Vice's POVNandito na kami sa mall, well maraming tao.
"Na eexcite na ako sa movie ni ion, alam mo ba sila dati yung pinaka sikat na love team"saad ni ann at mukhang excited talaga siya.
"Ahhh hindi ko alam, kasi di naman ako mahilig manood ng tv, tsaka wala din dati akong cellphone"
"Basta excited na akong kiligin ulet"saad niya at naunang nag lakad sakin.
Kung alam mo lang.
Habang namimili kami ni ann, may lumapit saming mga babae medyo marami sila.
"Hi po ate si vice, diba kayo po yung girlfriend ni kuya ion"saad ng isang babae.
Andito nanaman tayo, pangalawang beses na na nangyari to sakin, ayaw ko na mag mall talaga.
"Ahh--ahm Hindi yon totoo"naka ngiting saad ko, kahit sa totoo magiging girlfriend niya din ako sa chapter 25(otor umayos ka).
"Ay sayang"
"So totoo na nagkabalikan na sila ni lia?"
"Alangan namang magsabi yan ng totoo"
Bulong bulongan nila pero narinig ko pa den.
"Ah excuse me, pwede ko nang hiramin si vice?"pag singit ni ann.
"Ann!"mahinang saad ko at siniko siya nang mahina den.
"Ay sige po sorry sa abala"saad ng isa.
"Okay lang, sige una na kami"pagpapaalam ko sakanila.
"Nakakaloka sila, bakit ngaba kayo pinaghihinalaan ng mga tao na mag jowa kayo ni ion?"saad ni ann na mukhang na iinis na.
"Ewan ko sadyang ma issue lang sila"saad ko at pinag patuloy ang pamimili.
Ilang oras pa bago kami naka tapos ni ann.
Pumunta kami sa isang lugar kung saan yung shortcut pabalik sa hotel.
Nag hihintay na kami ng taxi ngayon, medyo madilim na rin at wala masyadong tao kaya natatakot ako.
"Siss na iihi na ako, saglit lang iihi ako"saad ni ann at lumakad palayo.
"Hoy wag moko iwan nakakatakot dito"sigaw ko sakanya pero naka layo na siya.
Ilang minuto na ang naka lipas wala padin si ann, sobrang kinabahan ako na may papalapit na mga lalaki sana dadaan lng sila.
Hinawakan ko nang mahigpit ang plactic sa sobrang takot, huminto sila sa tabi ko, sana nag aantay lang rin sila ng taxi.
"Hi miss, anong pangalan mo?"tanong ng isa, di ko alam sasagot ba ako or what.
"Ahmm ahhh v--vi--vice p--po"kinakabahan na saad ko.
"Hi vice, ang ganda mo naman"sabi ng isa.
Ngumiti lang ako, pero kinakabahan ako.
Ann nasan kana jusme.
Nabigla ako ng akbayan ako ng isa nilang kasama, lumayo naman ako kaagad.
"Bakit?"tanong niya.