CHAPTER 6

82.7K 2.5K 1.3K
                                        

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars


Sue


Panay ang reklamo ko habang natatarantang nagseserve ng inomin sa mga customers at masamang pinukolan ng tingin si Jeremy. Tinawagan ba naman niya ako para palitan saglit si Hans kasi nagkaroon daw ito ng emergency at kinailangan nitong umuwi sandali. Hays! Ang sarap na nang tulog ko kanina e, halos tatlong oras na ako dito at gabi na.

"Miss, saan na yung order kong scotch?"

"Miss, where's my vodka spritz?"

"Sue, yung order daw sa table 5, nasaan na?"

"Miss, can I have one peachy keen and piña colada please?"

Parang sasabog ang ulo ko sa mga sandaling 'to dahil sa sabay-sabay na pagsalita ng mga tao sa harapan ko.

"Wait lang ha, eto na po." sabi ko habang naglalagay ng ice cubes sa baso at nagmix ng order.

"Miss, can I have an espresso martini?" At may humabol pa talaga. Pakiramdam ko tuloy mababaliw na ako kapag nagpatuloy pa 'to.

Mabilis ang bawat kilos ko na para bang may hinahabol na palugit. Ilang sandali pa'y naibigay ko na sa kanila ang order nila, pero hindi pa doon nagtatapos dahil may lumapit na naman sa counter at nag-order ulit. Agh, walang katapusan 'to!

"Sue, akin na yan." sa wakas nakabalik na rin si Hans. Nasa tabi ko na siya.

"Hay salamat naman at nandito ka na." ipinasa ko sa kanya ang basong hawak ko at saka umupo sa katabing rattan chair para magpahinga. "Na-stress ako sa dami ng customers."

Guilty na tumingin sa akin si Hans. "Pasensya ka na, na-istorbo ka tuloy namin sa day-off mo." Nahihiyang paumanhin niya na sinagotan ko lang ng thumbs up dahil sa pagod na naramdaman.

"Sue, tignan mo nga. Diba yan yung babaeng niligtas mo kagabi?" ani Jeremy nang makabalik ito mula sa pagseserve ng inomin. Itinuro nito ang second floor kung saan naka-pwesto ang VIP lounge. Agad ko yung sinundan ng tingin upang alamin.

Bahagya akong nagulat nang makita doon si Helaena na mag-isang nakaupo habang umiinom. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba siya na-trauma sa nangyari kagabi?

"Siya ba yun?" tanong ni Hans na tulad ko'y nakatingin din sa direksyon ng VIP lounge.

"Oo." kumperma ko. Umalis ako sa kinauupuan ko at tinungo ang spiral na hagdanan para lapitan si Helaena.

"Ate Helaena?" tawag ko sa atensyon niya, ngayon ko lang napansin umiiyak pala siya. Nagkalat sa ibabaw ng mesa ang ilang bote ng alak. Mag-isa niyang inubos 'yon?

Luminga-linga ako sa paligid para alamin kung may kasama siya, ngunit wala akong makita maliban sa dalawang bodyguards na ilang layo lang mula dito.

Tumikhim ako para agawin ang kanyang atensyon, napatingin naman siya sa akin.

"Hi po." alanganing bati ko. I was expecting her to recognize me, pero hindi niya ako pinansin. Umiwas lang siya ng tingin at patuloy lang na umiinom habang tahimik paring umiiyak.

Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa pinakadulong couch dahil ayaw ko siyang iwan dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa kanya. Madaming tao ngayon at baka magkaroon pa ng part two ang nangyari kagabi.

Habang tahimik akong nakaupo at nagmamasid sa paligid, pasimple kong sinulyapan si Helaena para pagmasdan.

Ang ganda talaga ng babaeng 'to, para siyang latina na naligaw sa pilipinas. Strikta at makapangyarihan ang aura niya, yung tipong kayang bilhin ang buong pagkatao mo. Napaka-intimidating niya rin tignan, yung klaseng hindi mo gustong makalaban. Bakit nga ba siya umiiyak? I suddenly felt the urge to protect her.








Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon