Chapter 8

46 2 0
                                    

"Hello! Is this seat taken?" nakangiting bati ni Nox kay Theia ng makita niyang nagbabasa ito ng libro sa nadaanan niyang coffee shop. Nag-angat ito ng tingin at gumanti ng ngiti ng makita siya.

He can't help but appreciate the beauty in front of him. Simple lang ang ayos ni Theia. She's wearing a plain shirt that was tucked into a skirt. She pairs it with running shoes and a pearl headband. Walang kahit anong nakalagay sa mukha nito. No make-up, no lipstick. A bare-faced Astraea Mondragon, chilling and reading in a quiet coffee shop in the middle of the city.

"Sorry, I'm waiting for someone, eh." pang-aasar nito sa kanya bago humigop sa kulay berdeng inumin na nagpapawis na ang baso sa harap nito. Ang totoo kasi ay siya ang hinihintay nito. May usapan silang magkikita ngayong araw. "My date will be here any minute."

Ah, that sounds nice. We're out on a date.

"What are you drinking?"

"Iced Matcha Latte," inalok siya nito na nangingiwi niyang tinanggihan, itinuro nito ang silya sa tapat nito, "Have a seat, please." Hindi kasi siya umupo hangga't hindi ito pumapayag.

"Nah, thanks." pagtanggi niya ng iabot nito ang baso ng Matcha sa kanya.

"Let me guess, hindi mo gusto ang lasa?"

"Yeah," tumango pa siya na sinagot naman nito ng mahinang pagtawa, "it tastes like metal."

"Kumakain ka ng bakal?"

"Ha-ha, baby. Nice joke." tinakpan nito ang bibig bago tuluyang sinara ang libro at tinuon ang tingin sa kanya.

"Sabi mo kasi lasang metal, malay ko kung kumakain ka ng bakal before."

"Ah, rust... rusted metal. Kalawang," pinagtawanan siya nito dahil doon.

"Where are we going?"

"Where do you wanna go?"

"Surprise me," umayos ito ng upo at titig na titig sa kanya. Bahagya tuloy siyang nailang.

"I am not into surprises. But, I want to know you more so... take me somewhere that piques your interest."

"I am not an interesting person, mister. Sorry to disappoint you."

"Bakit naman?" tanong niya habang nakatingin sa mukha nito, tinitignan niya kung niloloko lang siya nito o inaasar.

"I am very easy to please. Mababaw lang akong tao. You can take me anywhere and I'll enjoy it."

"Paano kung dalhin kita sa hotel?" pang-aasar niya sa dalaga ngunit siya ang nagulat sa sinagot nito.

"No problem."

"Sasama ka?"

"Of course, why not?"

"Astraea—"

"Mas prefer ko 'yon dahil makaka-relax ako dahil tahimik. I can read and sleep and watch a series or cook something... whatever." kinukumpas pa nito ang kamay habang nagsasalita. Nangingiti siya habang pinanonood ito. "Are you silently laughing at me?"

Being with Theia makes him feel like he is in his teenage years. She's fun to be with. Hindi niya alam kung anong mayroon dito at madali siyang napapangiti at napapatawa nito. What makes her more fun is she's unaware of her sense of humor. Her quirks and uniqueness are her assets.

"No," napangiti na naman siya dahil nakangiti ang korte ng labi nito pero nakakunot ang noo at salubong naman ang mga kilay nito, "you're cute."

"You're making fun of me."

"Hindi, ah. You are really cute," hindi niya napigilan na kurutin ang pisngi nito.

"Ouch, bakit ka nangungurot?" hinimas-himas nito ang pisngi nitong kinurot niya na ngayon ay namumula na. "Ang sakit naman. Panggigilan ba ko?"

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon