Finale - Part 1
Sue
6 years later
"Congratulations on your new collections, Miss Bianchi."
Isang malawak at matamis na ngiti ang isinagot ko sa bawat bisitang nag-congratulate sa akin sa gabing 'to. It's the most awaited part of the evening, and I'm the main event.
Puno ang buong convention hall ng maraming tao na karaniwan ay galing sa alta-siyudad; Celebrities, socialites, influencers, at iba pa.
"Miss Bianchi!" tawag ng isa sa mga kilalang personalidad. Excited itong lumapit sa kinatatayuan ko habang nakangiti. "I love all your collections, ang gaganda!"
"Thank you, Mrs. Shaun." a humble smile formed to my lips.
"May napili na rin agad akong isusuot sa darating na anniversary ng husband ko." dagdag pa nito na tila kinikilig pa.
"I'm very happy to hear that, maraming salamat." Mrs. Shaun is one of the many loyal clients I have. She's a big fan of the clothes I create.
"Nagkita na ba kayo ng anak kong si Kirk?" she asked.
Lihim akong napangiwi, pero hindi ko yun pinahalata. She always teases me about her son.
"Not yet," sagot ko.
"Well, now you will." tinawag ni Mrs. Shaun ang anak nitong si Kirk na agad namang lumapit sa kinaroroonan namin. He's handsome, but I'm not interested in getting to know him.
"Hi," bati ng lalaki sa akin.
"Hello." Stay away!
"I should leave you two, bye!" umalis na si Mrs. Shaun at iniwan kaming dalawa ni Kirk. See?
"Sorry about my mom." paumanhin ni Kirk sabay pa cute. "Ang kulit masyado."
"It's okay. But i'll go ahead. Please enjoy the rest of the evening." hindi na ako naghintay sa magiging sagot ni Kirk dahil umalis na ako at tinungo ang hanay ng mga staff at crew.
"Ma'am Suzaine, yung mga gowns ibabalik ko na ba sa dressing room?" tanong ng isa sa kanila.
"Opo, pakihatid na lang doon."
"Sige, ma'am."
Tumango ako at ipinalibot ang buong tingin sa kabuoan ng event. Everything is doing great. Nakaramdam ako ng satisfaction.
I've been a fashion designer for three years now and despite of all the success I gained in a short period of time, I still consider myself as a newbie.
Madami akong naging clients na mostly ay nasa entertainment industry, and because they love my craft, it had not been hard for me to build a name in the Fashion Industry.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang naabot ko ang isang bagay na dati ay pinapangarap ko lang. It really is a dream come true, hobby lang ang tawag ko dito noon.
Pero bago pa man nangyari ang lahat nang 'to ay madami akong hinarap na challenges; after graduating with honors with my accounting course, kumuha agad ako ng two year Fashion & Designing degree sa kilalang fashion academy ng bansa.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
