"Mamimiss ka namin ng sobra, Sue." madramang hayag ni Aira habang naglakad kami sa lobby ng La Greta.
"Sira, para namang hindi na tayo magkikita pa."
"Hmp, wala na akong kasabay tuwing uwian. Wala na rin akong kasabay kumain sa cafeteria."
Huling linggo ko na kasi rito sa La Greta at labis silang nalungkot matapos kong sabihin sa kanila yun kaninang umaga.
"Huwag kang mag-alala, chat-chat lang tayo sa Messenger. Malay mo, after kong grumaduate dito pala ako mag-apply."
"Di ka ba pwedeng mag extend?" she asked pagdating namin sa elevator papuntang conference room.
"Two months lang yung internship ko diba?"
"Huhuhu." drama ulit ni Aira na sinabayan pa nang iyak na wala namang luha. "Nasanay na kami sa pagmumukha mo sa opisina e."
I laughed. Ang saya lang sa pakiramdam na mamimiss nila ako. I feel the same way too dahil kahit papaano ay naging malapit ko silang kaibigan. I learned a lot from them. Ang swerte ko dahil magaan ang working environment ng La Greta at hindi toxic tulad ng ibang kompanya. I honestly considered myself working here right after my graduation. Kahit 2 months lang yung trabaho ko bilang part-time, nakakatanggap ako ng mga company benefits. How much more kung full time at regular na? No wonder this company has so many good reviews on many job search websites.
Pagdating namin sa conference room ay nauna nang pumasok si Aira habang ako naman ay nagpaiwan saglit para pakalmahin muna ang sarili. Nasa loob kasi si Helaena kasama ang board of directors para sa isang importanteng meeting.
Ilang beses akong huminga ng malalim bilang paghahanda at pagkatapos pinahid ang konting pawis sa noo ko.
As I calmly began to walked inside the conference room, I saw Helaena standing beside the glass panels. Nakatanaw ang mata niya sa labas ng bintana habang naka-cross arms. Tila ako napako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya. I'm visually drank on her physical perfection. Sino bang hindi? She's Helaena Wiles. A goddess personified, a bachelorette, a president and a heiress to a vast fortune. My stunning and absolutely gorgeous boss na legendary ang pagka-mataray. Hot mammeh ugh.
Kung may natutunan man ako bukod sa trabaho ko dito sa La Greta, yun ay ang pagnasaan si Helaena. Purrrr...
Natigilan ako nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko.
"Oh, hello there." naglakad siya palapit sa akin. Inatake ng matinding kaba ang puso ko pero pilit ko yung nilalabanan sa pamamagitan ng pormal na ngiti.
"Nandito na ang mga papeles na pinaayos nyo sa akin, ma'am." sabi ko sabay bigay sa kanya sa folder na hawak ko.
"Thank you."
"Nandiyan na din yung kontratang kailangan permahan ng endorser, naka-ipit po sa pinakahuling page. Paki check na lang."
Helaena looked at me in admiration. "You're so efficient, Sue. One of the things I like about you."
I gulped a bit. I like you more, ma'am. "Thank you po."
Helaena pointed the couch on the side. "Sit there while I'm on my meeting."
"Po? Pero tatapusin ko pa yung file na ipagagawa nyo sa akin."
"Ignore that. I want you near me."
"Ha? Pero—"
"That's an order." mariing sabi niya.
I gulped again, hard.
"Y-yes, ma'am." agad akong pumuwesto sa couch na tinuro niya saka umupo doon.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Любовные романы~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
