Sue
"Nag away ba kayo ni Madam Helaena?"
Napa-angat ako ng tingin sa tanong na 'yon ni Aira. Kasalukuyan kaming nasa opisina at gumagawa ng balance sheet sa excel.
"Ha?"
"Sabi ko kung nag-away ba kayo ni Madam. Mag-iisang linggo ko na kasing napapansin ang pagiging malamig niya sayo e."
Mapait akong ngumiti saka ibinalik ang atensyon sa computer. Tama si Aira, isang linggo na nga akong hindi masyadong kinikibo ni Helaena. Ang lamig ng pakikitungo niya sa akin, ibang-iba 'nong nasa Palawan kami. Dapat sana hindi na'ko ma-supresa kasi cold naman talaga siya noon pa man, lalo na sa mga emplayado niya. Pero kasi......hays ewan ko ba. Kinakausap niya lang ako kapag tungkol sa trabaho at pagkatapos 'non ay wala na. Balik na naman siya sa silent at cold treatment niya sa akin. Nakaka-bother na sa totoo lang.
Pero ano ba ang inaasahan ko? I'm just an ordinary part time employee anyways. Helaena is not obligated to talk to me unless it's about work. Kung ano man yung nangyari sa Palawan, wala lang yun. Isipin ko na lang yun bilang isang imahinasyon.
"Sue, tara coffee break muna tayo." anyaya ni Aira.
"Sige."
Sabay kaming lumabas ng Accounting Department at nagtungo sa cafeteria ng La Greta.
"Hi, Sue!" bati sa akin ng mga babaeng empleyado na galing sa ibat-ibang departments na kumakain doon.
"Hello." nakangiting sagot ko sa kanila sabay wink na rin. Narinig ko silang humagikhik na tila ba kinikilig, napa-iling na lang ako at mahinang natawa.
"Ang lakas talaga ng charms mo e noh?" amused na komento ni Aira paglapit namin sa counter.
"Malay ko ba sa mga 'yon." nag kibit-balikat ako, saka namili ng kape sa menu at nag-order.
"Bakit ayaw mong pumasok sa modelling? Feeling ko talaga may future ka dyan."
"Tsss, ayoko nga. Hindi naman ako mahilig sa ganyan."
"Hoy, hindi mo alam ang takbo ng panahon. Baka nga ilang taon mula ngayon makikita na kita sa magazine habang suot ang produkto ng La Greta."
"Tumigil ka nga hindi mangyayari yan."
"Or malay mo, maging artista ka pala. Sa ganda mong yan sure akong tatangkilikin ka ng mga tao. Baka nga kunin ka ng IBN network tas maka-trabaho mo sila Samantha De Rossi at Trixie Villanova. Oh diba? Sasabak ka sa actingan kasama yung dalawa."
Natawa ako. "Idol ko sila actually."
"See? Sige na mag-audition ka na sa star search. Baka eto na yung chance mong makilala ka." Inalog-alog pa nito ang braso ko.
"No way, bahala ka dyan." nauna na akong umupo sa mesa matapos kong makuha ang kapeng inorder ko.
"Sige na kasi, Sue." pangungulit pa rin ni Aira habang sinundan ako sa mesa at umupo rin. "Promise, susuportahan kita. Ako ang magiging head ng fans club mo."
"Ikaw na lang kaya? Ikaw 'tong mukhang atat e."
Aira snorted. "Kita mo naman sigurong pandak ako diba? Saka, ayoko rin noh."
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
