Napahinga ng malalim si Nox pagkalabas ng opisina ng biyenan niyang lalaki. Ipinatawag siya nito dahil nalaman nito ang pagpapadala ng bunso nito ng bio data na Single ang status. Humingi lang naman ito ng paumanhin sa kanya. Humingi na rin ito ng dispensa sa asal ng anak nito. Napailing na lang siya habang inaalala ang mga kalokohang ginawa ng asawa niya sa bahay nila ng nagdaang gabi.
"Ang tagal naman magbukas ng gate. Where's Theia?" nakangiting bati ni Forrest sa kanya nang papasukin niya ito sa bahay niya.
"Make yourself at home, Azcona. Aakyat na ko."
"Is this how you treat your guest, Mr. Romualdez?" pang-aasar ng kaibigan niyang tila at home naman talaga sa bahay nila at dumeretso pa ito sa kusina para kumuha ng baso. "Aww, where's my beer? Astraea, nagtapon ka na naman ng laman ng ref. Nasaan ka na ba?"
"Sa lahat naman ng guest, ikaw talaga ang pinakamakapal ang mukha. Alam kong sinabi ko na feel at home, pero wala akong sinabi na umasta kang bahay mo ito, this is my home."
"Okay," sagot nito bago kumuha ng pitsel ng tubig sa ref, "Theia, ang tagal mo naman bumaba." sigaw nito sa asawa niya. Asawa niya!
"Why the hell are you calling my wife?"
"What's wrong with calling the mistress of the house?"
"Theia is not a mistress, she have a husband. I am the husband and she is my wife." naiinis na tanong niya dito, "Stop calling my wife. Stop bothering my wife. Stop breathing in front of my wife. You don't deserve to breathe even her morning breaths."
Malakas na tumawa si Forrest sa sinabi niya. Kahit naman siya ay napayuko sa mga sinabi niya. Maging sa sarili ay napahiya siya. "Astraea is the head of this household. I am just calling the Queen of the house. Possessive Nox Anghelo, that's nice."
"Shut up!" wala siyang pakialam kahit makita ni Forrest na under siya sa misis niya. Whatever happens, she is his wife afterall. Mas lumalim ang kunot ng noo niya ng tawagin na naman ni Forrest si Theia at inuutusan itong bumaba. "Bakit ba tawag ka ng tawag sa asawa ko? Bakit hindi na lang si Yana ang tawagin mo?"
"Asawa mo, really? At bakit si Yana ang tatawagin ko, nandito ba siya sa bahay niyo? Mag-isip ka nga, pre."
"Love," nanigas siya sa harap ni Forrest ng marinig nila ang boses ni Theia. Nagkatinginan silang magkaibigan bago sabay na lumingon sa hagdan. Hindi naman nila nakita si Theia. Kahit ang anino nito ay hindi nila nasulyapan. Binatukan siya ni Forrest ng tawagin siya ulit ng asawa. "Love, hindi mo ba ko naririnig?"
"Love? Yuck! Sagutin mo na 'yong asawa mo." panunukso ni Forrest sa kanya na umaarteng nandidiri sa pagtawag ni Theia ng love sa kanya. Pinagdiinan pa nito ang salitang asawa.
Mabilis man ang kabog ng dibdib, humakbang siya palapit sa hagdan nila at tumingala para hanapin ang babaeng nagpapalakas ng tibok ng puso niya, "yes, l-love? Tawag mo ko?" nauutal pa niyang sabi.
"Why are you stuttering?" tanong nito sa malambing na boses.
"Ah, n-no. Where are you? Bakit hindi kita makita?"
"Sabi mo, 'di ba, I should not leave our room." napapikit siya ng marinig ang hagalpak ng tawa ng kaibigan sa likuran niya. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito.
"Man, you are whipped." pang-aasar pa ni Forrest sa kanya habang pinagtatawanan ang sitwasyon niya ng mga oras na iyon.
"At least, my husband was never kicked out of our house." siya naman ang natawa ng asarin ni Theia ang kaibigan, "Love, can you go up na? Iwanan mo na dyan 'yong napalayas ng misis niya."
"Princess, for your information, hindi ako napalayas. I left. Magkaiba ang dalawang iyon."
"Hindi naman iyon ang nakarating sa akin, Azcona. Make yourself comfortable and leave my husband alone. We are in the middle of something at nakakaistorbo ka na."
"What?" nanlaki ang mata niya ng mapasigaw si Forrest sa sinabi ni Theia, mabilis niyang tinakbo ang baitang ng hagdan at nakita niyang nakaismid ang asawa sa kanya. Nakabukas ang pintuan ng kwarto nila at halatang hinihintay nito ang pagdating niya. Katulad ng sinabi nito, hindi nga ito lumabas ng kwarto nila. Nakaabang ito sa pinto na para bang isa itong mabait at masunuring asawa. "Theia, bata ka pa!"
"Mag-music ka na lang ng malakas, Forrest. As far as I know, soundproofed naman 'yong kwarto namin but who knows, right? Baka marinig mo kami mamaya at hindi ka makatulog sa inggit." sigaw nito habang nakatitig sa kanya.
"Why are you daydreaming in the middle of the hallway? Hindi mo ba alam na you are blocking my way?" ang boses pa rin ng asawa ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Masama ang timpla nito dahil nagising itong nakayakap sa kanya. Hindi naman sa hindi ito yumayakap sa kanya pagtulog. Mas nauuna nga lang siyang bumangon dito tuwing umaga kaya hindi nito naaabutan na madalas ay niyayakap siya nito tuwing magkatabi sila.
"Good morning, Sir Nox. Mukhang maganda gising natin, ah?" nalingunan niya ang kaibigang si Forrest na nasa likuran ng asawa niya. Nangangalumata ito at tila hindi nakatulog ng maayos ng nagdaang gabi.
"Good morning, Sir Forrest! I didn't mean to brag but it is indeed a good sleep. Mukhang ikaw ang hindi maganda ang tulog, ah? Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos ng asawa mo?" pang-aasar niya rito.
"Gago kayong mag-asawa, hindi na kayo nahiya sa bisita niyo." pabulong na sabi ng kaibigan na pumuwesto pa sa gitna nilang mag-asawa para masigurong sila-sila lang ang makakarinig sa sasabihin nito. "You really had a wild night while I was staying next door! Ang ingay ingay mo, Astraea. Kung alam lang ng Papá mo ang kahalayan mo baka divorced na kayo ng gagong 'to ngayon."
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay nalipat ang masamang tingin ni Theia mula sa kanya papunta kay Forrest. Bakas sa mukha nito ang iritasyon sa mga sinambit ng kaibigan niya.
"So what?"
"Anong so what?"
"So what if I was loud? I am in my house. Binigyan kita ng warning na maiinggit ka, bakit hindi ka nakinig sa akin? It's not my fault that we enjoyed our night in our home." inirapan nito si Forrest ang nilampasan silang dalawa, "next time, kung makikitulog ka sa bahay namin, tandaan mo sana na mag-asawa ang nakatira doon. Gumagawa kami ng milagro kapag gabi at walang mali doon dahil asawa ko naman ang kasama ko. FYI, I'm not mahalay. I am a married woman and my husband is the only man I slept with."
"Why is she throwing shade at me? I never sleep with another woman ever since I met those Mondragon witches!" nagrereklamong tanong ni Forrest sa kanya habang nakatingin sa nakatalikod na pigura ng asawa niya.
She is so fucking hot and sexy whenever she's angry.
"Hoy gago! Hindi ka pa ba napagod sa ginawa niyo magdamag? You are lusting over your wife in broad daylight."
"At least, I only lust after my wife. I was never intimate with any other woman since the day I married her."
"Damn you, Nox! I never cheated on Yana. Bakit niyo sinasabing nambababae ako?"
Ngingiti-ngiting iniwan niya ang kaibigan at tumungo sa elevator mag-isa. They may be estranged but her wife never turns her back on him. Theia, with her strong and independent aura, upholds their marriage even though she still doesn't accept the fact that she married him.
"Who would've thought that we aren't doing it yet?" tanong niya sa sarili habang ngiting-ngiti sa alaala ng masungit at supladang asawa, "who would believe that we haven't consummate our marriage until now with those moans last night?"
May magandang dulot din pala ang porn sites.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 02 - Astraea Denise
Romance"Kung sa tingin niyo mapapapayag niyo ko dahil ako ang pinakabata dito, nagkakamali kayo. I may be the youngest but I am the worst Mondragon." -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·- Theia is known as the Mondragon Prin...