Helaena
I came back in the hotel room feeling sad. The thought of Sue and Theia being together right now slightly pricks my heart. I was really shocked after knowing that Sue was Blythe. Ngayon ko lang na-realize na second name pala ni Sue 'yon sa buong pangalan niyang Suzaine Blythe. Gosh, ang liit talaga ng mundo. Nasa harapan ko lang pala yung taong bukang bibig ng kaibigan ko.
Perhaps I need to stop myself from crushing over Sue now. Theia is a very close friend of mine and i don't want her to think that i'm betraying her because of it. Tutal hindi naman ganon kalalim ang feelings ko kay Sue, simpleng girl crush lang naman. Isipin ko na lamang curiosity lang yung naramdaman ko sakanya at parte lang ng moving-on process ko kay Dylan.
Wait, alam na kaya ni Sue ang tungkol sa amin ni Dylan? I never told her about it though. Pero sa tingin ko may alam na siya dahil madaming chismosa sa La Greta, lalo na yung taga Accounting Department. But it doesn't matter if she knew or not. I'm going to ignore everything that happened here in Palawan and go back home in peace.
Theia is a jealous freak. Mas mabuti sigurong hindi na lang ako makipaglapit pa kay Sue para iwas gulo. But I think I'll have a hard time doing that because i'm already comfortable with her. Di bale, ilang linggo mula ngayon matatapos na rin ang part time job ni Sue sa La Greta at babalik na siya sa dati niyang pinagtrabahuan. I'm sure i'll forget her by that.
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nagtagal ako sa loob ng ilang minuto bago lumabas. Nadatnan ko si Sue nakaupo sa sofa na tila hinihintay ako.
"Sue," tawag ko sakanya sa pormal na tono.
"Ma'am." tumayo siya at sandaling nag-aalinlangan.
"Done spending your time with your sister?" I asked, casually.
"Uhm, ano kasi. Baka matatagalan ako pagbalik dito mamaya." Imporma niya.
"Ow," tanging sagot ko.
"Niyaya kasi ako ni Theia sa may beach side e. May mini-concert kasi doon."
"Oh okay. Go ahead, enjoy yourself." sagot ko lang.
"She asked me if you want to come."
Umiling agad ako at tipid na ngumiti. "No thanks. I'll just go to sleep. At kung sakaling hindi ka makabalik, make sure to be early tomorrow. Ten am yung flight natin pabalik ng Manila."
Sandaling hindi nagsalita si Sue, kapagkuwan ay nagtanong. "Okay lang ba kung sasama ako kay Theia?"
"Of course you can."
"Hindi ka magagalit?"
"Bakit naman ako magagalit?" I gave her a questioning look.
Saglit nawalan ng imik si Sue, kapagkuwan ay tumango. "Sige, alis nako."
"Enjoy." sabi ko lang saka siya tinalikuran para kumuha ng damit sa maleta. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, meaning naka-alis na siya.
All night, I acted like I was fine. Nanonood lang ako ng tv para palipasin yung oras ko. But in the end, hindi ko kinaya. Inabot ko yung cellphone ko at nagsend ng message kay Sue.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****