Vice's POVNagising ako na medyo umokay na ang pakiramdam ko, tumingin ako sa paligid, madilim na sa labas.
Nakita ko si ion na nakaupo sa couch at nag cecellphone.
"Pst!"pagtawag ko sakanya, agad siyang lumapit sakin.
"B--bakit may masakit ba sayo okay ka lang ba o ano?!"tarantang tanong niya.
"Ang oa! Okay na ako"nakangiting sabi ko.
"San nga pala sila ann?"tanong ko.
"Di ko alam pagkagising ko, wala na sila"saad ni ion.
Umupo siya sa gilid ng kama sa tabi ko.
"Wag kang mag alala, nalaman na namin kung sino may gagawan nito sayo"saad niya at hinalikan ako sa noo.
Namin?!so alam na nila ann.
"P--papano?"nagtatakang tanong ko.
"Nag---"naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pintuan.
Agad siyang umalis sa tabi ko.
Sina ann kasama niya parin sina karylle.
"Wag na kayong magtago alam na namin"saad ni ann.
Nagkatinginan naman kami ni ion.
"Kayo diba?"saad naman ni karylle.
Tahimik lang ako, papano nila nalaman.
"May gusto bang magsalita sa inyo?"saad ni kim.
"Wala ba kayong balak sabihin samin to"saad ni vhong.
"Sabi na eh magkakatuloyan talaga kayo"saad naman ni jhong.
Yung iba ning kasamahan tahimik lang at nag aantay sa sagot namin.
"Ahm---san niyo naman nakuha yang chismis nayan"sinubukan kong itanggi.
"Di to chismis, we saw ion's lock screen wallpaper and kayong dalawa yun diba"saad ni coleen.
To kasing si ion.
"At ion sino yung shan? anong plate number yon, anong pinanggagawa mo?"sunod sunod na tanong ni ann kay ion.
"Wait--let me explain"saad ni ion.
"Okay fine its true na kami ni vice"saad ni ion.
Arghhh.
"Kaylan pa?"tanong ni billy.
"Two months ago"sagot ni ion na ikinagulat nila.
"Ano?!dalawang buwan niyo nang tinatago to"pasigaw na saad ni ann.
"So--sorry natakot kasi ako, wag niyong sisihin si ion ako nag pumilit na itago to"saad ko.
"And do you think na tututol kami sa relasyon niyo?"saad ni jackie.
"Di naman sa ganon"saad ko.