Chapter 18

32 2 0
                                    

Muntik ng mapatalon si Nox sa gulat ng madatnan si Theia na nakataas ang mga paa sa sandalan ng sofa niya. Miyerkules pa lamang ng araw na iyon kaya naman hindi niya inaasahan na makikita ang nobya sa penthouse niya. Napailing na lang siya ng hindi man lang nabago ang posisyon nito kahit na may kalakasan ang pagsasara ng pinto niya. Paano na lamang kung isa sa mga tagalinis ang biglang pumasok doon? Madalas pa naman ay lalaki ang umaakyat sa penthouse niya para sa maintenance ng unit niya.

"Nakabukaka ka, baby. I can see your soul from here," paninita niya kahit ang totoo ay hindi naman niya tinignan ang pagitan ng hita nito.

I caught a glimpse... just a glimpse, then I looked away, pangungumbinsi niya sa sarili habang niluluwagan ang kurbata niya.

Napailing na lang siya ng inangat nito ang paa bago ikinawit pabalik ang hita nito sa sandalan. Nag-inat lang pala ito. Hawak nito ang telepono. Bumati lang ito sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kung anumang tinitignan nito.

"Ano ba 'yang tinitignan mo, Astraea? Hindi ka mapuknat dyan," paglapit niya rito bago idinantay ang kamay sa hita nito. Huli na ng maisip ni Nox na mali ang ginawa niya. Bago pa napigilan ang sarili ay hinimas niya na ang kabuuan ng hita ni Theia.

"What are you doing?" tanong ng nobya na saglit lang siyang tinignan at ang kamay niyang humihimas sa hita nito.

"Sorry," paghingi niya ng paumanhin dito ngunit hindi inaalis ang kamay sa hita nito. Bagkus, marahan niya pa iyong pinisil.

"Fine. What do you want for dinner?"

"I'm not hungry," napalunok siya ng biglang bumangon si Theia sa pagkakahiga. Gulo gulo ang mahabang buhok ng nobya. Doon niya lang din nakita na T-shirt niya ang suot nito. Nang hindi siya sumagot ay nilapag lang nito ang telepono sa center table at lumapit na sa kanya.

"I think you're hungry... but not for food."

"Hmm," napasinghap siya ng tumingkayad si Theia at binigyan siya ng magaang halik sa labi.

"Sorry, I'm not in the mood to cook. I'm so tired and I don't want to go home so I'm staying tonight."

"Kumain ka na ba?" pagtawag niya rito ng makitang naglalakad na ito papasok ng kwarto.

"Wala akong gana, love. Gusto ko na matulog." sagot nito na hindi na pinansin ang tawag niya at dumeretso ng pasok sa kwarto.

Of course, he won't allow his girl to sleep with an empty stomach. Mabilis niyang tinanggal ang pagkaka-butones ng suot na polo at tumingin ng maaari niyang maluto sa kanyang kusina.

Theia is not in the mood for anything. Nagsagutan na naman sila ng kanyang papá. Pilit siyang ipinagkakasundo nito sa mga Romualdez. Deep inside her heart, Theia knew that there was nothing wrong with marrying Nox. He is her boyfriend. But forcing her into this marriage doesn't sit well with her.

"Ang bango," wala sa sariling bumangon siya ng maamoy ang niluluto ni Nox. Naggigisa lang ito ng bawang, iyon ang naaamoy niya, pero pakiramdam ni Theia ay gutom na gutom na siya. Kahit walang gana ay bumangon siya sa kama at mabilis na nagtungo sa kusina.

"Sabi na nga ba, bawang lang ang katapat mo."

"Anong tingin mo sa akin, aswang?"

"Nah, you're too pretty to be an aswang. Asawa siguro pwede pa," hindi nakalampas sa pandinig niya ang tinuran ng nobyo. Nakita niya kung paanong nagbago ang ekspresyon nito.

From a teasing boyfriend, Nox turned pale and kept his mouth shut. May kutob naman si Theia na alam ni Nox ang arranged marriage nila. It's quite obvious. Lalo pa at naiilang magbitiw ang nobyo ng biro tungkol sa kasal. She thought they were comfortable with each other, at nakalampas na sila sa ganoong klase ng biruan, but she was wrong. He seems scared of joking marriage around.

"What do you think of me being your wife?" deretsahang tanong niya sa lalaki.

"What?" nabitawan nito ang hawak na sandok. Imbes na damputin iyon ay pinatay nito ang kalan at lumapit sa kanya.

"Do you see yourself getting married to me?"

"Baby—"

"I know you. I know how smart you are and you don't have to pretend that you don't know anything, Anghelo. Hindi mo kailangan mailang sa akin tungkol sa pesteng kasal na iyan."

"Astraea, listen—"

"Sorry to interrupt you, love, but I don't see anything wrong with getting married to you. Unless you don't want to marry me?"

"God, I do!" mabilis na sagot nito na ikinabigla niya. "Let's cut to the chase, Astraea. You know very well how much I have liked you since time immemorial. I like you so damn much and when I asked to court you... It includes marrying you. I date to marry. I had flings before but you are the only girlfriend that I had. If you don't think I am serious about you, then let me prove you wrong."

"But this marriage is what our parents wanted." nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa mga mata niya, "I wanted to enjoy the feeling of having you as my lover. Hindi pa nga tayo umaabot ng anniversary, gusto na nila tayong ikasal."

"Oh, honey! If you only knew that right after our first date, I am already dreaming about you getting married to me."

"Feeling ko you are just forced to have this relationship with me because our parents wanted to. It's like you don't have a choice but to settle with me because they want us together."

"Baby, I want you more than the word itself. No parents nor arranged marriage can change how I feel for you from the beginning. I want us to happen because I genuinely like you, Astraea. Not because of some stupid arranged fiasco or the likes."

"But I have to be honest with you, Anghelo." huminga siya ng malalim bago umatras palayo sa nobyo, "I don't want to marry you."

"What?"

"If we are under different circumstances, I might marry you in an instant. But this... this thing that my father wants me to do, it's suffocating. Our marriage, something that should be sacred, is turning into a business."

"Pero Theia, anong pagkakaiba?"

"Marami, Anghelo. It's taking away our liberty. Our freedom to choose and decide for ourselves. This is not the kind of marriage that I prayed for." nakaramdam ng frustration si Theia ng makita kung gaano ka-kalmado ang nobyo sa pakikipag-usap sa kanya.

He wanted this. Instead of discussing it with me, he just agreed to it.

"Kapag natuloy ang kasal na ito, I swear to God, you'll regret this. I will not participate in this arrangement, Nox Anghelo. To hell with our goddamn parents but I will never take part in this show of yours."

"Pag-usapan natin ito ng maayos, Theia." pagpapakalma sa kanya ng nobyo pero tinabig niya lang ang kamay nito na magtatangkang humawak sa balikat niya.

"No, love." may diin niyang sabi sa endearment niya dito. "Kapag pumayag ka sa kanila, you will never see me again. Consider our relationship done. You will lose me forever. This is not a threat," pagbabanta niya sa nobyo bago iniwan ito sa kusina para bumalik sa kwarto.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon