Chapter 14

35 2 0
                                    

Spending the weekend with Nox is like a routine; even when she was on her period. Theia felt better after taking her rest in the arms of her secret boyfriend. Ilang araw siyang hindi pumasok sa trabaho kaya kahit alas-dos pa lang ng madaling araw ay umuwi na siya sa mansyon. Iniwan niya ang nobyong payapang natutulog sa bahay nito.

Kapag naiisip na sikreto ang relasyon nila ay nakakaramdam siya ng pagkabahala. She doesn't want to keep her relationship, her first relationship, in secret. Hindi iyon deserve ni Nox. At hindi niya rin deserve ang maitago. But what can she do? Mukhang may hindi magandang plano ang papá niya sa kanilang dalawa.

Kung tutuusin, hindi dapat makaramdam si Theia ng disgusto sa nalalapit nilang kasal ni Nox. Ano pa ba ang ikatatakot niya kung ikakasal naman siya sa sarili niyang kasintahan? Hindi man alam ng mga magulang nila ang kanilang relasyon, totoo naman na sila na ngayon ng binata. Totoo ang nararamdaman nila sa isa't-isa at iyon ang mahalaga.

Papasok na sana siya ng kwarto niya ng marinig ang pag-uusap ng mga magulang niya. Base sa usapan ng mga ito, parehong gusto ng mga magulang niya na maikasal siya sa pamilya Romualdez.

Maru, ang iniisip ko lang ay si Theia. All her life, our daughter obliged and became the perfect example of a good daughter.

Napangiti siya sa sinabi ng kanyang ina. She never seeks her parent's attention because she can easily attract anyone if she wants. Hindi naman nagkukulang ang mga ito sa pagbibigay ng pangangailangan niya. They provided everything she needed and more, at naiintindihan ni Theia na kailangan din hatiin ng mga magulang ang atensyon ng mga ito dahil pito silang magkakapatid.

You know how Theia values her freedom and authority in this abode. She never abuses it, pagpapatuloy ng ina na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ni Theia sa sobrang saya. She never asks them to look at her but it warms her heart to know that they still notice. Akala niya kasi ay ang kanyang Nana Mely lang ang nakakakita ng mga pagbabago na ginagawa niya sa bahay nila. Hindi niya alam na alam din ito ng mga magulang niya.

"Alam ko, Luciana. Alam ko dahil ako mismo ang nagpalaki sa mga anak ko. I know all their strengths and weaknesses. Especially my princess," pagtukoy ng kanyang ama sa kanya, "I don't want my Astraea to be abused and used by her people."

Our daughter is a genius, Maru. Marunong kumilatis ng tao si Theia.

"The world is full of ugly people, Luciana. I just want to protect my daughter."

"But I don't need some protecting, Papá," hindi na siya nakapagpigil na sumabat sa usapan ng mga magulang. Kahit nakapasok na sa silid ng mga ito ay kumatok pa rin si Theia bago tuluyang pumasok sa loob.

"Theia, anong ginagawa mo dito?"

"Papá, I'm a grown-up now. I am mature and I can make my own decisions. Please, listen to Mamá. I know you meant well but forcing me to marry won't protect me from the worst things in the world," pilit niyang inignora ang tanong nito at sinabi ang kanyang saloobin.

"Hindi na magbabago ang aking pasya, Astraea Denise," nang tawagin siya ng ama sa buo niyang pangalan ay bumagsak ang kanyang balikat. Kapag tinawag kasi sila nito sa buo nilang pangalan ay natatakot silang magkakapatid. Their father uses his "I'm your father" card on them whenever he wants to use his authority over his daughters. Most of the time, tinatawag sila ng papá nila sa buo nilang pangalan tuwing maglalambing ito. Iniiba lang nito ang tono kapag may gusto ito na kailangan nilang ibigay.

"Pero Papá—"

"Kung si Nox nga ay napapayag ng Tito Alberto mo na magpakasal sa iyo."

"Anong sinabi niyo?" No, he will never do this to me.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon