Epilogue

130 4 0
                                    

"Anghelo!"

Napatakbo si Nox ng marinig ang sigaw ng kanyang asawa mula sa kwarto nila. After confirming their pregnancy, Theia became lazy. Hindi na ito bumabangon ng maaga para maghanda at kumain ng almusal. She will just wake him up and ask him to prepare breakfast for her.

Ang masama pa doon, hindi ito kumakain ng pagkain na hindi siya ang gumagawa. Mas naging maselan ito at mga pagkain na siya mismo ang nagluluto lang ang kinakain ni Theia. Ayaw din nito na may iba silang kasama sa bahay.

"Yes, baby?" hinihingal niyang tanong sa asawa na nakasalampak ng upo sa sahig. Sa repleksyon lang ng salamin siya tinignan nito. Nang makita na namumula ang mata nito ay nagmamadali niya itong nilapitan at niyakap. "Are you okay? Bumagsak ka ba?"

"No, I am careful."

"O, bakit namamaga ang mata mo? Umiiyak ka ba?"

"Hindi na kasya mga damit ko, love." lumabi pa ito sa kanya na parang nagpapaawa. "Kabibili lang natin ng mga bago kong damit pero wala na agad kasya sa akin."

"Bili na lang tayo ng bago, baby—"

"Ayaw ko!" malakas ang boses na tumanggi ito bago humagulgol ng iyak. Nataranta naman siya kaya mabilis niya itong niyakap habang hinahagod-hagod ang likod nito.

"Sige na, sige na. Hindi na tayo bibili ng bago," inalis niya ang suot suot niyang apron at ibinato ito sa kung saan ng makita niyang kumunot ang noo ni Theia matapos siyang bahagyang itulak. "Anong gusto mo?"

"Ang baho mo."

"Alam ko, Astraea, nagluluto ako."

"Maligo ka na," utos nito bago tinulak siya gamit ang isang daliri.

"Tatapusin ko muna 'yong niluluto—"

"Maligo ka na sabi, eh."

"Fine," nakakunot ang mga noong tumayo si Nox palabas sana ng kwarto ng bigla siyang tawagin muli ni Theia.

"Bakit iiwan mo ko dito? Hindi mo na ba ako mahal?"

Lord, please. I need more patience.

This pregnancy surely tested his patience. Noon pa man ay madalas na talaga niyang pagbigyan si Astraea. Hindi na nga niya pinapansin ang mga panunukso na under de saya siya sa kanyang asawa. Biro niya pa sa kanyang sarili, basta't nasa ilalim niya si Theia kapag gabi, 'di bale na ito ang nasa ibabaw kapag araw.

Aaminin niya, naging kampante rin siya sa nangyayari sa kanila dahil naniwala siyang hindi sila magkakaanak ni Theia. It's not about being unprepared or having an unplanned pregnancy, it's just it was so sudden that taking this too much of a responsibility scares the shit out of him.

"Embrace me," paglalambing ng asawa sa kanya. Sinalubong naman niya ang paglapit nito at nagkatawanan na lamang ng hindi naglapat ang katawan nila dahil sa malaking umbok sa tiyan nito. "Oops!"

"Hey, bud! I want to cuddle your momma," pagkausap niya sa tiyan ng asawa habang hinihimas-himas iyon, "You are so big that even hugging my baby nowadays is a huge struggle."

"Are you calling me huge?"

"What? No!"

"Narinig ko ang sinabi mo, Anghelo. Hindi ako bingi," tinalikuran siya ni Theia at pabagsak na umupo sa kama. Mabuti na lang at malambot lang ang kama nila kaya hindi ito nasaktan ng padabog itong umupo.

"Astraea, please," napahawak siya sa ulo habang pinapanood ito na hirap na hirap iangat ang mga paa sa kama, "dahan dahan ka lang, love."

"Umalis ka na. Hindi mo na ko mahal."

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon