Chapter 15

37 3 0
                                    

Napabalikwas ng bangon si Nox ng makatanggap ng tawag na nasa presinto si Theia. Ayon sa tumawag sa kanya, nakulong ang girlfriend niya. Hindi siya kilala ng mga pulis ngunit ang naka-rehistrong pangalan daw niya sa telepono nito ay Boyfie na may puso pa sa hulihan. Gusto man daw tumawag ng mga ito sa pamilya ni Theia ay nagalit ang huli at sinabing hindi na niya kailangan pang ipaalam sa pamilya nito ang tungkol sa pagkakakulong nito.

Tumawag lang ho kami para ipaalam sa inyo na nasa kustodiya namin si Miss Mondragon. Wala po kasi siyang balak na tumawag sa pamilya niya. Nang buksan po namin ang telepono niya ay numero niyo lang din ho ang naka-rehistro. Hindi na ho namin pinakialaman ang ibang call logs ni Miss Mondragon dahil nagwawala po siya rito.

Nang maalala ang kwento ng pulis sa kanya ay sinakitan siya ng ulo. Ito nga at mag-aalas sais pa lang ng umaga ay nasa daan na siya papunta sa presinto. Nakiusap na rin siya na ihanda na ang kung anumang papeles na kailangan i-proseso para mapalaya ang girlfriend niya. Sinabi niyang personal siyang pupunta sa presinto para piyansahan ito.

"Good morning, sir. I'm Nox Romualdez and I am here to bail Astraea Mondragon," pagpapakilala niya ng dumeretso ng lapit sa may lamesa malapit sa pinto. Tingin niya ay iyon ang pinaka-reception area ng presinto dahil marami pang mesa ang nakita niya sa paligid. Iginala niya ang tingin para hanapin ang selda ni Theia ngunit wala siyang nakita.

"Nox Romualdez?" pagtawag sa kanya ng isang may katandaan ng lalaki. Nakasuot din ito ng uniporme at ngiting-ngiti na lumapit sa kanya. "Hijo, ako si Major Tolentino. Kaibigan ko ang daddy mo."

"Major, hello. Good morning po."

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong kaaga? May problema ba?" sinenyasan nito ang pulis na nakausap niya na huwag ipapaalam ang pagpunta niya sa presinto. Tumango naman iyon bago siya sumunod sa paanyaya ng kaibigan ng daddy niya. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Major, sa totoo lang po, nagpunta ako dito para piyansahan ang girlfriend ko." nag-aalangan niyang sabi.

"Girlfriend? Bakit naman napunta dito sa presinto ang girlfriend mo? Tiyak ka bang nakulong talaga dito ang girlfriend mo?"

"Oho, major," nahihiya niyang sagot. "Nagising nga lang po ako sa tawag ng isang tao ninyo. Wala pong balak na ipaalam ng girlfriend ko ang nangyari sa kanya. Naawa lang po yata ang mga tao ninyo kaya tinawagan ako."

"Espiritu, pakawalan niyo ang girlfriend ni Nox Romualdez. Sino sa inyo ang naglakas ng loob hulihin at ikulong ang girlfriend ng anak-anakan ko."

"Sir, sino po ang girlfriend ni Mr. Romualdez?" tanong ng tinawag nitong Espiritu. "Wala naman pong ikinulong na babae dito."

"Ah, I am Nox Romualdez. Someone called me 15 minutes ago regarding my girlfriend being jailed. I am here to bail her out."

"Tawag? Girlfriend? Ah, si Miss Mondragon!"

"Mondragon?" nahihintakutan na sigaw ni Major, "tarantado ba kayo? Hindi na nga ninyo pwedeng banggain ang mga Romualdez, Mondragon pa ang ikinulong ninyo?"

"Sir, sir sandali. Kalma po! Ang presyon ninyo."

"Bilisan mo at palabasin mo si Miss Romualdez," utos nito na inihawak pa ang isang kamay sa ulo. "Pasensya na, hijo, palpak talaga ang mga tauhan ko."

"Maj. Tolentino, sir." pagsaludo ng dalawang pulis na lumapit sa kanila. Matapos saluduhan ni major ang mga ito ay nagsalita 'yong matangkad na pulis. "Sgt. Morelos, sir. Ako po ang nagkulong kay Miss Mondragon."

"Bakit mo ginawa iyon?" natigilan si major ng pagtaasan nito ng boses ang tao nito, "Sorry, please continue."

"Si Miss Mondragon po ang nag-presenta na magpakulong dito, sir."

"Ano?" sabay silang napatanong ni major ng sabihin nitong si Theia ang nagpakulong sa sarili.

"Naaksidente po si Miss Mondragon. Wala naman siyang kahit anong injury. Wala rin pong trace ng alcohol sa kanya at ie-escort po sana namin nitong partner ko si Miss Mondragon. Bigla na lang po niya akong sinampal. No worries, sir. Hindi po ako nag-file ng complaint for assault. Marami pong pwede ikaso kay Miss Mondragon dahil naka-duty din po kami pero wala naman po talagang kaso sa akin iyong nangyari, sir. Mukhang may problema po si Miss Mondragon. Pagkatapos niya po kasi akong sampalin, siya mismo nag-abot ng kamay niya sa akin at nagmakaawa na ikulong namin siya."

"So, you just put Theia behind bars to fulfill her desire to be jailed?"

"Opo, sir. Ako din po ang tumawag sa inyo kanina. Lt. Alfonso po pala. Dati po akong scholar ni Miss Mondragon," pagpapakilala noong isang pulis sa kanya.

"Hijo, hindi mo ba nakausap ang nobya mo?"

"Honestly, I will never know she left early if I was not woken up by his call. Magkasama lang kami ni Theia kanina. She was sick all weekend and I was taking care of her. Kaya nagmamadali akong nagpunta dito noong sinabi niyong nakakulong siya. She can't even stand by herself last night."

"Palalabasin na po namin si Miss Theia, sir. Pakibantayan na lang po siya. Hindi naman po ganyan ang pagkakakilala namin kay Miss Mondragon. Sobrang bait po niya sa amin kaya wala pong problema sa amin iyong nangyari kanina." nag-aalalang paalala ni Lt. Alfonso.

"Hindi niyo na rin siya kailangan piyansahan, Mr. Romualdez. Hindi ko po kinasuhan si Miss Mondragon." sabi naman ni Sgt. Morelos, "Pakiusap ko lang, sir, kumwari ay may record po siya dito. Pinalabas po kasi namin kaninang madaling-araw na patong patong ang ikinaso namin sa kanya."

"Thank you, sarge. Tinyente," paulit-ulit siyang nagpasalamat sa mga ito hanggang sa lumabas si Theia at magtama ang kanilang mata. Ang malawak na ngiti at pagsalubong niya dito ay nawala ng parang bula ng samaan siya ng tingin ng dalaga at dere-deretsong lumampas sa kanya. Nagulat man ay hinabol niya ito hanggang maabutan niya ito sa labas ng presinto.

"Theia, wait." nahawakan niya ito sa braso kaya napatigil naman ito. Walang gana itong humarap sa kanya. Nakaramdam ng kalungkutan si Nox ng wala man lang reaksyon ang dalaga ng makita siya.

Wala na ang dating sigla sa mga mata nito. Hindi rin nagbabago ang ekspresyon nito. Hindi man lang ito nainis o natuwa sa pagsulpot niya sa harap nito. Bagay na hindi nangyayari noon pa mang magkita silang muli ng dalaga.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Picking you up," sagot niya.

"Paano mo nalaman?"

"It doesn't matter."

"Ayaw kitang makita," malamig na sabi nito bago siya talikuran.

"Baby, let's talk."

"Anong mahirap intindihin sa ayaw kitang makita, Anghelo?"

"I know you are mad, but..." hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng magsalita ito.

"You cheated on me."

"What? No!" mabilis at may diin niyang pagtanggi.

"You lied to me."

"Baby?"

"All along you knew about the arranged marriage," nanginig ang boses nito. Hindi naman siya makapagsalita o malapitan ito. Tila napako siya sa kinatatayuan at nakatulala lamang sa mukha ni Theia na mula sa blangkong ekspresyon ay napuno ng galit ang mga tingin nito. "I see."

"Astraea—"

"I've heard enough. Your silence is enough," tumango ito bago tuluyan ng tumalikod sa kanya. "Don't follow me."

"Theia," pagtawag niya dito. Hindi pa humahakbang ay sumigaw na ito ng hindi lumilingon sa kanya.

"I said, don't!"

Nanlumo na lang siya ng tuluyan ng makalayo ang nobya sa kanya. Hanggang sa unti-unti itong nawala sa paningin niya ay hindi makagalaw si Nox sa kinatatayuan niya. Nanlalambot na lang siyang napasabunot sa buhok niya.

I didn't even have the chance to tell her my side.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon