Chapter 34

55 2 0
                                    

Nox couldn't contain his happiness. It was a Friday night and the Mondragon Witches wanted to have a night out. Napagkasunduan ng magkakapatid na magpunta sa Fire In Ice at mag-chill. Of course, he is his wife's plus-one. At ito ang unang pagkakataon na magpupunta sila sa Fire In Ice na magkahawak ang kamay.

Theia never held his hand in public. Kahit noong magkasintahan pa lang sila. Mabibilang sa mga daliri sa kamay ang mga pagkakataong magkahawak kamay silang naglalakad. She's sweet and clingy but she's only like that behind closed doors.

"Welcome, welcome to the Romualdezes," sigaw ng kaibigan niyang si Theus na kasalukuyang nagmi-mix ng inumin ng magkakapatid na Mondragon, "as always, you are both late."

"A Queen is never late," taas-noong umupo si Theia sa harap nito. Siya naman ay tumayo lang sa likod ng asawa, "Everyone else is simply early... says Julie Andrews."

"That's correct," pagsang-ayon niya sa sinabi ng asawa na nakangiting lumingon sa kanya bago siya hinalikan sa pisngi.

"Woah! Ako lang ba o naging PDA itong dalawang ito?" tanong ni Theus na kinalabit pa si Athena na sinagot naman nito ng pag-irap.

"Ganyan naman sila lagi. May sariling mundo," wika ni Kalli na ngumiti ng makahulugan sa kanila bago inabot ang baso ng alak na binigay ni Theus dito.

"Tama ka dyan, Kalli. Totoo 'yan," pagsegunda naman ni Ynez, "Naalala ko, kahit noong bago pa sila magpakasal, parang ganyan na sila. Hindi lang sila masyadong touchy pero parang lagi silang magkadikit."

"Hindi pa pinagkakasundo ng Papá pero may sarili na silang kasunduan, 'no?" natatawang sabi naman ni Iris.

"Siguro type na talaga nila ang isa't isa bago pa sila ma-arranged marriage ng Papá. Kilala na naman natin si Nox bago sila nagpakasal ni Theia, 'di ba?" sabi naman ni Mari.

"He was the reason why Papá never wanted me to pursue Astraea," pagsingit naman ni Forrest sa usapan na sinamaan ng tingin ni Artemis, "maliban sa alam kasi niya na si Yana talaga ang gusto ko."

"Ikinasal na tayo pero kapag naaalala ko lahat ng ginawa mong gago ka, nanggigigil pa din ako." piningot pa ni Artemis si Forrest na ikinatawa nilang lahat. "Jokes aside, impakta... may something talaga sa inyo, 'no? Kung hindi ako nagkakamali, ayaw mo sa kasal pero hindi ka umayaw sa pakakasalan."

"Why would she? They were married in the first place," malamig na sabi ni Athena na naging dahilan para tumutok ang lahat ng paningin nilang lahat dito. "I mean, asawa niya na si Nox. Bakit niya aayawan ang groom niya?"

"Oo nga, mag-asawa na sila. But before that—" naputol ang kung anumang sasabihin ni Artemis ng magsalita si Kalli.

"OMG! Alam mo din?"

"Ate Kalli, weh?" nanlaki ang mga matang tanong ni Athena bago sabay na tumili ang mga ito.

"Sandali, sandali! Anong alam niyong dalawa?" naguguluhang tanong ni Iris, "Pinagsasabi ng mga 'to?"

"Theia and Nox were already married before Papá announced their engagement. Three months yata, tama ba, Athena?" tanong ni Kalli sa kapatid, "Three months na silang kasal bago pa sinabi sa atin ng papá na ipapakasal niya si Theia sa mga Romualdez."

"All along, palabas mo lang na ayaw mong magpakasal kasi kasal na kayo?" nakataas ang kilay ngunit nakangiting tanong ni Mari sa asawa niya, "Iba ka din, sis. Best actress ka dyan."

"It wasn't an act. I don't want to marry him then," sagot ni Theia na tumingin pa sa kanya at ngumisi. Napailing na lang siya dito.

"Ano? Paanong ayaw mo siya pakasalan, eh kasal na nga kayo?" naguguluhang sabi ni Artemis, "Or ayaw mo na magpakasal kasi kasal na naman kayo?"

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon