Helaena
Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang nag-drive pauwi. I was humming while listening to an old ballad song on the stereo.
Pagdating sa mansyon ay ngiting-ngiti pa rin ako hanggang sa makapasok at dumeretso sa kusina para kumustahin si mama. The kitchen is her favorite spot in the house, kaya alam ko agad na nandoon siya.
"I'm home, Ma." masiglang bati ko sa aking ina sabay halik sa noo niya.
"You looked happy."
"Yes I am." I grabbed a cookie from her plate and ate it.
"May i know why?"
"Basta, sa akin na lang 'yon."
"Hmmm." she looked at me suspeciously. "I hope it's not about Dylan again."
Agad nawala ang saya ko pagkarinig sa pangalan ng ex-fiancé ko.
"Ma, please. It's not about him."
"Well, as it should be. Ayokong makipag associate ka pa sa lalaking yun, I hate him." alam na kasi ni mama ang tungkol sa estado ng relasyon namin ni Dylan. She was really mad and felt sorry for forcing me to marry him.
"Ma, I already ended everything about us. Naka-move on na rin ako."
"Good for you then. So, sino nagpapasaya sayo ngayon?"
"Secret." i gave her a sweet smile.
"Hay naku, kung sino man yan. Siguraduhin mong hindi ka nya sasaktan tulad ng ginawa ng ex mo sayo."
I chuckled a little. "Don't worry, Ma. Wala pa namang kami." Lalandiin ko pa 'yon.
"Please choose a decent man this time, Helaena."
My face immediately contoured in disgust after hearing the word 'man'.
"It's not a he, Ma."
"Come again?"
"It's a she." confident na sabi ko. What's the use of hiding anyways? Hindi naman homophobic si Mama dahil karamihan sa mga nagtatrabaho sa La Greta ay mga bakla. Might as well tell her about it.
"It's a woman?" she looked surprised.
"You heard it right."
Ilang beses siyang kumurap-kurap. "You can't be serious, Helaena."
"Apparently, I am."
"Jusmiyo, huwag mong sabihin nahahawa ka na rin sa pinsan mong si Lovely?"
"Parang ganun na nga." Natatawang sagot ko.
"Kailan pa yan?"
"I honestly don't know. Nagising na lang ako bigla at nagkaganito."
"Baka confused ka lang?"
"No. I'm actually into that woman. I like her."
Napailing na lang si Mama. "Ewan ko sayo, Helaena. Matanda ka na. Bahala ka na sa buhay mo."
"You won't get mad at me?" I was a bit surprised.
"Why would i? Anak kita. Wala naman akong magagawa kung yan ang gusto mo."
Masaya ko siyang niyakap ng mahigpit. "I love you, Ma."
"So, who's the woman?"
"You'll meet her soon." i just said while wiggling both of my eyebrows.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
