CHAPTER 27

104K 2.5K 1.1K
                                        

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Sue



"Sige na, Mags. Pumayag ka na." pangungulit ko kay Maggie habang tinatahak namin ang daan papunta sa school library.


"Sabi ng ayoko e." napipikong sagot niya sabay irap sa akin. Kanina ko pa kasi siya kinukulit tungkol dito.


"Malaki ang pa sweldo ng Estér, malaking tulong na rin yun para sayo, sige na." dagdag ko pa saka siya inakbayan. "Promise, ako ang bahala sayo. Kung gusto mo samahan pa kita."


"Bahala ka dyan, Sue. Basta ayoko." final niyang sabi sabay baklas sa braso ko. Nauna na siyang pumasok sa library at pumunta sa book shelves.


"Mabait naman si Theia e." pagsusumamo ko habang sinusundan siya.


"Salamat, Sue. Pero wala akong paki kung mabait yun o hindi. Basta ayokong mag-trabaho sa kompanyang 'yon, period."


"Ganon ba kalaki ang kasalanan ng kapatid ko sayo?" hindi ko maiwasang ma-intriga.


"Wala ka ng paki 'don."


Curious man ay hindi na ako nagtanong pa. Si Theia na lang ang kukulitin ko kapag nagkita ulit kami.


"Sueeeyyy." tawag ng pamilyar na boses sakin.
Mahina akong napamura at huli na para makaiwas dahil nasa harapan ko na si Pearl, ang Miss Campus ng taon na malaki ang crush sa akin.


"O, ano?" rude at masungit kong tanong.


"Na-miss kita, Suey. Na miss mo ba ako?" kumapit ito sa braso ko at sumandal doon.


"Na-miss ka din niya." si Maggie ang sumagot.


"Omg, I feel so loved. Is that true, Suey?"


"Hindi." binawi ko ang braso ko at inis itong hinarap. "Ano na naman ba kailangan mo sa akin?"


Pearl flirty smiled at me. "Tulad pa rin ng dati. May pa party ulit ako mamaya sa bahay namin, gusto mo bang sumama?" sinubukan nitong hawakan ang kamay ko pero agad ko yung iniwas.


"Pearl, ilang beses ko ng sinabi sayo na wala kang mapapala sa akin. Hindi ka pa ba nagsasawa, ha?"


Pearl pouted. "You always say that to me, ang rude mo. Hmp." padabog itong umalis at lumabas na ng library. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Sakit talaga sa ulo ang isang yun kahit kailan. She was tolerable at first, but as time passed by she became annoying and irritating, to the point that I always avoided her whenever our paths crossed on campus. Himala nga at hindi na 'to ganon ka kulit ngayon, hindi tulad 'nong nakaraang linggo na halos ayaw na akong tantanan.


"Awts, ang hirap talaga maging maganda Sue noh?" rinig kong komento ni Maggie, nakaupo na siya ngayon sa harapan ng mesa. 


"Che, isa ka pa." umupo rin ako sa tabi niya.


"Di ba gusto mo dati ang atensyon na binigay sayo ng mga babaeng estudyante? Ba't bigla nag-iba ang ihip ng hangin ngayon?"


"May magagalit kasi."


"Si Theia?"


"Nope. Basta."


"Eh sino ba? Wala ka namang girlfriend ngayon ah."


"Hindi pa kami, pero nasa mutual understanding stage na kami."


"Nawa'y lahat Sue."


Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon