Three years later
Simula ng ikasal sila, hindi na naging maayos pa ang relasyon nila ni Theia. It is not what he is expecting but his wife turns from a lamb into a cold lioness. At ang isa sa pinakamahirap para sa kanya ay ang pagtulog nito sa tabi niya na para bang napipilitan lang itong tabihan siya.
"Good night," malamig na sabi nito na para bang hindi ito naging malambing sa kanya ng nagdaang gabi.
"Back to square one," hindi niya napigilang komento ng humiga itong patalikod sa kanya.
"Ano 'yon?"
"I'm tired, Theia. For the past three years, you've been so distant from me. Tingin mo ba hindi ko napapansin? You are so cold that you can replace Elsa and be the new Ice Queen," ngumiti ito ng bahagya bago sumeryoso ulit ang mukha, "Like that. God, pagod na ko. Pagod na pagod na ko, Astraea."
"Then, let's end this."
"Ano?"
"Tapusin na natin ang problema mo, Anghelo. Let's file a divorce." hindi malaman ni Nox kung gaano katagal niyang napigil ang kanyang hininga.
He felt numb. He can't breathe. He was speechless.
"Anghelo?"
"No."
"Why?"
"Because I don't want to divorce you."
"Bakit?" Theia asked as if she was just asking for him to leave the room because she didn't want to sleep with him tonight.
"Anong bakit?"
"You said you were tired."
"I am."
"I do, too." sagot nito na biglang nag-iwas ng tingin ng magsimulang mamuo ang mga luha sa mata nito.
"Kailan pa?"
"I don't know."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Because..." hindi na maituloy ng asawa ang gustong sabihin. Instead of finishing what she was saying, she chose to lie and turn her back on him.
"Ayan, ganyan ka. You used to tell me everything, baby. Your worries, your fears... but now, hindi ko na alam. Pakiramdam ko may ayaw kang sabihin sa akin."
"I'm sleepy."
"Ngayon, umiiwas ka na naman. Damn it, Astraea! Just tell me the truth."
"I want a divorce."
"Bakit?" napataas na ang boses niya. Nakita niya ang biglang pagpiksi ng balikat ng asawa. "I-i'm sorry, baby. I didn't mean to shout."
"Just file a divorce, Anghelo. Divorce me so you can now be free." nanginginig ang mga labing pakiusap nito. Nakaharap na ito ngayon sa kanya ngunit hindi ito tumitingin sa kanya. She's looking everywhere. Maliban sa direksyon niya. It doubles the pain to see her like this.
"Paano kung ayaw ko?"
"It's your only way to be happy, l-love. I just w-want you to be happy."
"You are my happiness, Astraea."
"I'm not. I tire you. I don't do my obligations. I can't even sleep with you." naiiyak na sabi nito bago umatras palayo sa kanya ng magtangka siyang hawakan ito.
"Please, Theia, let me comfort you."
"Kapg hinayaan kitang mapalapit ulit sa akin, it will make things worse. Mapapaasa lang kita na magiging okay ulit tayo katulad ng nangyari noong dumating si Forrest dito," she shakily said.
Gustong niyang magwala sa inaasal ng asawa. Wala siyang naiintindihan sa nangyayari. Pilit niyang inalala kung ilang beses na nangyari sa kanila ang ganito.
Isa? Dalawa? Tatlo?
Higit pa ba ang mga pagkakataong umiiwas ang asawa sa kanya para lumayo ang loob niya dito? Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi marahas na tumayo at suntukin ang pader sa ulunan ng kanilang kama.
"Love, please," mabilis na tumayo si Theia at niyakap siya palayo. Iyak ito ng iyak habang nanginginig ang mga kamay na inaawat ang kamao niyang sumuntok muli, "Don't hurt yourself."
"Alam mo ba kung ano ang mas masakit?" mariin siyang pumikit dahil humahapdi ang mga mata niya sa tuloy tuloy na daloy ng mga luha niya, "Ito," pagturo niya sa kanyang dibdib.
