"Will you marry me?"
It's another weekend for Theia and Nox. As usual, they are staying in his penthouse. Kasalukuyan silang nagbabasa ng kanya-kanyang libro ng bigla na lang tumayo ang lalaki at lumuhod sa harap niya. Nox blurted out all of a sudden. Theia was so caught off guard that she decided to hide her surprise by laughing. What is happening is spontaneous, a little out of character, but with a lot of emotion, it's directly going in her head.
Nang ibaba niya ang hawak na libro mula sa pagkakaharang nito sa mga mukha nila, doon lang napansin ni Theia na binitawan din ni Nox ang libro nito. He was kneeling in front of her, and both of his hands were resting on her legs while keeping his face straight like he had the power to see her through the book she was holding.
"Huh?" she asked in between laughing at his question pero agad din siyang sumeryoso ng makita ang mukha nito. His eyes are full of emotions as well. She can see his hope, his love, and his nervousness, kaya naman napalunok siya at napahawak sa kanyang dibdib, "Are you serious?"
"Yeah," matipid na sagot nito na deretso lang ang tingin sa mga mata niya. She felt so conscious of his stare that she looked away.
"Sure." she immediately answered without looking at him.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit?"
"Now that you asked me if I want to know... actually, I do," napangiti siya sa tanong nito kaya mabilis siyang humarap at pinagmamasdan ang mukha ng nobyo, "but in my head, it's contradicting me. It's telling me not to ask and just let it be. I shouldn't bother."
"Great."
"Just that?" natatawang tanong ni Theia kay Nox. Umayos lang ito sa pagkakaupo at muling ibinaling ang atensyon sa librong hawak nito.
"Yes."
"Now, I'm curious."
"Hmm," tanging reaksyon nito. Wala ng nakuha pang sagot si Theia matapos iyon. Masayang napailing na lang siya at muling bumalik sa pagbabasa.
But that was the hardest thing to do at the moment because her heart was ecstatic. She felt so happy and she couldn't go back to what she was doing.
Ano kaya ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito at bigla na lang nag-propose sa akin? tanong ni Theia sa sarili habang nakatingin sa librong hawak ni Nox na humaharang sa mukha nito.
He is beyond happy. But he doubts that his girlfriend notices it due to his expression. Hindi kasi siya showy na tao. He loves her. He adores her. He thinks of her every single time. Lahat ng iyon ngunit hindi mo iyon makikita sa mukha niya. Blame his poker face, that even if he's laughing his heart out, it will never show.
His sudden marriage proposal to Theia is a spur of the moment. He was just reading his book when he felt like it was the moment. He stood up, kneeled, and asked for her to marry him. Nakakabigla na ang ginawa niya kung tutuusin pero mas nakakabigla ang pagpayag ni Theia na magpakasal sa kanya.
So much for her constant declaration of not wanting to be married to the Romualdezes, it amazes Nox that she agreed to his proposal without thinking twice.
Matapos pumayag ng huli na magpakasal sa kanya, he picked up his book and pretend he didn't hear any of her questions. Yes, he was just pretending. He placed the book above his face to hide himself from Theia's scrutinizing gaze.
Kahit na madalas siyang sabihan ng iba na nakakatakot siyang kaharap dahil naka-poker face siya, kinakabahan pa rin si Nox na makita ni Theia ang iba't-ibang emosyon sa mukha niya.
Habang abala siya sa pagpapanggap na nagbabasa, biglang tumunog ang telepono niya. Sandali silang nagtinginan ng nobya bago niya inabot ang telepono niya sa ibabaw ng center table. Napakunot ang noo niya ng mabasa ang pangalan na naka-rehistro doon. Muli siyang sumulyap sa nobya bago sinagot iyon.
"Hello, Tito Maru?" mabuti na lang ay hindi siya nasamid sa pagkakabanggit sa pangalan ng tatay ni Theia. Kung hindi, baka pag-isipan na naman siya ng masama ng nobya. Pinindot na rin niya ang speaker sa telepono para marinig ni Theia ang pag-uusapan nila.
"Hijo, busy ka ba?"
"Yes, ti—" siniko siya ni Theia bago umiling, "I mean, hindi naman po. May problema po ba?"
"Ah, wala naman. I just want to invite you and your family for dinner tonight. I want to discuss your wedding preparation with my youngest." automatiko naman na hinanap ng mata niya ang nobya na nahuli niyang iniikot ang mga mata. Iwinasiwas pa nito ang kamay bago humiga sa sofa. Ginamit pa nitong unan ang hita niya at tuluyan ng bumalik sa pagbabasa.
"Ah, tito, alam po ba ni Astraea ang tungkol dito?"
"Of course," pagsisinungaling nito sa kanya. Kung alam siguro nito na magkasama sila ngayon ng tinatawag nitong anak ay hindi ito magtatangka na gumawa ng kwento, "she insisted this dinner with your family."
Napabalikwas ng bangon si Theia at dinuro ang telepono niya. Nagpipigil itong sumagot sa tatay nito na siyang ipinagpapasalamat ni Nox. Sumenyas siya sa nobya na kumalma bago sinagot ang tatay nito.
"Ah, I see. Tito Maru, just a question po."
"Ano 'yon, hijo?"
"If I remember it correctly, I asked you and Dad to let Astraea decide on what she wanted for this wedding... kasama po doon ang preparation, 'di ba?"
"Yes, kasama doon ang preparation. Engagement, too, of course."
"Kung okay lang po sa inyo, pwede ba na kami muna ni Astraea ang mag-usap tungkol dito?" mariin naman tumanggi ang huli. Matigas na umiiling ang nobya sa harapan niya.
"I don't think it'll end up well, hijo. My daughter will just choose to have a long engagement until you both decide to not push through the wedding. Mas mabuti na tayo na ang magplano para sa kasal na ito and just let her know about the details after."
Kahit anong pagtanggi niya ay hindi siya pinakinggan ng ama ng nobya. Iginiit pa rin nito ang gusto nito para sa kasal nila ni Theia. Himala na ring maituturing na nanatiling tahimik ang nobya habang nagpupumilit ang ama nito para sa pagpapakasal nilang dalawa.
"I still think that Astraea would want to plan her wedding, Tito Maru. I don't want to push this but at least, let's give the planning part to her," muli niyang pakiusap na tinanggihan lang ulit nito.
Mabigat ang pakiramdam ni Nox matapos ang pag-uusap na iyon. Tinitimbang niya rin ang mood ni Theia na nanatiling tahimik sa buong pag-uusap nila ng ama nito. Sinusubukan niyang alamin kung ano ang naiisip ng nobya ng biglang tumayo ito at tumingin ng deretso sa mga mata niya.
"Get your keys, we'll get married now."
"O— what?" sasagot sana siya ng okay ngunit ng maintindihan ang sinabi nito ay natigilan siya, "Now as in right now?"
"Ayaw mo ba?" naniningkit ang mga matang tanong nito.
"Gusto," sagot niya, "pero hindi ka ba nabibigla lang?"
"I'd rather have this reckless wedding today than let that father of mine dictate the wedding I dreamed of," naiinis na sagot nito na sinabunutan ang sarili at ginulo-gulo ang buhok, "Argh, papá! Hindi ka talaga papayag na masunod ako."
"Don't get me wrong, baby. I wanted to marry you so badly, but I think, making a reckless decision is not suitable for you. Let's plan our wedding and then get married." pangungumbinsi niya, "What do you think?"
"Tingin ko, hahatak na lang ako ng ibang papakasalan dyan sa labas para kapag ikinasal ako sa 'yo, maging voided na lang."
"Ah, hindi naman ako papayag sa ganyan. Tara na, magpakasal na tayo."
"Akala ko ba hindi bagay sa akin ang padalos-dalos?"
"Dalawa naman tayong magiging careless dito, exemption na 'yon." natawa si Theia sa sinabi niya at mabilis na umangkla sa braso niya.
"Sure ka na ba, Anghelo? This marriage will be legal. Kapag nagkapirmahan na tayo, there's no turning back. You'll be married to me forever because I was never a fan of annulment, divorce, legal separation, or whatsoever." pananakot pa nito sa kanya na nakataas ang kilay.
"Ikaw ang kabahan, Astraea. Once you married me, hindi ka na makakawala sa akin. We will grow old together."
"Iyon din naman ang gusto ko."
"Then, let's go. We have to get married today."
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 02 - Astraea Denise
Romance"Kung sa tingin niyo mapapapayag niyo ko dahil ako ang pinakabata dito, nagkakamali kayo. I may be the youngest but I am the worst Mondragon." -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·- Theia is known as the Mondragon Prin...