Chapter 3

76 3 0
                                    

10 years ago

"Sino 'yon?" nakakunot ang noong tanong ni Nox sa kaklase ng makita ang kumpol ng mga estudyante sa daraanan nila. Sa dami ng nagkukumpulan ay nakakagawa na ng ingay ang mga ito. Ang iba ay nakikiusyoso, samantala ang iba ay umiikot na lang para makaiwas dahil nagkakagulo na doon. "May artista?"

"Ah, si Astraea Mondragon. Hindi artista, pero maraming fans."

"Bakit?"

"Because she's cool? She's also friendly and approachable kaya maraming nalapit sa kanya. Most of our seniors want to get close to her because she's pretty. Young, beautiful, and rich. The perfect trophy girlfriend." paliwanag nito habang tinataas ang kilay nito. Kahit may katangkaran naman ay tumitingkayad na din ang kaklase niya para makasilip sa kumpulang iyon. "Wanna see her?"

"Nah," mabilis na tanggi niya. Ngunit pasimple na tumingin din sa kumpulan, baka sakaling makita niya rin ang sinasabi nitong Astraea Mondragon.

"Are you serious? She's in your league, pare. I think, bagay kayo. She's our junior lang naman."

"Let's not waste our time checking her out. I'm sleepy." sumakto pa ang paghikab niya kaya nakapikit siyang naglakad.

"Excuse me, excuse me... I'm late for cla—"

"Oops, watch out." mabilis niyang hinablot ang braso ng babaeng may malaking itim na ribbon sa buhok."

"Ah, thank you." nang magsalubong ang tingin nila ay napalunok si Nox. She's cute. She looks so tiny in front of him kahit na mukhang may kataasan naman ang height nito sa normal na mga babae. Sanay naman na makakita ng magandang babae si Nox but this little woman is different.

"No problem," matapos magpasalamat nito ay marahan nitong inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito bago magalang na tumango at umalis.

"Pre," hampas sa braso ng kaklase niyang nakalimutan niya na kasama niya mula pa kanina, "akala ko ba ayaw mo makita?"

"What?"

"That's her. The infamous Astraea Mondragon. Nice to see her in the flesh, huh?" pang-aasar pa nito sa kanya. Iiling-iling na lang niya itong sinundan pabalik sa classroom nila.

"Romualdez!" ilang minuto pa lang mula ng makabalik siya sa klase para matulog ngunit mayroon na agad gumugulo sa pag-idlip niya, "P're, may tanong ako."

Napaangat na ng ulo si Nox ng marinig ang paulit-ulit na pagtawag sa apelyido niya. Napasimangot siya ng makita ang kumpulan ng mga kaklase niyang lalaki paikot sa kanya. Kanya-kanya pa ng hila ang mga ito ng upuan paharap sa kanya.

Mga istorbo, muli siyang yumuko para ituloy ang naudlot niyang pagtulog. Bakit ang bango naman ng katabi ko? Parang amoy babae.

"Nahawakan mo raw si Theia kanina? Anong feeling, p're? Malambot ba?"

"Ang tagal ko na gustong lapitan iyon, kaso ang dami laging nakabuntot. Swerte mo naman."

"Fuckable pare, eh."

Dahil nakayukyok ang ulo sa mesa ay hindi niya nakita kung sino ang nagsalita. "Shut up," naiinis niya na lang na sinabi. Wala naman siyang pakialam kung sinong babae ang gustuhin ng mga kaklase niya. Pero ang iparinig pa ng mga ito sa kanya ang mga kabastusan ng mga ito, hindi siya tatahimik.

"Si Romualdez ba 'yon?"

"Pare ikaw ba 'yon?" tinapik pa siya ng katabi niya kaya nag-angat na siya ng tingin. Nakita niya ang kaklaseng si Kevin na nakangisi pa na nakatingin sa iba nilang kaklase, "Totoo naman na fuckable si Theia Mondragon. Sa kanilang magkakapatid, iyon ang pinakamadaling makukuha kasi napakabait, 'di ba?"

Hindi na nakapagpigil pa si Nox. Tumayo siya at mabilis na binigwasan si Kevin, "What the fuck?"

"You're a jerk!"

"Gago ka ba? Ano bang problema mo?"

"Kung mambabastos ka ng babae, huwag mo gawin iyon sa harap ko."

"Totoo naman na fuckable si Mondragon, ah? Hindi ka ba tinigasan kanina nung hinawakan mo?"

"Fuck," minura niya ito bago sinuntok sa bagang.

"Tangina," inawat ng mga kaklase nila si Kevin na akmang susugod sa kanya, "bitawan niyo ko. Bubugbugin ko ang tarantado na 'yan."

"Sige, tara." sinimulan niyang tanggalin isa-isa ang butones niya, "akala mo hihinto ako sa pagsapak sa iyo?"

"Gago, tama na! Tumigil na kayo."

Pati ang mga kaklase nilang babae ay nagsitayuan na at nakiawat sa kanila ni Kevin. Nagpupumiglas pa rin ito na kabaliktaran naman ng sitwasyon niya. Wala kahit isa ang humahawak at pumipigil sa kanya. Tila gusto pa ng mga ito na sumabog siya at sapakin pa si Kevin.

"Anong nangyayari dito?" natahimik ang lahat ng pumasok sa klase nila ang susunod nilang guro. Imbes tuloy mag-klase ay napunta sila sa Guidance Office.

Nox feels proud of his Guidance Office visit. Oo, ngayon lang siya nagkaroon ng record at violence pa. Pero hindi katulad ng kaklase na si Kevin na automatic ang expulsion, siya ay wala man lang suspension. Binigyan lang siya ng warning dahil first offense naman at nagtanggol lang naman siya. Mabuti naman pala at hindi pa ganoon ka-sira ang ulo ng mga kaklase niya. Marami ang nag-witness sa nangyari at lahat ay nagsalita laban kay Kevin.

Galit na galit si Kevin dahil maliban sa expulsion ay kakasuhan pa ito ng mga Mondragon. Nakarating kasi sa mga Mondragon ang kaguluhan sa klase nila. Mabilis na kumalat ang balita lalo na ng ipatawag din si Astraea Mondragon sa Guidance Office.

"Thank you for whatever you did, pero next time please don't use violence, okay?" nakangiting paalala sa kanya ni Astraea Mondragon, "If I were going to decide, I won't file a case over your classmate. Hindi naman niya tayo nasaktan. Kaso baka ikaw ang gantihan niya."

"I won't mind. I will do it again kung pababalikin ako sa pagkakataong iyon. At kahit naman sa ibang babae niya sabihin iyong mga sinabi niya sa iyo, I will still do the same. I will never regret punching that jerk."

"Thank you ulit," mahina itong tumawa bago inilahad ang kamay sa kanya, "Theia, by the way. Although you already know my name because of the incident a while ago, still, I'm very thankful for protecting me without even knowing me."

"Anghelo," pagtanggap niya sa kamay nito. Bahagyang kumunot ang noo niya ng malanghap niya ang pabango nito dahil sa biglang paghangin ng paligid.

It's her scent. The scent that I was smelling inside our room was hers. But how?

"Anghelo?" naiilang na ngumiti ito sa kanya.

"Yes, miss. Nox Anghelo Romualdez at your service." ganti niya sa alanganing ngiti nito.

"Nice to finally meet my savior."

"Likewise, Theia." nakangiti niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak sa kamay nito. Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap nila. Matapos magkakilanlan ay bumalik na silang pareho sa klase nila. Hindi na rin mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Nox matapos ang pagkikitang iyon.

Ah, so cute.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon