Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ito ang natanggap na text ko galing kay Helaena habang kumakain ako ng hapunan. Mabilis kong inubos ang pagkain saka nag toothbrush bago lumabas ng gate. Nakita ko siyang naka-sandal sa kotse niya habang nakasuot ng itim na evening dress. Mukhang galing pa siya sa event ng H&T Cosmetics. Himala at nandito siya, akala ko mamayang alas diyes pa matatapos yung party nila.
"Hi, ang aga mo atang umalis sa party nyo?" salubong ko.
"I was getting bored." casual na sagot niya, sabay yakap sa bewang ko. "And I miss you."
I miss you too. "Anong ginagawa mo dito?"
"Kitten, i said i miss you."
"A-ako rin." nahihiyang sabi ko.
"I'm here to inform you to pack all of your things right this instant."
"Bakit ma'am, itatanan mo na ba ako?" biro ko.
"Kung pwede lang, bakit hindi?"
Agad akong namula sa naging sagot niya. "Bakit ko pala kailangang mag-impake?"
She stared at me seriously. "Because i can't stand seeing you living on that horrible place." sabay turo sa dorm ko. "Whether you like it or not, ililipat kita sa bagong tirahan."
"H-ha?"
"You heard me right, Sue. Ililipat kita ng bagong tirahan."
Hindi agad ako naka-react. "Teka, saglit--"
"I don't want any complains. Mag-impake ka na."
"Pero ma'am, yung mga appliances ko, medyo madami yun. Hindi ko kayang bitbitin lahat yun ng isa-isa."
"Don't worry about that, kasama ko na yung cargo vehicle at mga tauhan nila."
I was taken aback. Ilang beses akong napakurap-kurap. "Teka, agad-agad ba akong lilipat?"
"Yes, now go back and start packing up your clothes. Ang mga tauhan na ang kakarga sa mga appliances mo dyan." napaka-bossy ng dating niya, at wala akong ibang choice kundi sundin siya. Bumalik ako sa dorm at nagsimulang mag-empake. Sino bang magaakalang huling gabi ko na pala dito ngayon?
Pumasok sa loob ang mga tauhan at isa-isang kinuha ang kagamitan saka kinarga yun sa likod ng cargo vehicle. Umabot ng isang oras ang paglipat nila. Nakita ko yung matandang landlady na naka-kunot noo habang pababa na ako sa hagdan.
"Aalis ka na, Sue?" tanong nito sa akin.
"Opo, manang. Sorry, biglaan e."
"Kung ganon sisingilin ko na yung kalahating upa mo ngayon buwan." anito sabay lahad sa palad sa harapan ko. Grabe.
"I'll pay for it." narinig kong sabi ni Helaena. Lumapit siya sa kinaroronan namin saka inabot sa landlady ang tig-iilang libong piso. Nanlaki ang mata ko. Dapat seven hundred lang yung binayad niya, what the heck.