CHAPTER 30

111K 2.4K 507
                                        

Sue


"Huy, Sue. Nandito na yung prof natin." pukaw sa akin ni Gail sabay yugyog sa balikat ko.

Pahikab akong gumising mula sa pagkasubsob sa armchair at napakamot sa batok.

Dapat sana a-absent ako ngayong araw dahil sa pagod kagabi at kaninang umaga, pero pinagalitan ako ni Helaena kaya labag man sa loob ko ay pumasok na lang ako sa klase.

"Ano bang pinangagawa mo at parang puyat ka?" takang tanong ni Gail habang may nanunudyong ngiti.

"May pinanood kasi akong k-drama." inaantok kong sagot.

"Wow, ibang klaseng k-drama yan ah. May chikinini talaga." inalis nito ang buhok kong nakaharang sa leeg ko at tumawa. "Naks naman, sino may gawa niyan?"

"Patingin nga." lumapit sakin si Yen para maki-chismis, pero bago pa man nito makita ang leeg ko ay tinakpan ko na yun gamit ang cap ng hoodie na aking suot.

"Tigilan nyo nga akong dalawa."

"Yieeee, kaya naman pala walang energy e." tukso ni Gail. "Kwento ka naman, dapat full details ha?"

Hindi ko 'to pinansin. Inayos ko lang ang pag-upo ko at ibinaling ang atensyon sa professor namin sa calculus.

"Saan si Maggie?" kapagkuwan tanong ko nang mapansing wala ang isang kaibigan sa pwesto nito.

"Ewan ko sa magic sarap na 'yon." si Yen ang sumagot.

Nagtataka man ay nag-focus na lang ako sa discussion ng prof namin. Ilang beses akong humihikab dahil sa sobrang antok, pero agad din yung nawala nang makita ko si Maggie pumasok sa classroom. Lukot na lukot ang mukha niya na para bang may kaaway.

"Late ka ata magic sarap?"

Hindi pinansin ni Maggie ang tanong ni Gail, bagkos padabog lang siyang umupo sa armchair. Looks like someone is having a bad day.

Matapos ang isang oras na klase ay sabay na kaming apat lumabas ng classroom at tinungo ang daan papunta sa susunod na minor subject. Binagalan ko ang paglakad ko para sabayan si Maggie na tila wala sa sarili.

"Okay ka lang?" untag ko sa kanya.

"Ha?" napatingin siya sa akin.

"Kanina ka pa wala sa mood, may nangyari ba?"

"Wala." nag-iwas siya ng tingin.

"Deny ka pa dyan eh halata ka masyado. Kwento mo na."

"Wala nga kasi, Sue."

"Sige na, i'm all ears."

"Ang kulit mo. Sabi ng wala."

Hindi ako convinced. Inakbayan ko siya sa balikat dahilan para mapatingin siya sa akin. "Yung chat natin kagabi tungkol sa Estér, tutuloy ka ba?"

"H-hindi na."

"Bakit naman?" napatigil ako sa paglakad. "Sayang na opportunity yun."

"I change my mind."

"Tsk ano ba yan, tatawagan ko na sana si Theia e."

Nag-iwas ulit ng tingin si Maggie at naglakad sa ibang direksyon.

"Hoy, saan ka pupunta? May klase pa!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Margarette!"

"Paki sabi kay prof masama yung pakiramdam ko!" aniya, bago nagmamadaling bumaba ng hagdan. Tsk.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon