Ion's POV
Sinusubukan ko ngayon buksan yung pinto nang walk-in freezer, hindi pa ako masyadong nilalamig pero si vice nilalig na siya.
Hindi ko talaga mabuksan, kaya pumunta ako kung saan ang naka pwesto si vice ngayon.
Pagkahawak ko sakanya, sobrang lamig na niya.
Dali dali akong pumunta sa sa pinto at sinubukan gumawa nang ingay , baka may dumaan at marinig kami.
Hindi pa ako masyadong milalamig dahil medyo makapal yung damit na sout ko.
Nang napagod ako, tumakbo ako papunta kay vice, at niyakap siya kaagad para kahit papano ay hindi siya lamigin.
"I---Io--ion"mahinang sabi ni vice, sa pag bigas niya nang pangalan ko may lumalabas na na usok sa bunganga niya senyles na sobrang nilalamig na siya.
Nilalamig narin ako, magkayakap parin kami ni vice.
"I--ion ma--mama---mamatay n--na b--ba tay--tayo"utal utal na saad niya at umiyak.
Tumingin lang ako sakanya at pinunasan ang luha niya, luha niya nalang ang nananatiling mainit.
Hindi ko alam ang gagawin ko, parang pati utak ko nanlalamig nadin.
Bigla ko nalang siyang hinalikan sa labi, yon nalang ang paraan para manatiling mainit ang hininga namin(at chansing na din char), di na din siya umilag at tumugon nalang siya.
This is our first kiss, na hindi siya tulog o lasing, yung alam namin yung ginagawa namin.
Ilang minuto din kaming nag halikan, hanggang sa bumitaw siya.
"Vice----vice"sigaw ko, kasi nakapikit na siya at hindi na gumagalaw, tinatry ko siyang eh mouth to mouth kahit hindi na man siya nalunod(pero malulunod siya sa pagmamahal ko, okay payn korni).
Narinig ko na may nag uusap, kahit hindi masyadong malapit, pero bala na.
Kahit nang hihina na ako dahil sa sobrang lamig pinilit ko paring maka tayo, at gumawa nang ingay gamit ang boung lakas ko.
"Tulong----- pakiiii--- bu--buksan n--ng pi--pinto"sigaw ko, hindi ko na maayos ang pananalita, hindi ko narin nararamdaman ang balat ko dahil sa sobrang lamig.
Bigla nalang bumukas ang pinto, salamat.
"Sir Ion"sabi nang isang lalaki, hindi ko na pinansin kung sino sila kailangan naming maka labas agad.
"Si---si vice"saad ko at tinuro si vice, bumagsak narin ang mga tuhod ko kaya agad akong inalalayan nila.
Humingi narin sila nang tulong, at agad namang nataranta ang iba naming kasamahan.
Nakita ko si vice na binuhat na nila palabas, kaya kahit papano ay gumaan narin ang loob ko.
Dinala na kami sa kwarto namin.
"Sis!ion anong nangyari?!"tarantang sigaw ni ann at hinawakan si vice.
Nang maihiga na si vice ay tumakbo si ann, upang patayin ang aircon at nag init nang tubig.
Agad namang tumakbo si lia sakin ."Ion anong nangyari' okay ka lang?"saad niya at niyakap ako.
Nang matapos na si ann sa pag init nang tubig, ay nilagay niya ito sa plastic bottle at nilagay sa kamay at paa ni vice, binigyan niya rin ako.
Naka talukbong ako nang kumot ko ngayon, habang pinapaikot ikot sa kamay ko ang plastic bottle na may mainit na tubig.
(a/n:Okay alam ko na matutunaw yung plastic sa mainit na tubig pero nang nilamig din ako dati kahit hindi ako na trap sa freezer binigyan ako nang papa ko nang maininit na tubig gamit ang plastic bottle hindi siya totally na natunaw nag iba lang yung form niya okay skl)