Chapter 11

35 3 0
                                    

"Is it okay to have dinner with Papá this coming Tuesday night?" tanong ni Theia habang naglalagay ng cookie dough sa baking sheet nito. She's baking some cookies for his newly-bought cookie jar. Cute daw kasi 'yong may baked goods sa countertop.

"Sure," sagot niya pagkatapos kumagat sa chocolate chip cookie, "hmm, sarap kaso mainit."

"Ito kasi 'yong nag-cool down na," mahina nitong hinampas ang kamay niya para mabitawan ang fresh from the oven cookie at isinubo sa kanya ang medyo lumamig na.

"Anong mayroon?"

"Huh?" naguguluhang yumuko ito para palitan ang nakasalang sa oven.

"Why are we having dinner with your father?"

"I'll introduce you to him."

"Huh?" siya naman ang naguluhan sa sinabi nito, "why? Kilala niya naman ako."

"For formalities, duh?" she rolled her eyes at him. Naghihintay siya ng kasunod na sasabihin nito ngunit nagpaka-busy na ito sa ginagawa nito.

"Hey," pagtawag niya sa atensyon nito.

"Wait," binuksan nito ang ref at kinuha ang karton ng gatas, "chocolate chips and fresh milk are the best combinations."

"Huwag mo baguhin ang topic, Astraea. Anong formalities?"

"Formalities, from the meaning itself. Bakit may iba pa bang kahulugan ang formalities sa dictionary mo?"

"Yeah right. But for what?"

"Hay naku," inikutan siya ng mata nito, sa pangalawang pagkakataon, bago nakairap na humarap sa kanya. "Should I state the obvious?"

"What obvious?" sa totoo lang ay hindi niya talaga naiintindihan ang sinasabi nito.

Lutang lang ba ko o magulo talaga siyang kausap ngayon?

"Fine. I'll introduce you to Papá as my boyfriend," sabi nito bago kumuha ng cookie at sinawsaw sa gatas.

"Ah, you'll introduce me as a boyfr— what?"

"What what?"

"Boyfriend?"

"Aren't you?"

"Am I?"

"Seriously, Anghelo?" nanlalaki ang mga matang sigaw nito.

"Wait, let that sink in." huminga siya ng malalim bago binuga iyon ng malakas. Nakataas ang kilay nito habang nakapangalumbaba. "Tayo na talaga?"

"Ano pa ba sa tingin mo?"

"Can you pinch me?" abot niya sa braso niya na hindi naman sinayang ni Theia. Kinuha nito ang pagkakataon para panggigilan ang braso niya. Napahiyaw siya sa sakit, "Aray! Grabe naman. Binaon mo talaga ang kuko mo, ah."

"Naniniwala ka na ba na this is real?"

"Yes, baby. Totoo talaga ito. Girlfriend na talaga kita," napangiwi siya dahil masyadong mahapdi pa rin ang kurot nito sa braso niya.

"Ayaw mo yata, eh."

"Hindi ah," sigaw niya bago pinigilan ito sa paglayo sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nito. "Tampo naman agad ang baby ko."

"K." tipid na sagot nito.

"Pero baby," nag-aalangan siyang ituloy dahil baka magalit na naman ito, "hindi mo ko pina-prank lang?"

"Mukha ba kong prank?"

"No, I mean... kailan pa?"

"Anong kailan?"

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon