Nakatulog agad ako kasi medio tinamaan din ako nung ininom ko.. Tsaka ang konti pa lang talaga ng tulog ko.. Mula nung galing ako sa bahay kina Chad.. Madaling araw pa lang gising na ko e.. Nagset lang ako ng alarm.. Pagpikit ko, medio umiikot na yung paligid.. Tas next na namalayan ko, tumutunog na ung alarm.. 5am na..
Naghilamos lang ako tas lalabas na ko.. O-order ako ng kape.. Pero nakasalubong ko si Ria along the way.. Ang ganda ng ngiti nia.. Nakakaganda ng umaga..
"Good morning Polar Bear..!" bati nia.. Hahaha.. Ang cute..
"Magandang umaga, magandang binibini.." bati ko din..
"Wow.. Makata lang.? Hahaha.." sabi nia.. Damang-dama ko yung sigla nia..
Seryoso.. This girl is a ball of sunshine..
"Breakfast tayo.." sabi nia..
"Ok.." yun na lang nasabi ko..
Ayos din yung pa breakfast nila dito.. Tinapa, fried rice tsaka salted egg na may kamatis.. Winner di ba..? Pero si Ria, yung tasty bread lang tsaka hot choco.. Tsaka fried egg pala..
Then, exactly 7am, dumating nga yung tricycle na sasakyan namen for the tour.. Excited na din ako.. Sumakay ako dun sa angkasan, sa likod ng driver.. Tas nakita ko si Ria, hindi pa sumasakay.. Nakapamewang lang.. Nakatingin saken.. Naniningkit.. Napakunot din noo ko.. "Anong problema nito..?" isip ko..
"Dalawa na lang tayo, maghihiwalay pa tayo ng pwesto..?" sabi nia.. Hahaha.. Oo nga.. Ang bobo ko.. Hindi ko naisip yun..
So ayun nga.. Bumaba ako at sa loob sumakay.. Magkatabi kami..
"Bakla ka talaga 'no? Gusto mong katabi si kuya.." sabi nia..
"Ako? Bakla? Gusto mong halikan kita..?" sagot ko..
"Uhmm! Subukan mo.." sabi nia.. Raising her fist on my face.. Hahaha..
"Isang beses mo pa kong sabihang bakla.."
"Sorry na.. hindi na.. Hindi ka bakla.." pagputol nia sa sasabihin ko..
First stop: Tromba Marina.. Gandaaaaaa.. Overlooking siya sa Pacific Ocean.. Tas may mga statue depicting yung mga tao nung lumilikas sila para makaligtas sa tsunami na nangyari nung 1700's.. Si kuya driver which happens to be the tour guide na din ang nagsabi samen nun.. Hehehe
Next: Ermita Hill.. Wala lang.. Parang malaking playground.. Tas tinuro samen ni kuya trike driver yung Hundred steps.. Para siyang mahabang hagdan tas sa dulo daw may malaking cross..
So ayun nga.. Inakyat namen ni Ria.. Kala ko malapit lang.. Pero halos malumpo na ko, hindi pa din namen nakikita yung cross..
"Malapit na.. Konti na lang.." sabi ni Ria..
"Kanina mo pa sinasabing malapit na e.. Malapit na kong himatayin.."
"Ahahahaha.. Sorry na.. Ayan na o.." sabay turo nia..
Waaaw! Hindi ako relihiyosong tao, pero this cross is really majestic.. Ang taas nia.. Mga 40ft siguro..
Then nakita ko si Ria.. Lumapit siya sa krus.. Then lumuhod.. I guess nagdadasal siya..
After niang magpray, lumapit siya saken.. Nakangiti na naman..
"Ang ganda 'no..? Ito favorite place ko dito e.. Kasi nakakapagpray ako.." she said..
Pero imbis na sumagot ako, kinuha ko yung panyo sa bulsa ko.. Pinahid ko yung mga namumuong pawis sa noo nia..
"Thank you.." sabi nia.. Parang naghihiya kasi hindi siya makatingin sa mata ko..