A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars
Helaena
"Good morning, ma'am." samu't-saring pagbati sa akin ng mga empleyado pagpasok ko sa lobby ng La Greta Building. Simpleng ngiti lang ang sagot ko sa mga ito habang naglakad patungong elevator. Nakasunod sa aking likuran ang secretary at personal assistant ko.
Agad nag si-tahimik ang mga empleyadong nasa loob ng elevator nang bumukas yun at makita ako. Bakas sa mukha nila ang takot at kaba. I know my commanding presence intimidates them.
"G-good morning ma'am." sabay-sabay nilang bati sa akin.
"Morning." I simply answered.
Tulad ng nakasanayan ay agad nag-si alisan ang mga ito para bigyan ako ng daan. Pagdating namin sa 20th floor, una akong lumabas at tulad kanina ay agad nag-si tahimik ang mga emplayadong nandoon. Halata sa kilos at galaw nila ang pagkataranta at pagkabalisa habang yung iba naman ay nakayuko lang.
I walked with poise and elegance.
"Ma'am President," salubong sakin ng isang staff. "The chairwoman would like to ask for your presence in her office now."
Tumaas ang isang kilay ko. "Is it urgent?"
"Yes ma'am."
Tumango ako at naglakad sa direksyon ng opisina ng chairwoman ng La Greta. Hindi na ako nag-abalang kumatok, agad ko ng binuksan ang pinto para makapasok sa loob.
Right there I was greeted by a face of a smiling Fifty-five-year-old lady. Despite her age, she still managed to looked strictly beautiful.
"Ma," tawag ko rito.
Mrs. Gretchen Wiles. Chairwoman and Founder of La Greta, one of the country's biggest and leading fashion houses, and my mother.
"Hija, salamat naman at nakarating ka na. Come here, sit down. May paguusapan tayo." malumanay na sabi nito sabay turo sa bakanteng sofa sa gilid ng office table, huli na nang mapansing kong hindi pala ito nag-iisa. Kasama pala nito ang lalaking ayaw kong makita at makausap sa ngayon.
Introducing, Dylan Morgan. My fiancé.
"Hey babe," bati ni Dylan sa akin. Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi.
"What are you doing here?" mahina at malamig kong tanong.
"We will talk later after this." he just answered.
Padabog akong umupo sa sofa. My day is already ruined.
"Now that the two of you are here, paguusapan na natin ang kasal ninyo." nakangiting simula ni Mama na bakas pa sa mukha ang matinding kasiyahan. "I already had all the guest list and venue. Nakahanda na rin ang simbahan at lisatahan ng magiging bridesmaid at magiging maid of honor. Kumpleto na rin ang—"
"Ma," putol ko sa ibang sasabihin nito. "Can we please not talk about this right now?"
"And why not? This is the right time to talk about it, Helaena. Time is running fast, kailan pa ba natin paguusapan ito?" she spoke in full authority.
Damn it, I hate it when she's like this. Pagdating talaga kay Mama ay hindi ko magawang makapag-salita.
I groaned silently in frustration, kapagkuwan ay lumingon ako sa direksyon ni Dylan para tignan ang reaksyon niya. Pero blanko lang ang expresyon sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****