Chapter 5

49 3 0
                                    

Matapos grumaduate ng high school ay naging busy si Nox sa pag-aaral at pagma-manage ng hotel business ng pamilya niya. At a young age, his father let him handle all the business affairs kaya naman nawalan na ng pagkakataon si Nox na mabuhay ng normal.

It's not that he is not living his life normally. Hindi nga lang siya nagkaroon ng pagkakataon na ma-enjoy ang buhay binata niya. He was so focused on studying and managing their business that he felt like he aged a lot more years than he was supposed to.

Hindi na nga rin naging interesado ang mga magulang niya kung makakapagtapos siya na may mataas na marka. Maging siya ay nawalan na rin ng interes na maging Cum Laude man lang noong magtapos siya ng kolehiyo. Mas iniisip niya kasi kung tama ba ang mga naging desisyon niya na magtayo ng panibagong branch ng hotel para idagdag sa negosyo ng pamilya niya. Iyon din kasi ang magiging kauna-unahang hotel na siya mismo ang nagpagawa.

"Maru, this is my son, Nox. Son, meet José María Mondragon, the richest man in the country," pagpapakilala ng tatay niya sa kanya. Isinama siya nito sa isang event na hindi niya alam kung para saan at ano, napilitan lang naman siyang samahan ito dahil ayaw sumama ng Mommy niya. "and he is my best friend."

"Hello, sir. Nice to meet you," pakikipag-kamay niya sa ginoo na lihim na pinagmamasdan ang kabuuan niya. Nahuli niya itong tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Richest man nga, mukhang matapobre.

"It was nice to meet a fine, young man. I've heard so much about you from your father, son." bigla niyang binawi ang masamang naisip tungkol sa kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman pala ito matapobre. Maging ang pananalita nito ay magaan at magalang. Halatang patas ito kung tumingin sa bawat kaharap nito.

Bakit ganoon niya ko tignan kanina?

"Sana po ay puro magaganda ang narinig niyo mula kay Dad." Habang tinitignan niya ang kausap ay may naaalala siya na hindi niya mapangalanan. Hindi maisip ni Nox kung ano ang pamilyar sa taong ito na para bang sinasabi sa kanya na kumalma lang siya at wala namang mangyayaring kakaiba sa kanya.

"Boy, he was so proud. He made me remember my wish when I first heard that my wife was pregnant," natatawang sabi nito na hinampas pa ang likod ng tatay niya, "I asked for a son but I was blessed with seven goddesses of daughters."

"Alam mo ba Nox, your Tito Maru indeed has seven goddesses at home because he named her daughters after the goddesses. Mostly from Greek mythology."

"Papá," nang malingunan ni Nox ang tumawag sa kanyang Tito Maru ay napatulala na lang siya. Hindi niya inakala na matapos ang sampung taon ay muling magtatagpo ang landas nila ni Theia. Naglalakad ito habang nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito. Pakiramdam ni Nox ay huminto ang lahat ng nasa paligid niya at silang dalawa lang ni Theia ang magkasama.

She still looks mesmerizing, hindi maubos-ubos ang magagandang papuri na binibitiwan ni Nox sa kanyang isipan habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Lumapit ito kay Maru at niyakap ang braso nito. Kulang na lang yata ay maglambitin ito sa braso ng papá nito.

Papá? Theia? Oh, Astraea. The reason why Tito Maru seems familiar was because of you, naalala niyang bigla. Si Astraea nga pala ay isang Mondragon. Ang unang babaeng minahal niya ay anak ng matalik na kaibigan ng daddy niya.

Astraea Mondragon is his first love.

From the moment she sang for him, he fell in love with her. He may forgot so many things in his past but Theia is a part of him that he always remember. Above all else, her voice was never forgotten. Minsan nga ay hindi na siya dinadapuan ng antok sa kaiisip kung kailan niya muling maririnig na kumanta si Theia.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon