CHAPTER 4

75.3K 2.5K 3.8K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Helaena


Matinding sakit sa ulo ang nagpagising sa akin kinaumagahan. I groan as I felt like my head is about to split open. Damn, it hurts. Dahan-dahan kong ibinuka ang mata ko para tignan ang paligid at ganon na lang ang panlalaki nito nang marealize kong wala ako sa sariling kwarto.

Napabalikwas ako ng bangon pero agad ko ring nasapo ang ulo ko nang makadama ng kaunting pang-hihilo. Then flashes of memories from last night's incident came into my mind. Oh my god! Those men! Shit am I being kidnapped? Saan nila ako dinala?

Nag-panic ako. Fuck where's my phone?

I scanned the whole room to looked for it, but stopped the moment I realized I left it somewhere at the parking lot.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid at bahagyang napakunot-nuo ng makitang puro gamit pambabae ang nandito. Hindi malaki ang kwarto at hindi rin ito maganda. Gawa sa plywood ang dingding at sira pa ang ceiling. In short, the room is hideous!

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad dahil sa takot na baka masira ang sahig dahil sa sobrang rupok nito, pagkatapos ay napatingin ako sa sariling repleksyon sa malabong salamin at napansing suot ko parin ang damit ko kahapon.

The last thing I remember from last night was me screaming for help, tapos may panyong itinakip sa ilong ko na may kakaibang amoy rason para mawalan ako ng malay. I don't know what's the aftermath of it.

Natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto at may taong pumasok. I took a step back and prepare myself for defense pero napasinghap ako sa gulat nang makita ang mukha ng bartender kagabi na si Sue.

"Sue?"

Nag-angat siya ng tingin. "Uy gising ka na pala."

"W-wait, you're here too?" puno ng pagtatakang tanong ko.

"Nasa dorm kita. Dito ka namin dinala ng kasamahan ko sa trabaho kagabi pagkatapos kitang sagipin mula sa mga lalaking nagtankang isakay ka sa loob ng sasakyan."

I'm shocked. "You saved me?"

Tumango siya. "Parang ganun na nga."

Tila ako nabunutan ng malaking karayom sa dibdib. Thank goodness! Makakahinga na ako ng maluwag.

"Paano mo pala ako nailigtas?" confused kong tanong.

Nag-simulang magkwento si Sue. Isa-isa niyang inilarawan ang pangyayari kagabi. My jaw slack open after hearing everything she said. Gosh, I never felt so scared all my life. Pangako, hinding-hindi na ako babalik sa lugar na yun!

"Kamusta pala pakiramdam mo?" bahagya akong napa-ingtad nang lumapit siya sakin para ilapat ang kamay niya sa nuo ko na para bang sinasalat ang temperatura ko.

Naka-tingala ako sa kanya habang ginagawa yun. She's so tall.

"Nanginginig ka kasi kaninang madaling araw e." hayag niya.

"Ganon ba?"

"Oo. Namumutla ka rin kanina, tas nagkaroon ka rin ng kaunting lagnat."

Oh, no wonder my body is aching too. Marahil side effects yun sa chemical na nasinghot ko.

Binawi na ni Sue ang kamay niya at napakamot sa kanyang batok. "Pasensya ka na pala sa kwarto ko ha? Medyo magulo. Hindi kasi ako nagkaroon ng sapat na oras para makapag-ligpit kasi busy ako lagi sa paaralan at trabaho."

I felt a sudden twinge of guilt because i just insulted her room a while ago.

"Uhm nagugutom ka na ba?" tanong niya pa. "Tara mag-agahan tayo. May niluluto ako dun sa kusina."

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon