"Anak, hindi ka na umuuwi dito. Saan ka ba naglalagi?" paglalambing ng mommy ni Nox sa kanya. Humalik ito sa kanyang pisngi at inayos pa ang kanyang kwelyo ng kumawala siya sa yakap nito. "Hindi mo na ba gustong tumira dito?"
"Mom, I was just at Midnight's."
"Pero umuuwi ka dito. Ilang gabi ka lang nagpupunta sa Midnight noon. Ngayon, halos hindi na kita makita. Doon ka na ba nakatira?"
"Hayaan mo ang unico hijo mo sa pagbukod sa atin. Panahon na para matuto siyang mamuhay mag-isa," pagsita ng daddy niya na mukhang kauuwi lang galing opisina.
"Hi, Dad," lumapit siya sa ama at nagmano rito.
"How's Midnight?" kumindat pa ito sa kanya kaya napangisi siya. Alam ng daddy niya ang dahilan kung bakit hindi siya nauwi sa kanilang bahay. Nakarating dito ang weekend dates nila ni Theia. Tuwang-tuwa ito ng malaman na gumagawa siya ng paraan para magkalapit sila ng dalaga. Wala itong kaalam-alam na high school pa lang noong una siyang magkagusto kay Theia.
"Great, Dad." makahulugang sagot niya kaya naman malaki ang naging ngiti ng daddy niya. Mahigpit siya nitong hinawakan sa balikat bago tinapik-tapik iyon. "Everything is doing well."
"I know you'll do great things, son. You made me proud."
"Thanks," mas lumapit siya sa daddy niya para hindi marinig ng mommy niya ang sasabihin niya rito, "just want to inform you that I am not doing this for our business, dad."
"What do you mean?" bago pa makasagot ay lumingon ang mommy niya kaya mabilis siyang lumayo dito.
Thanks, Mommy, you saved me.
"Anong pinagbubulungan niyong mag-ama dyan?"
"Nothing, Mom. Sinasabi ko lang kay dad na I decide based on what I am feeling. I am following my heart," ngumiti siya sa mommy niya at niyakap ito, "tara na, kain na tayo."
"Anong ibig mo sabihin sa following your heart? Anak, may nililigawan ka na ba? O may girlfriend ka na? Naglilihim ka ba kay mommy?"
"Mom, wala."
"Gusto ko siyang makilala. Hindi ko siya aawayin, anak. Pinky swear," pakiusap ng mommy niya sa kanya.
"Ang mommy talaga," umiiling-iling niyang sabi bago humingi ng saklolo sa daddy niya, "dad ikaw nga magpaliwanag sa mommy."
"Hayaan mo ang anak mo, Esmeralda. Ang importante ay masaya siya sa nangyayari sa buhay niya ngayon at maganda ang takbo ng negosyo dahil inspired siyang mag-trabaho."
"May itinatago talaga kayong mag-ama sa akin. Malalaman ko din kung ano 'yan, Alberto. Sa ngayon, magsaya kayong mag-ama at palalampasin ko ito," natawa na lang silang mag-ama sa nagtatampong mommy niya.
Soon, Mom. I'll introduce her to you soon.
Dumating na naman ang araw ng Biyernes. Ito ang pinakapaboritong araw ni Nox. Tuwing Biyernes kasi ay sinusundo niya si Theia sa Mondragon Empire at doon ito umuuwi sa penthouse niya.
Mula ng makarating ito doon ay nagbago na ang lahat sa unit niya. May feminine touch na sa interior ng penthouse at hindi na iyon mukhang bachelor's pad. Inangkin na nga ng dalaga ang unit niya at karamihan sa mga gamit doon ay bagong bili nila. Katulad na lang ng electric mixer at baking tools na bitbit niya ngayon dahil nanggaling sila sa mall at namili ito.
"Baby, where should I put this electric mixer?" tanong niya habang inilalabas iyon sa box.
"Doon sa malapit sa sink. Pakuha naman ako ng barena tsaka cable ties para hindi nakalabas 'yong mga wiring. Screws na din, 'yong 1-inch lang tsaka screwdriver," utos nito sa kanya habang itinatali nito ang mahaba nitong buhok matapos magtanggal ng sapatos.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 02 - Astraea Denise
عاطفية"Kung sa tingin niyo mapapapayag niyo ko dahil ako ang pinakabata dito, nagkakamali kayo. I may be the youngest but I am the worst Mondragon." -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·- Theia is known as the Mondragon Prin...