Vice's POVPabalik na kami sa manila, tulog sina ann at vhong.
Gusto ko din matulog kaso di ako inaantok, kaya nag cellphone nalang ako.
Nag twitter ako, stinalk ko yung ex-girlfriend ni ion, di ko pa kasi siya nakikita, na alala ko yung name niya sabi sakin ni ann Lia Ramirez daw.
Nakita ko na ang twitter niya, well maganda siya sexy malaki ang chance na balikan to ni ion eniwaw.
(Fanfiction, Sinag ng araw ay este Sunshine Guimary as Lia Denise Ramirez).
Nag headset nalang ako at nag pa music, daot.
Mga ilang oras bago kami naka rating sa bahay.
Bumaba ako agad at kinuha ang gamit namin ni ion, PA niya ako so gawain ko to.
Hinatid ko muna ang gamit niya sa kwarto niya, nag mamadali ako baka ma abutan niya ako.
Pagka lagay ko ng gamit niya tunakbo agad ako papasok sa kwarto ko.
Madaling araw na, gusto ko nang magpahinga, naka bihis na ako ng pantulog.
Hihiga na sana ako, biglang may kumatok.
Si ion kasama si ann at vhong.
"Vice dito muna si vhong at ann matutulog"sabi ni ion.
Bat kaylangan sabihin sakin di naman ako may ari ng bahay.
"Ahh ok"maikling sagot ko.
"Dito muna sila sa kwarto mo, hindi pa kasi nalilinisan yung ibang kwarto and ikaw pwede ka naman sa kwarto ko"seryosong sabi ni ion.
Medyo timigil tibok nang puso ko don.
"Ha eh, magkatabi nalang kami ni ann si vhong nalang sa kwarto mo"
"Ay sorry sia gusto ko kasi katabi si vhong"naka ngising sabi ni ann.
Nananadya ba to?!
Di na ako sumagot, pumasok na si ann at vhong na iwan kaming dalawa dito sa labas.
"Pwede naman ako dito sa sala"pagbasag ko sa katahimikan.
"Wala kang kumot at unan, At wala naman akong balak sayo no"sabi ni ion at umirap pa.
"Wala naman akong sinabi, basta ok na ako dito sa sala"pagpupumilit ko.
Akala ko hahayaan niya na ako, pero bigla hinila papasok sa kwarto niya.
Pagdating namin sa kwarto niya, umupo ako sa kama, mas komportable dito.