"Anghelo—"
"Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sakit nito. Ano bang nagawa ko? Ano bang hindi ko nagawa? Ano bang problema sa akin? Ano bang problema natin?"
"W-wala. Wala, love, wala. A-ako... ako kasi 'yong problema."
"Hindi mo na ba ko mahal?" pakiramdam ni Nox ay nagkaroon ng bara ang kanyang lalamunan ng sabihin niya ang mga katagang iyon.
"Mahal!" mabilis na sagot ni Theia, "Mahal, love. Mahal na mahal kita."
"Kaya nga, Astraea... bakit? Bakit natin kailangan maghiwalay?"
"I can't give you what you want."
"Ano?"
"Hindi ako naging mabuting asawa sa iyo, Anghelo. H-hindi ko nagawa iyong mga obligasyon ko sa iyo. H-hindi ko kayang ibigay sa iyo lahat ng pangangailangan mo."
Naguguluhan man sa mga sinabi ni Theia ay pilit pinakalma ni Nox ang sarili. Emosyonal siya at gustong-gusto na niyang bitawan ang asawa niya. Ngunit may isang bagay na hindi niya mapangalanan ang pumipigil sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Astraea, but you are my wife. Oo, may pagkukulang ka sa relationship natin. Oo, sige, may hindi ka nagagawang obligasyon. But you are trying... I can see how you try to cover up the shortcomings for it to work. I appreciate that, baby. I appreciate the things you do to make our relationship work.
"Hindi ko naman hinangad ang magkaroon ng perpektong asawa. I didn't ask for you to go the extra mile to make it work. In your little ways, I can see how you value and make up for it every day. Tingin mo ba hindi ko napapansin na gumigising ka ng maaga araw-araw para may nakahanda ng agahan sa lamesa pagbangon ko tuwing umaga?
"Sa tingin mo ba, hindi ko nakikita na hinahanda mo ang mga gamit ko at susuotin ko sa pagpasok sa trabaho? Did you think that I didn't notice how you changed my razors and toothbrush every time? Those undergarments that I left in the basket... na nilalabhan mo tuwing weekend kahit na iyon lang ang pahinga mo sa trabaho..."
"Love, naman." umiiyak na itinakip ni Theia ang dalawang kamay sa bibig niya, "tama na."
"I didn't ask for any of that, Theia. But you do those chores to serve me. Inaasikaso mo ako. You do your part as my wife, that's why I never complain about anything... your coldness, and just do my part as your husband."
"Still, I never sleep with you."
"Who cares? Required ba?"
"Hindi ko magawa iyong mga bagay na dapat ginagawa ko bilang asawa mo. Natatakot ako na magkasala ka at gawin mo na lang sa iba."
"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong niya dito.
"No, hindi ganyan ang ibig kong sabihin." Ilang ulit nag-aatras abante ang kamay nito na hindi niya matukoy kung hahawak sa kanya o hindi. Bandang huli, bumuntong hininga na lang ito at tumingin ng deretso sa mga mata niya.
"I want to do it now."
"Huh?"
"I want to make love to you," nang hindi siya umimik ay kusang tinawid ni Theia ang distansya ang pagitan nila at mariin siyang hinalikan sa labi.
Mainit, mapusok, may pagmamadali.
"Theia..." pagtawag niya sa pangalan ng asawa bago kagatin ang ibabang labi nito, "are you sure about this?"
"Hmm," tanging sagot nito bago malikot na iginala ang mga kamay sa katawan niya.
Did she just initiate the fight for us to end up having our first night as husband and wife?
"Make love to me, Anghelo."
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 02 - Astraea Denise
Romance"Kung sa tingin niyo mapapapayag niyo ko dahil ako ang pinakabata dito, nagkakamali kayo. I may be the youngest but I am the worst Mondragon." -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·- Theia is known as the Mondragon Prin...