Sue
"Nay, huwag po kayong mag-alala sa akin. Maayos ho ang lagay ko dito." masuyong saad ko kay nanay nang tumawag ito para kumustahin ako.
"Okay sige, basta lagi kang mag-ingat dyan ha? Huwag kang pasaway, Sue. Kumain ka rin sa tamang oras."
"Opo, Nay." nakangiting sagot ko.
"Sige na ibaba ko na ang tawag. Ay oo nga pala, nandito kahapon ang Ate Theia mo."
"Po?" bahagya akong napakunot-nuo. "Anong ginagawa ni Theia dyan?"
"Hay naku, alam mo naman ang Ate mong yan, makulit rin. Dalawang oras bumiyahe para lang ihatid 'tong mga grocery items na pinamili niya para sa akin."
Hindi na ako nagulat pa. Si Theia talaga. Napakamot na lang ako sa batok ko at napa-iling.
"Nadyan pa ba siya?"
"Umuwi rin yun agad kahapon. Nag-alala nga ako 'don kasi malakas yung ulan pag-alis niya, baka nag-ka sakit na. Bisitahin mo kaya, Sue?"
"Tatawagan ko po mamaya."
"Mas mabuti kung bisitahin mo para matignan mo rin ang lagay niya." close kasi sila ni Theia sa isa't-isa.
"Subukan ko po mamaya."
"Okay, sige. Alagaan mo ang ate mo." bilin pa ni nanay bago tuluyang nagpaalam.
Agad kong dinayal ang number ni Theia para alalim ang kalagayan niya, kaso nakailang rings na ako ay hindi niya sinagot ang tawag. Nagpasya akong puntahan siya sa bahay nila sa Forbes Park dahil sabado naman ngayon at walang pasok sa La Greta.
Pagdating ko sa mansyon nila, deretso akong umakyat sa hagdan hanggang sa marating ko ang kanyang kwarto.
"Theia?" tawag ko habang kinakatok ang pinto.
"Come in." sagot niya mula sa loob.
Pinihit ko ang sendura ng pinto at pumasok. Nakita ko siyang padapang nakahiga sa malaking kama. Napansin ko ang ilang gamot na nakapatong sa ibabaw ng nightstand kaya nag-alala ako.
"Ayos ka lang ba?" concern kong tanong sabay lapat sa palad ko sa noo niya para alamin ang kanyang temperatura. Medyo mainit siya. "Uminom ka na ba ng gamot?"
"Yes but i'm fine now, baby. You don't have to worry about me." umusog siya ng konti para yayain akong humiga, pero nanatili lang akong nakaupo.
"Tumawag sa akin si nanay kanina para kamustahin ako. Tas nabanggit nya na pumunta ka raw kahapon sa bahay para maghatid ng groceries."
Theia smiled at me before nodding her response.
"Theia, hindi mo naman kailangan gawin yun e. Tignan mo tuloy, nagkasakit ka pa."
"Sue, i'm alright and just let me do it okay? Alam mong malapit ang loob ko kay nanay Sol. At isa pa, lagi ko naman ginagawa yun e."
Huminga ako ng malalim. "Nakakahiya na kasi. Kung tutuosin kaya ko naman--"
"Shhh." putol niya sa ibang sasabihin ko. "Sue, you're still a student. And what did i told you before? Save your earned money for your studies, at ako na ang bahala kay Nanay."
"Pero kasi--"
"Stop it. I don't want to hear any complains."
Hindi na'ko nagkomento pa. Naging yaya kasi ni Theia si nanay noong bata pa lamang siya. Itinuturing niyang pangalawang ina si nanay kaya naman hindi nakakapagtaka kung hanggang ngayon ay malapit parin ang loob nila sa isa't-isa
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Любовные романы~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
