CHAPTER 25

99.8K 2.6K 2.3K
                                        


"Sue, pautang nga. Mukhang bigtime ka na ngayon ah."

"Oo nga, may pa iPhone 12pro max ka pa oh."

Eto ang panunukso sa akin ng mga kaibigan kong sina Gail at Yen habang nasa loob kami ng school cafeteria. Balik eskwela na at start na nang 2nd semester ng taon. Kanina pa nila ako tinutukso sa loob ng classroom hanggang dito sa caf.

"Mukhang lumelevel up yung sponsorship ni mommy theia sayo ah." ani Gail na sinabayan pa ng tawa.

"Kayo na ba, Sue?" naiintrigang tanong ni Yen. "May pa kotse ka na rin kasi e."

"Walang kami," agad kong sagot sa dalawa.

"Ah so sugar mommy mo parin siya hanggang ngayon."

"Tumigil ka nga. Hindi galing sa kanya ang mga 'to noh. May bago na kasi akong trabaho ngayon."

"Nag-resign ka na sa bar?"

"Hindi, pero na suspend ako. Tapos hindi na ako bumalik."

"E kung ganon saan ka na nagtatrabaho ngayon?"

"Sa La Greta Corporation." nakangiting sagot ko.

"Sa La Greta!?" halos sabay na bulalas nila.

"Yup, mahigit dalawang buwan na rin." dagdag ko pa bago kumagat ng sandwich.

"Hoy, paano ka nakapasok sa kompanyang yan? Ang hirap kaya mag-apply dyan." tanong ni Yen.

"Oo nga. Kaya naman pala bigtime ka na ngayon e." segunda ni Gail.

"Dinaan ko lang sa charms." pa kindat na sagot ko.

"Pero di ba kalaban ng kompanya ng mommy theia mo yung La Greta?"

"Oo, pero okay lang naman sa kanya. Kaibigan niya kasi yung boss ko."

"Ano ba ang trabaho mo 'don?"

"Secretary ng boss ko." At kitten niya ako!

"Sana all. Sino ba ang boss mo?"

Kumagat muna ulit ako ng sandwich bago sumagot. "Helaena Wiles."

Napanganga si Yen. "Huy, boss din yan ng kapitbahay namin. Sa La Greta din kasi yun nagtatrabaho."

"Sino ba ang kapitbahay nyo?" ako naman ang nag-tanong.

"Si ate Aira. Nasa Accounting Department. Close kasi kami 'non."

Medyo nagulat ako. "Luh, kaibigan mo pala si Aira? Close na rin kami 'non. Pareho kayong makulit."

"Oo, magkatabi lang kasi ang bahay namin sa San Roque." aniya kapagkuwan ay ngumisi ng nakakaloko. "Nakita ko na rin sa personal si Helaena ng minsan akong isinama ni ate Aira sa christmas party ng La Greta."

"Bakit, ano ba ang hitsura 'nong Helaena?" curious na tanong ni Gail.

"Maganda. As in, sobrang ganda. Parang dyosa. Na crush at first sight nga ako e."

"Hmmmm," ngumisi rin si Gail at pagkatapos tumingin sa akin. "I smell something fishy."

"Adik ka." asik ko.

"Baka naman siya na bago mong sugar mommy yieeeee."

"Tumigil ka nga, ang ingay mo."

"Asus, guilty pa oh."

"Paano na yan, Sue? Ibigay mo na lang sakin si Theia. Kailangan ko ng sponsor eh." biro ni Yen.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon