CHAPTER 21

82.5K 2.3K 1.6K
                                    

Sue



Kanina pa ako hindi mapakali sa kinatatayuan ko habang hinihintay si Helaena na dumating. I want to ask a sincere apology for my behavior last night when I called her. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko ang mga salitang 'yon. Shet, nakakahiya talaga. What I did was an inappropriate behavior from an employee to her boss. Baka dedemandahin niya ako ng sexual harassment dahil lang 'don.

I was walking back and forth inside the office while practicing my speech of apology. Ilang beses pa'kong huminga ng malalim bago napatingin sa pinto nang bigla yung bumukas. Napalitan ng pagtataka ang kabang naramdaman ko nang makita si Theia na parang galit.

"Theia?"

"Why didn't you answer my call earlier?" agad niyang tanong sa akin.

"Sorry, nagmamadali kasi ako kanina. Dito nako nakapag-charge ng phone ko."

"Oh." her mood change. "Anong oras ka dumating dito? I was supposed to pick you up for breakfast pero hindi na kita naubutan sa dorm."

"Around seven." sagot ko.

"Nandito na ba si Helaena?"

"Wala pa, baka matatagalan pa 'yon."

"Great, that means I have a lot of time staying here for a while." a huge smile formed to her lips.

"Teka lang, diba dapat na sa Estér ka ngayon?"

"Our company can run without me, Sue. At isa pa, nandun si Jacqui para asikasuhin ang opisina." paliwanag niya sabay sulyap sa mesa ko. "I assumed that you're not doing anything yet. I don't see any papers on your desk."

Agad akong naghanap ng dahilan. "Actually meron. Ayon oh, naka-tambak pa nga." itinuro ko sa kanya ang ilang dokumentong naka folder sa ibabaw ng file cabinet. "Gagawin ko ang mga yan ngayon."

Theia frowned while peering at the stuff I pointed. "Does Helaena realize that you're just a part time here? Bakit ka nya binibigyan ng ganyang karaming trabaho?"

"Tinutulungan nya din naman ako." mabilis na bawi ko.

"I hope she's not pressuring you." ibinalik ni Theia ang tingin sakin. "I can talk to her about it."

"Okay lang ako, Theia. Huwag ka ng magalala. Maayos naman ang lagay ko dito."

Theia didn't ask anymore, instead, she just pushed me gently on the couch bago umupo sa kandungan ko.

"Uys tumayo ka nga baka may pumasok na empleyado at makita tayo." suway ko.

"I locked the doors, don't worry." assure niya sabay kindat.

"Pero may trabaho pa akong kailangang tapusin."

Theia rolled her eyes. "You're obviously making up excuses, Sue."

Napakamot ako sa batok ko. "Baka kasi makita tayo ni Ma'am Helaena e."

"So? She's my friend, and she knows my agenda when it comes to you."

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon