Lorenzo's POV..
Bakit ganun? Bakit parang ang saya kong makita siya ulit..? And bakit parang sasabog yung dibdib ko nung sinabi niang siya ang nanay ni Cal..?
Isa lang ang mommy ni Cal, si Ria.. Pero bakit ang saya lang isipin na si Denise nga yung pinili nia na magiging mommy ni Cal..?
"Tatay, can I call Tita Denise, nanay?" si Cal..
"Yeah.. No problem.. Pero pano si Tita Rose Ann mo? How would you call her..?" I asked..
"Tita.." he replied..
"You don't want to call her nanay?"
"No.."
"Why?"
"I dunno.."
The next day, dumaan muna ako dun sa lot na pagtatayuan ng bahay ko.. Actually, today yung start ng pag-gawa nun.. I just made sure na ok na lahat.. Tiwala naman ako dun sa mga karpintero na gagawa..
Medio maaga akong nag-out from work.. Dadaan kasi ako sa plaza.. Paparegister ko si Denise for the song fest..
And gaya ng dati, hindi na ko nahirapan na maisali siya.. Just telling them na anak siya ni Sir Joacquin, matik na agad yun..
Mga around 3pm, pauwi na ko.. Ewan ko kung bakit parang excited ako.. All I know is dadaanan ko si Cal sa mansyon.. And siguro, dahil makikita ko ulet si Denise..
I checked my phone, walang message from Rose Ann.. I texted her nung lunch, pero seenzone lang..
"Ok.. Bahala ka sa buhay mo.." bulong ko..
On my way, naisip kong tawagan si Denise..
"Hey, nanjan si Cal..?" I asked..
"Yes.. Pauwi ka na ba?"
"Yeah.. Uhmm.. Are you free tonight?"
"Uhmm.. Wala nman akong gagawin.. Why?" she asked..
"Ok.. Uhmm.. Get dressed.. I'll pick you up.. I'll be there in 15minutes.." sabi ko.. Haha.. Dapat assertive para di na makatanggi..
"Wait.. San pupunta?"
"Just get dressed.. I'll take you out.."
"E pano si Cal?"
"Sasama naten siya.."
"E nakapambahay lang siya e.." sabi nia..
"Baket? Mukha na bang basura yang ANAK MO?" sabi ko.. Ewan ko kung bakit ko naisip na sabihing "ANAK MO.."
"Grabe ka.. Hindi naman.. Baka lang gusto mo muna siyang bihisan.."
"Hindi na.. Ok na yan.. Sige na.. I'm on my way na.."
Denise's POV
"Baby, wait mo lang ako dito ha.. Akyat lang ako.. I'll just get dressed.. Aalis tayo.." sabi ko kay Cal.
"Aalis? Where..?"
"Susunduin tayo ng daddy mo.."
"Yeeeeeyyyy!!!"
"Anak mo.. Anak mo.. ANAK KO!!!" Paulit-ulit kong naririnig yung sinabi ni Lorenz.. "Anak mo.." Anak ko daw si Calvin.. Waaaahhhhhhh.. gusto kong magpagulong-gulong.. Gusto kong magtatalon.. Ang saya ko..
Pero nahihirapan akong pumili ng susuotin.. Natataranta ako..
"Bakit ba hindi ka mapakali jan?" si Nanay Remy.. Nasa kwarto ko siya.. Nagtutupi ng mga damit ko..