Denise's POV..
"Ok ka lang girl?" sabi ni Pao.. Hinahagod nia yung likod ko.. Oo, hindi ko na napigilang magbreakdown after nung last dance.. Pinigilan ko pa rin until makaalis lahat ng bisita.. Pero yung bikig sa lalamunan ko, hindi ko na kinaya..
"Bakit hindi dumating si Lorenz?" sabi ko..
"He must have a good reason.. Baka may nangyari lang.. Something came up, perhaps.." sabi ni Pao..
"E bakit hindi man lang siya tumawag, or nagtext?" and I was sobbing uncontrollably..
Then pumasok sa washroom si Danni..
"Parang nakita ko si Lorenz kanina.. Sa may gate.. Hindi lang malinaw kasi dumilim bigla e.. Nilapitan siya ni Richard.." sabi ni Danni..
Sabay kaming napatingin sa kania ni Pao..
"Sabi ko na siya yun e.. Sabi ko na.." at lalo akong naiyak..
"Napansin ko may pumasok sa gate nung kasayaw mo yung kuya mo.. And i thought it was him.." dagdag nia pa..
"Hala.. If that's him nga, de ang nakita nia na kasayaw mo was Lance.." sabi ni Pao..
Lalo lang akong humagulgol.. Nagahahalo na yung galit ko kay mama at yung frustration ko sa mga nangyari.. Bakit ba kasi ininvite nia si Lance..? Ayoko na kay Lance.. Si Lorenz na ang mahal ko..
"Girl, you have to talk.. Nanjan naman yata siya kina Richard e.. Mag-usap kayo bukas.." sabi ni Danni..
And yes, she's right.. Kailangan naming ayusin 'to ni Lorenz.. Kailangan niang ipaliwanag saken kung bakit siya nalate.. And kung bakit hindi siya nag-advise..
Lorenzo's POV..
Kinabukasan..
Maaga akong gumising.. Magpapaalam na ko kina tiya Agnes na lilipat na ko ng eskwelahan.. Sabi ko sa UP ako tatransfer.. Pero hindi ko sinabing sa Los Banos.. Hinayaan ko lang silang isipin na sa Diliman..
Umuwi muna ako ng boarding house.. At sa awa ng Dios.. Naipatong ko pala sa ibabaw ng drawer ko yung cellphone ko.. Naiwan ko kahapon nung hinanap ko yung invitation letter.. Nakita ko ang daming messages.. Puro galing kay Denise.. May text din si Danni.. Pero hindi ko na binasa.. Hindi na ko interesado.. Nababadtrip lang ako.. Buti pala hindi ako dumating ng maaga.. Kung nagkataon, lalo akong nagmukhang tanga..
Pinapunta nia ako dun para ipamukha saken na niloloko nia lang ako.. Ako pa daw yung last dance.. E bakit si Lance yung tinawag? Sabi nia wala si Lance sa mga invited..
Tangina.. Effort ha, nagpagawa pa siya ng invitation letter para maniwala ako.. Asar!!! Badtrip na ko.. Pero ang galing.. Ang galing nung ginawa nia.. Grabe siyang mangtrip.. Ang brutal..
Pero kakalimutan ko na siya.. Hindi na ko gaganti.. Wala din naman akong mapapala.. Ganun talaga.. Mayaman siya.. Kaya niang magpa-ikot ng tao..
After kong masoli ung damit, nagpake na ko ng mga gamit.. Halos wala nang natirang mga boarders.. Nagsiuwian na.. Maaga kasing natapos yung 2nd sem..
Gagala muna ako.. Magpapalamig.. Lilimot.. May naipon naman akong pera e.. Iniisip ko kung anong gagawin ko dun sa pera nia saken.. Yung 20k.. Isosoli ko ba?? Dineposit ko sa banko yun e.. Kasama nung pera ko.. Bahala na.. Basta hindi ko gagalawin yun.. And when the time comes na magkita ulit kame, de babalik ko sa kania..
Denise's POV
Gising na ko ng 6am.. Tulog pa yung dalawa.. Gusto ko ng umalis ng bahay.. Gusto kong puntahan si Lorenz.. Gusto ko siyang makausap.. Pero alam kong hindi ako papayagang lumabas agad ni mama.. Gusto ko rin siyang makausap.. Ilalabas ko yung sama ng loob ko.. Grabe yung ginawa nia saken.. And what I fear most is baka nga nakita ako ni Lorenz na kasayaw ni Lance.. I told him na hindi siya invited.. Tas ganun, siya pa yung last dance..