𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 23

733 34 37
                                    


Ion's POV

Isang linggo na ang naka lipas matapos na nabaril yung van naman at si vice, pinadagdagan ko na ang security guard na kasama namin.

Nasa ibang location nanaman kami and this time sa iisang bahay na titira ang lahat ng cast at crew sa movie namin.

Malaki din yung bahay, and as usual iisang room kami ni ann at vice pero this time iisang kama nalang.

Kahapon kami dumating dito, tulog pa si vice, si ann naman nakiki chismis sa mga crew.

"Ion kape tayo"biglang sabi ni lia, dito kasi ako sa labas ng pintuan ng kwarto namin.

"Next time nalang, mag babasa pa kasi ako ng script"

"Next time ha, sabi mo yan"nakangiting saad ni lia.

Ang ganda niya parin, pero sorry not sorry sinayang niya yung relasyon namin kung hindi niya ko pinag palit sana kasal na kami ngayon, I was planning a wedding proposal sakanya that day pero nakipaghiwalay siya sakin.

Hinanap ko sa bag ko ang isang bagay na napaka importante sakin, tong sing sing na bibigay ko sana kay lia.

Flash Back...

Busy ako ngayon sa pag aayos, dahil ngayomg araw nato handa na ako maging asawa, asawa ni lia.

Kaya tinawagan ko na siya para maka pag ready siya.

On Call...

"Kita tayo mamaya, dito sa bahay"masayang saad ko.

"Okay, what time?"malamig na saad niya, di ko lang pinansin baka pagod lang siya.

"5:30, see you later I love you"saad ko, pero binaba na niya yung call.

End Call...

Ilang oras na ang lumipas, nag babantay lang ako dito sa labas ng bahay at dumating naman siya kaagaad, hindi siya ang nag dadrive pero hindi ko na pinansin baka pagod lang talaga siya.

Sinalubong ko siya at niyakap ka agad.

Nang nakita niya ang decorations ng bahay, naiyak siya.

"Anong meron"naiiyak na saad niya.

"A special day, para saating dalawa"

"Di naman natin anniversary"saad ni lia.

"Sit down"

"Lia I really love you and siguro alam mo yon, di mo alam kung pano mo ako napasaya nang dumating ka sa buhay ko and siguro, napatunayan naman natin sa ating mga sarili na mahal natin ang isat isa kaya gusto ko na gawing officalial yon"

"Ion, an--anong o--official tayo naman ah?tanong niya.

"Lia Gusto ko ikaw ang makita ko pagkagising ko at bago ako matulog gusto ko ikaw ang maging nanay ng anak ko and gusto ko ikaw ang maging asawa ko"

Hindi siya nag salita, pero hinawakan niya ang kamay ko at umiyak nalang.

"Will you marry me?"

"I---ion I'm b--breaking u-up with you I'm sorry"saad niya.

Para akong nasatwa, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam ang ehrereact ko.

𝐏𝐞𝐫𝐟𝐞𝐜𝐭 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞||ᴠɪᴄᴇɪᴏɴTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon