"Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na si Madam Helaena mismo ang nagpakilala ng intern sa amin." hayag ni Aira habang kasalukuyan kaming naghahapunan sa cafeteria ng La Greta. "Usually kasi yung taga HR ang gumagawa 'non eh. Hmmm bakit kaya?" ngumisi ito ng nakakaloko habang nakatingin sa akin. "May something sa inyo noh?"Muntik ko ng maibuga ang juice na ini-inom ko dahil sa huling sinabi nito.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Yieeee defensive." makulit itong tumawa.
"Walang namamagitan sa amin ni Ma'am, tumigil ka nga." napakulit talaga ng babaeng 'to.
"Weh? Eh bakit parang galit siya kanina 'nong hawak-hawak ko yung braso mo hmm?"
"Malay ko ba dyan sa nakikita mo."
Bumungis-ngis ito. "Joke lang! Eto naman hindi mabiro. At isa pa, impossible din 'yon noh. Engaged na kaya si Madam sa long term boyfriend niya."
Napa-urong ako mula sa pagkagat ng sandwich dahil sa huling sinabi nito. "May fiancé na si Ma'am Helaena?" gulat kong tanong.
"Oo, at three months na silang engaged. Nag propose yung guy sa mismong anniversary party ng La Greta, ang sweet noh?"
Hindi ko alam kung bakit, pero para akong nalungkot sa kaalamang may boyfriend na pala si Helaena.
"But you know what, sobrang complicated at toxic ng relasyon nila." dagdag ni Aira habang kumakagat ng cupcake. "Kalat na kalat ang issue na 'yan dito sa La Greta, salamat sa mga chismosa. Saka, on and off din yung relasyon nila."
Medyo na-intriga ako. "Bakit kaya?"
Inilapit ni Aira ang mukha sa tenga ko at bumulong. "Cheater kasi yung lalaki."
"Ow?"
"Yup. Pero ewan ko ba, masyadong marupok 'tong si Madam eh. Sa dinami-dami ng mga lalaking nanliligaw at nagkakandarapa sa kanya, doon talaga siya sa lalaking cheater na nga, playboy pa."
Tumango-tango ako habang nakikinig sa kwento nito.
"Pero feeling ko, hiwalay na naman sila ngayon." maya't-mayang bawi ni Aira. "Kasi napansin ko wala sa mood si Madam eh, parang broken hearted siyang tignan."
"Ang dami mong alam ah," natatawang komento ko. "Hindi halatang isa ka sa mga chismosa."
Napakamot ito sa ulo. "Hindi ko naman kasi maiwasang maki-chismis e, saka concern rin ako kay Madam. Mabait kaya 'yon, hindi nga lang halata." kumagat ulit ito ng cupcake bago nag-change topic. "May naging boyfriend ka na ba, Sue?"
"Wala." agad na sagot ko.
"Girlfriend?"
"Uhm dati."
"I knew it!" biglang bulalas nito. "Hindi talaga ako nagkakamali eh, unang kita ko pa lang sayo kanina umaandar agad 'yong gay radar ko."
Medyo natawa ako sa sinabi nito.
"Nakailang girlfriend ka na ba?" curious na tanong nito habang parehong naka-tukod ang mga siko sa mesa.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****