"Ano? Kayo ulit?" Hindi makapaniwalang bulalas ng pinsan kong si Dr. Lovely Federico."Yep, kami ulit."
Kasalukuyan kaming nasa Resto-Bar ngayon. Niyaya ko siyang lumabas pagkatapos kong ihatid si Dylan kanina sa Airport. Kinu-kwento ko sa kanya ang lahat ng nangyayari sa opisina at tulad ng inaasahan ko ay hindi niya gusto ang balita.
"I can't believe you! Parang noong isang linggo lang halos ayaw mo ng tumigil sa kakaiyak kasi niloko at pinaglaruan ka na naman ng lalaking yun, tapos ngayon kayo ulit?"
I took a sip with my favorite lady's drink before answering her. "I forgive him."
"Unbelievable! Hindi ka pa naman siguro nasisiraan ng bait diba, Helaena? I still remember what you said to me that night when you barged into my condo uninvited. Sabi mo 'Ayoko na, couz. Ayoko na talaga. Move on na ako. Suko na ako. Last chance na yun, Couz. Hinding-hindi na ako makikipagbalikan sa kanya. I swear to god."
Natawa ako ng malakas dahil gayang-gaya niya ako 'nong panahong nagbreakdown ako sa harapan niya.
"What the hell was that for?" she looked so pissed.
"Kalimutan mo na yun. Ang importante masaya na ulit ako. I love Dylan too much and I just couldn't resist him."
Lovely stares at me in disbelief. "Uto-uto ka lang talaga."
Nag-kibit balikat ako. "Like what i said. I love him."
"Alam ba ni Tita Gretchen yang mga ginagawang kalokohan ng lalaki yan sayo ha?"
Umiling ako. "Nope. I don't want her to know."
"And why not? She deserves to know it, Helaena! para sa ganon si Tita na mismo ang titigil sa kasal nyo. Diba ayaw mong magpakasal kay Dylan? This is your chance to free yourself from that man."
"I changed my mind too, i want to marry him."
Lovely gave me a deadpan look.
"What? I told you i love him and i want to marry him. Huwag mo nga akong tignan ng ganyan. Just support me okay?"
She sighed, wearily. "Kailan pa ako hindi naging supportive sayo? It's just that...it's too much. What if he'll do it again? Ayokong lagi kitang nakikitang umiiyak at nasasaktan ng pauli-ulit dahil sa lalaking yan."
"Sabi niya magbabago na siya."
"And you still believe him? My god, Helaena. When will you ever learn? You deserve someone better."
"Eh sino ba? I'm not getting any younger, Lovely. I'm already thirty. Yung mga babaeng kaedad ko halos may mga asawa't-anak na habang ako, wala pa. I want to have my own family too you know."
"Choosy ka rin naman kasi e." inis na sabi niya sabay crossed arms. "Ilang beses na kitang sine-set up sa mga blind dates pero ayaw mo naman. Puro ka Dylan, Dylan, Dylan. God, I really hate him and his name."
Natawa ako. "Ikaw ang Maid of Honor ko, ha?"
Lovely just rolled her eyes before drinking her ordered tequila.
"Anyway, how's work?" pag-iiba ko sa topic.
"Nothing change. Halos nasa full recovery stage na yung mga pasyente ko. Thank god for that." aniya bago ulit ininom ang basong may lamang alak. Isa kasing Neurologist si Lovely.
"You've been drinking a lot these days. Akala ko ba allergy ka sa ganyan?" I asked. Usually kasi sa tuwing nag-ba-bar kami juice lang iniinom niya, pero 'nong mga nakaraang linggo at ngayon ay alak na.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****