CHAPTER 3

92K 2.6K 708
                                        

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars


Sue



"Sue, tigdalawang order ng Mojito at Martini daw." sabi ng waiter na si Jeremy paglapit nito sa counter. "Lagyan mo daw ng extra twist, timpla mo daw ang gusto nila."

"Okay sige." agad kong kinuha ang baso at nag simulang mag-mix.

"Sue, shift mo pala ngayon?" tanong ng isa pang waiter na si Hans habang nagpupunas ng wine glass sa gilid.

"Hindi, pero naki-usap sa akin si Aidan na ako muna ang papalit sa kanya ngayon. Masama raw kasi pakiramdam niya e." ang tinutukoy ko ay yung kasamahan kong bartender na dapat sanay shift nito ngayon.

"Mag-aalas dose na. Umuwi ka na kaya?" lumapit sa akin si Hans at inagaw ang hawak kong baso. "Malalim na ang gabi, kami na ang bahala dito."

"Okay lang, Hans. Kaya ko pa naman."

"I insist, ako na dyan. Kanina ka pa riyan eh, baka magkasakit ka pa nyan."

"Sus, kunyare lang yan Sue. Crush ka kasi nyan." kantyaw na hirit ni Jeremy.

"Tumahimik ka nga!" singhal rito ni Hans. "Sue, seryoso ako. Ako na bahala. Hindi mo naman shift ngayon. Umuwi ka na habang may masasakyan ka pa pauwi."

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Sure ka?"

"Oo." mabilis niyang sagot.

"Okay sige, pero tatapusin ko muna 'tong order tas uuwi agad ako."

"Good, saka huwag mong kalimutan yung cake na ginawa ko ha? Para talaga yun sayo."

"Yieeeeeee." Hirit ulit ni Jeremy. "Lakas maka porma, Hans ah!"

Inis na binatuhan ni Hans ng basahan si Jeremy pero mabilis na nakailag si Jeremy. Natawa na lang ako habang nakinig sa awayan ng dalawa.

Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong umuwi para makapag-pahinga na. Halos buong araw akong busy at bugbog na sa pagod ang katawan ko.

May pasok ako kanina sa paaralan mula alas syete hanggang ala-una ng hapon at pagkatapos 'non ay dumeretso agad ako dito sa part time job ko bilang bartender mula alas-dos hanggang alas-diyes ng gabi. Literal na buong araw akong walang pahinga lalo na't absent yung kasama ko at ako ang pumalit sa shift niya.

Isa akong college student sa isang pampublikong unibersidad. Third year na ako sa kursong Accountancy. Ngayon lang ulit ako nakabalik sa pag-aaral makalipas ng halos dalawang taong pagtigil at malaki ang pasasalamat ko dahil isa ako sa mapalad na mga estudyanteng nabigyan ng scholarship ng gobyerno.

"Rem, eto na yung order oh." tawag ko kay Jeremy pagkatapos kong ma-mix ang order na Mojito at Martini with a twist.

"Wow, Sue ang galing mo talaga. Itsura pa lang nakakatakam na, kaya ka madaming suki e."

"Ibigay mo na yan." aliw na sabi ko saka hinubad ang apron at humarap kay Hans. "Hans, sigurado ka bang ikaw na ang bahala dito?"

"Oo, Sue ako na. Umuwi ka na."

"Salamat, ha? Ang bait mo talaga kahit kailan."

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Hans. "Walang anuman. Uhm, gusto mo ihatid na kita dyan sa waiting shed?"

"Naku, huwag na. Kaya ko na ang sarili ko, pero salamat." kinuha ko na yung jacket at bagpack ko sa ilalim ng mesa at nag paalam. "Alis na ako."

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon