CHAPTER 8

72.3K 2.5K 2.2K
                                    

Helaena


It's Monday, at kanina ko pa hinihintay na dumating si Sue sa office. It's already afternoon damn it, where the heck is she?

"Ma'am, Helaena. Mr. Roi Ventura is on the other line again." Imporma ulit sakin ng secretary ko na si Karol, kanina pa ito pabalik-balik sa opisina.

"Tell him I'm still busy."

Karol looked hesitant this time. "But ma'am, pang pitong beses niya ng tawag 'to, and I already told him that you're here."

I groan in annoyance and frustratedly shove my face on my palm. "Just ignore him, Karol, okay? Or better yet, tell him that I got home early."

Napakamot ng ulo si Karol bago isinara ang pinto.

That Roi guy is really a pain in the ass, isa itong dating manliligaw na ilang beses ko ng binasted. Mukhang nalaman nitong break na kami ni Dylan kaya nangungulit na naman. I don't have time for any suiters right now, and as much as possible, I need to prevent myself from future heartaches too.

Inis kong nilingon ang relong pambisig ko para tignan ang oras. It's already four pm at hanggang ngayon ay wala pa rin si Sue. Gosh, i already apologized and sincerely offered her a part time job. Ano pa ba gusto niya?

I'm still guilty for what I did to her okay, pero kanina pako naghihintay sa kanya dito sa opisina. I even cancelled four important meetings today, sino bang hindi maiinis? I'm an impatient kind of person and I really hate waiting.

Inaabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa at pagche-check ng book of accounts ng business namin ni Theia na isang cosmetic company. Isa pa ang babaeng 'yon, pa chill-chill lang. Laging busy sa iba't-ibang dahilan kaya walang panahon sa H&T Cosmetics. Kung hindi ko lang talaga ito kaibigan ay matagal ko ng inabandona, but we are close friends so it's fine.

Naputol lang ako sa ginagawa ko nang muling bumalik si Karol sa opisina.

"Ma'am? Nandito na po yung hinihintay nyo."

Thank goodness! Akala ko hindi na siya pupunta pa.







~•~•~•~•~•~



Sue



Pagkatapos ng klase, dumeretso agad ako dito sa address na nakalagay sa card na binigay sakin ni Helaena.

Sobra pa akong namangha nang malamang sa La Greta Corporation pala 'yon, ang multinational company nag-mamayari ng sikat na mga clothing brands tulad ng La Vida, Madeline at I'amour. Sa katuyan ay suot ko ngayon ang isa sa mga produkto nila na minsan ko lang ginagamit kasi mahal, binili ko 'to nung nakaraang buwan. Grabe, ang yaman pala ni Helaena noh?

The company was headquartered in a glistening skyscraper overlooking the heart of the city. The impressively sleek building has twenty-five floors. Duma-dagundong ang kaba sa dibdib ko habang naglakad ako papuntang entrance door. May ilang empleyado doon na nag-si labasan at si-pasukan.

Jusko, ang sosyal naman tignan ng mga ito, daig pang may fashion show. Kung sa bagay isang fashion company nga naman ang La Greta. Hindi na nakakapagtaka.

"Magandang hapon po," magalang kong bati sa apat na security guards na nakatayo doon. "Nandito po ako para kay Ms. Helaena Wiles."

Parehong nagsalubong ang kilay ng mga guards at pagkatapos pinasahadan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Sino ka po?" tanong ng isa.

Agad kong kinuha sa bag-pack ang school ID ko para ipakita sa mga ito.

Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon