CHAPTER 13

86.4K 2.6K 3.3K
                                        

Sue



Relax kong ini-inat ang mga braso ko habang naglakad pabalik sa hotel room galing sa pa-libreng massage spa treatment.

Masyadong generous sa akin yung therapist kasi hindi lang full body massage ang ginawa nito, may libreng facial therapy din.

Makabalik nga bukas

Nang tignan ko ang oras sa relo, nagulantang ako dahil alas onse na pala ng gabi. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko hanggang sa marating ang hotel room.

Matapos kong i-swipe ang keycard sa pinto ay dahan-dahan ko yung binuksan at sumilip muna para alamin kung gising pa ba si Helaena, pero mukhang tulog na siya dahil naka-off na yung laptop niya.

Tahimik akong pumasok saka tinungo ang kama para tignan siya. I was right, tulog na nga si Helaena.

Nagbihis muna ako saglit sa banyo bago bumalik, napa kamot pa'ko sa ulo ko dahil nagdadalawang isip ako kung tabihan ba siya sa kama o doon na lang sa sofa, pero sa huli ay pinili kong sa kama na lang dahil malaki naman yun.

Buong ingat akong sumampa sa ibabaw para hindi makagawa ng anumang ingay. Pero agad ding inatake ng kaba ang dibdib ko nang biglang gumalaw si Helaena at patihayang humiga.

Ilang beses akong kumurap-kurap at napalunok sa sariling laway matapos makita ang hitsura niya.

Naka-suot si Helaena ng manipis at kulay itim na nightgown, bahagya pang naka exposed ang cleavage niya pati narin yung legs niya. Parehong naka-taas ang mga kamay niya sa ibabaw ng kanyang ulo habang naka tagilid naman ang mukha niya, exposing her flawless neck.

Fuck.

Agad akong nag-iwas ng tingin at pagkatapos humiga. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa nakikita. My god, anong klaseng temtasyon 'to?

Mariin kong ipinikit mga mata ko at pilit itulog ang kahalayang naramdaman ko sa mga sandaling 'to. I feel like I'm losing my sanity.

Makaraan ng ilang minuto ay di ko magawang makatulog, nadidistract ako sa isiping nasa tabi ko lang yung boss ko. At siguro hibang na talaga ako dahil muli ko siyang nilingon upang tignan. Bumaba ang mata ko sa mapupula niyang labi. Parang may nag-udyok sakin na dumukwang at halikan ang mga 'yon.

Pa-isa po ma'am.

Agad kong sinita ang sarili ko. Ano ba Sue!

My heart is beating erratically while my breathing became ragged. Shit, konting-konti na lang mawawalan na ako ng ulirat.

Umiwas ulit ako ng tingin at patagilid na humiga. Ngunit ilang minuto ulit ang nagdaan ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Letche, na-hohorny ako!

Bumangon ako para kumuha ng malamig na tubig para pa-kalmahin ang sarili ko. Bahagya pa'kong natigilan nang makitang nagising si Helaena pagbalik ko sa kama.

"Sue...." aniya sa ina-antok na boses.

I gulped hard because of the way she called my name. It sounds so hot and enticing. Jusko, pati ba naman yun pagnanasaan ko pa?

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon