Magkahawak ang mga kamay na pumasok sa mansyon ng mga Mondragon sina Nox at Theia. After they got married, it became a tradition for the Mondragons to have a weekend get-together. Since Theia is the youngest and she was the first daughter who got married first, her parents required them to reserve every Sunday for the family.
The Sunday lunch gets passed on to Artemis and Forrest who just got married a few months ago. Kahit na sinasagot-sagot at inaaway lang ni Theia ang Papá nito ay walang kaso iyon sa mga magulang nito. As long as they spend their lunch with them, it's fine. At para maging patas, Theia scheduled their Saturday night with his parents.
"Astraea Denise, halika nga dito," sabay silang napalingon mag-asawa ng makita ang papalapit na pigura ni Athena. Kinurot nito ang kapatid sa braso bago hinila ang buhok nito.
"Aray! Bakit?" nakasimangot na tanong ng kanyang asawa na hindi binibitawan ang kamay niya.
"Gaga kang babaita ka! Anong ginawa ninyong mag-asawa sa Basement 2? Last Friday... God, Theia! Magpasalamat ka at ako na lang ang naka-park doon kaya hindi nakarating sa Papá ang ginawa mo."
"Eh 'di thank you!"
"Theia!" nanlaki ang mga mata ni Athena na sinabayan pa ng paghimas sa magkabilang braso, "Kinikilabutan ako sa iyo. Hindi ka na nahiya?"
"Anong mayroon sa impakta sister at dito pa kayo nagtatalo dalawa?" nakangiting bati ni Artemis na nakakapit sa braso ng asawang si Forrest, "Ano ang latest?"
"Pagsabihan mo 'yang kapatid mo, Artemis. She did it on ME."
"She did what on ME?"
"Nag-exhibition yata silang mag-asawa sa parking lot. My God, Theia! I am still having goosebumps," naiinis na sabi ni Athena na panay ang irap sa kanyang asawa.
"Ah, nag-sex lang pala sila. Akala ko pa naman bun— nag-sex kayo pagkaalis namin?" napatakip ng bibig si Artemis matapos ibulalas ang tanong nito.
"Tumahimik ka nga. Nakakahiya!" sita naman ni Athena na hinampas pa ang kapatid bago napahawak sa noo nito.
Thank God for my poker face, no one notices me. Piping pasalamat ni Nox na tahimik lang na pinagmamasdan ang magkakapatid na Mondragon. Maging ang kaibigan niyang si Forrest ay tahimik lang sa tabi ng asawa nito. Pasulyap-sulyap lang ito sa gawi niya. Marahil ay tinitignan nito kung magkakaroon ng ibang emosyon sa mukha niya.
"Tinotoo mo 'yong public sex? Hands down, sis! Ikaw na!" masayang bati ni Artemis na nakataas ang dalawang kamay bago yumuko sa harap nilang mag-asawa. Nagpipigil si Nox na mapangiti dahil sa pag-bow na ginagawa ni Artemis sa harap nila.
"Isa ka pang gaga! Kailangan talaga i-congratulate pa? At ano, alam mo ang ginawa nilang dalawa?"
"Nakita namin sila ni Andrei," siniko nito ang asawa na mabilis naman tumango kay Athena, "pero hindi ko in-expect na tototohanin ni Theia."
"Oh my God! You were caught in the act but you pursue it anyway?"
"Anong magagawa ko kung horny ako?" maging siya ay napanganga sa tinuran ng asawa. Napatulala na lamang ang mga kapatid nito bago nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang mag-asawa. Napalunok na lang siya bago nag-iwas sa tingin ng mga ito.
Bahagyang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Theia, senyales na handa siyang tulungan ito sa pagpapaliwanag, ngunit sinagot nito ng pagpisil ang kamay niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumahimik lang at hayaan ang asawa niya sa gusto nito.
What can he do? A man was supposed to never kiss and tell.
"What?" eksaheradang tanong ni Athena, "Wait, I think I'm gonna passed out."
"Okay lang 'yan, sis." pagtapik ni Artemis sa balikat ng huli, "Kami nga ni Andrei naglaplapan sa harap ng maraming tao kahit hindi pa kami."
Malakas na tumawa ang asawa niya sa sinabi ni Artemis. Mas ikinabigla naman iyon ni Athena na napaatras pa at muntik matumba. Mabuti na lamang at may mesita sa likuran nito kaya napakapit ito roon at naiwasan ang pagbagsak ng mabuwal ito.
"Hindi ko alam kung ikakahiya ko kayo," tanging nasabi ni Athena bago sila iwanang apat doon. Nagkatinginan naman sila bago sabay sabay na nagtawanan.
"Gaga ka, Theia! At talagang tinuloy mo pala ang milagro, ah?" hinampas ni Artemis sa balikat si Theia. Napalakas ang pagkakahampas nito kaya sumubsob ang katawan ng asawa niya sa kanya. Naging maagap naman siya sa pagyakap dito at sinalo ito bago pa ito tuluyang mawalan ng balanse, "Lintek! Ang sweet niyo talaga. Ano ba sikreto ng masayang pagsasama?"
"Tamang car sex lang," bulgar na sagot ni Theia na hinila ang kamay niya para tuluyan ng pumasok sa mansyon, "Saka asawang mahal na mahal ka na hindi na kayang tumingin sa iba."
"Watch your mouth, Princess. Mahal na mahal ko si Yana and no one can make me look away from her." mabilis na pagtatanggol ni Forrest sa sarili.
"Okay, sabi mo eh." mayabang na sagot ni Theia na dahilan para paghahampasin ni Artemis ang asawa. Napapailing na lamang siyang nagpahila kay Theia na lihim na nagsasaya sa ginawa nito sa kakambal at kaibigan nito.
"Papá, I'm pregnant."
Isang napakalaking balita ang bumasag sa katahimikan ng mga Mondragon habang nagsasalo-salo sila para sa pananghalian. Sa tingin ni Nox, nagpapakiramdaman ang mga ito kaya walang nagsasalita sa mga ito. Ngunit lahat ng pares ng mga mata ay bumaling sa gawi nilang mag-asawa ng biglang nabitawan ni Theia ang mga kubyertos nito.
Ito lang ang nakapag-react sa kanila kaya naman lahat ng atensyon at napunta rito. Tahimik na nagpunas ito ng bibig at tumayo. Wala itong tinignan na kahit na sino at dere-deretso itong lumabas ng komedor.
"Sorry, excuse us," magalang na paalam ni Nox sa pamilya ng asawa bago mabilis na sinundan ito. Naabutan naman niya agad si Theia na mabagal lang ang paglalakad palabas ng mansyon. Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan nito ngunit parang wala itong naririnig at patuloy lang ito sa paglakad.
"Hon," nang sa wakas ay maabutan niya ang asawa, hinawakan niya ang mga bisig nito at hinarap sa kanya. Hindi napaghandaan ni Nox ang reaksyon ni Theia. Nanginginig ito. Tahimik na umiiyak habang nakayakap sa sarili. "Shit! What's wrong?"
Marahil ay nanlalambot ito dahil sa walang tigil na pag-iyak, walang pagtangging naikulong ni Nox sa bisig ang kanyang asawa. Mahigpit na yumakap ito sa kanya at tahimik lang na umiyak sa dibdib niya.
Wala man siyang magawa o masabi para maibsan ang nararamdaman nito, hindi pinakawalan ni Nox si Theia at hinayaan itong mailabas ang lahat ng kalungkutan nito. Nang mahimasmasan ay hinawakan lang nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa sasakyan.
Walang imik itong sumakay kaya naman sinundan niya na lamang ito. Matapos sabihin na gusto na nitong umuwi ay hindi na muli pang nagsalita si Theia kaya umalis na sila sa mansyon ng mga Mondragon. Hanggang makarating sa kanilang bahay ay hindi na ito nagsalita pa.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 02 - Astraea Denise
Romance"Kung sa tingin niyo mapapapayag niyo ko dahil ako ang pinakabata dito, nagkakamali kayo. I may be the youngest but I am the worst Mondragon." -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·- Theia is known as the Mondragon Prin...