mag-amang Nox at Alberto.

"Nakulong ako," kaswal na sagot niya na ngumiti pa kay Nox. Napapikit ang kanyang nobyo at ngumiti sa papá niya.

"Astraea?"

"Why papá? Am I so perfect that I cannot sin to be imprisoned? Well, sorry to burst your bubble, I made a mistake and I was in jail all night." tumango siya sa ama ng nobyo at humingi ng paumanhin, "Sorry you have to hear this kind of issue, Tito, but I want to rest. My night was so long, gusto ko po sana na magpahinga."

"We will come back some other time, Astraea." pagsalo ng nobyo sa kanya. "Right, Dad?"

"Of course. But come here, hija, I want to hug you at least. Can you allow your old man to have his hug?" nahihiya siyang lumapit dito. Sinalubong siya ng ama ng nobyo ng mahigpit at mainit na yakap. At that moment, she just wanted to cry on his shoulder. Gusto niyang isumbong ang papá niya dito.

"Whatever happened last night won't change the way I see you. You are still the beautiful, sweet, and respectful Astraea that I know. My son and I will have your back." napahigpit ang yakap niya kay Tito Alberto sa ibinulong nito. Naramdaman niya ang paghaplos ng nobyo sa buhok niya kaya naman sinamaan niya ito ng tingin at inirapan ito.

"Tito Maru, Dad and I will go. We can have a discussion some other time. Pagpahingahin po muna natin si Theia." magalang na paalam ni Nox na ikinaikot ng mata niya.

"Yes, Maru. Have the girl take her peace. She was restless. Mahaba pa ang panahon. Makakapag-usap pa tayo sa ibang araw." ani naman ni Alberto.

Kahit na ayaw humarap sa nobyo at ama nito, hindi naman nakakalimot si Theia sa tamang asal. Ihahatid na sana niya ang mga ito bago magtungo sa kwarto ng hablutin ng kanyang papá ang kanyang braso. Gustuhin man niyang tawagin si Nox ay nakatalikod na ito kaya hindi nito nakita ang ginawa ng kanyang papá. Nang tuluyang makalabas ang mag-amang Romualdez ay saka lamang siya binitawan ng kanyang papá.

"What was that, Astraea? Kailangan mo ba talaga akong ipahiya sa mga bisita ko?" pagtaas ng boses ng kanyang papá.

"Your visitor was concerned about my welfare... unlike you. I hope you received the message, papá. I am not marrying into the Romualdez and that's final."

"Wala kang karapatan na salungatin ang desisyon ko, Astraea. Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka kay Nox."

"No!"

"Yes!"

"I said no," pakikipagtaasan niya ng boses sa ama.

"Ano ba kayong mag-ama? Tumigil na nga kayo. Naririnig sa buong kabahayan ang sigawan ninyo," malumanay na pag-awat ng mamá niya sa kanila.

"Tell that to your husband, ma."

"Binabastos mo ba ko, Astraea? Sa sarili kong pamamahay," tanong ng papá niya.

"Maru!" sigaw ng mamá niya, "Kailangan bang patulan iyong bata?"

"Luciana," biglang naging maamong tupa ang kanyang papá. Hindi na nagtaka si Theia ng makita ang ilang kasambahay nila na pinanonood sila. Ngayon lang din naman kasi siya nagtaas ng boses sa bahay nila. At papá niya pa ang sinisigawan niya.

"Anak, sige na. Pumunta ka muna sa kwarto mo at magpahinga."

"Thanks, Ma!"

"Hindi pa tayo tapos, Astraea," pigil ng kanyang ama.

"Hindi ngayon itutuloy ang pag-uusap ninyo, Maru. Hayaan mong magpahinga ang anak ko," kung inaakala ng mga tao na ang papá niya ang boses ng pamilya Mondragon, nagkakamali ang mga ito. Dahil ang tunay na boses sa bahay na iyon ay nagtatago sa mahinhin at malumanay na Luciana.

Ang kanyang mamá.

If I marry Anghelo, I will demand this kind of authority over him. Sana pumayag siya, natatawa siya sa kanyang naisip.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon