Chapter 17. Elbi

186 12 0
                                    


"Hi!" masayang bati saken ni Ria nung first day of school.. Ang aga ko.. 8:30am pa yung unang klase ko, pero 7am pa lang, nandito na ko.. Panalo talaga dito sa UP.. Walang uniform.. Hehehe.. So kahit anong suotin ko, basta maayos, pwede..

"Hey.. Kamusta ka..?" sagot ko.. Ang cute nia.. Two weeks din since last kaming nagkita after naming mag-Cebu..

"Teka, anong sked mo..? Patingin nga.." sabi nia..

Oh shit! Eto.. sige na.. Aaminin ko na.. Kasalanan ko naman 'to e..

"Hmmm.. I thought.."

"Oo na.. Hindi ako EE.. Sori na.." pinutol ko na siya sa sasabihin nia.. Ngumiti siya.. Pero nakataas yung kilay..

"Why did you lie?" she asked..

Hindi agad ako nakasagot.. Kinakain na ko ng hiya..

"Sino ba naman kasing magaakala na dito ka rin pala nag-aaral.. Tas EE ka pala.." sagot ko..

"Still, bakit ka nagsinungaling..?"

"Sorry na.. Agriculture ako.."

"My God, Lorenzo.. Specialization ng LB ang Agri.. Dapat nga proud ka e.."

"Sorry na.."

"Kumain ka na..? Tara, breakfast tayo.." pagyaya nia saken..

Dinala nia ko sa Papu's.. Famous siomai house dito sa LB.. Imagine, P22 lang, may siomai rice ka na.. Waging wagi diba?

From the very first day, si Ria na ang palagi kong kasama.. Nilibot nia ko sa buong LB.. Umulan umaraw, nilalakad namen yung buong campus.. Mas preferred niang maglakad kesa mag-jeep.. Ok na ok saken yun kasi nakakatipid ako sa pamasahe.. Kinainan namen lahat ng pwedeng kainan na mura.. Hehe..

Pero pinakamalupet yung Ellen's fried chicken.. Walang tatalo sa "Fried Chicken-Monggo-2 rice-Mountain Dew combo"..

Denise's POV..

"How's your first day..?" tanong saken ni papa..

"Ok naman po.. Mas mababait yung mga tao dito.." sagot ko..

Yes.. I decided na dito na mag-aral sa probinsya.. Dun sa school ni pinasukan ni Lorenz.. And I took up Agriculture.. Yes, nagshift din ako ng course.. And you maybe asking why..? Para sundan si Lorenz? Para mapalapit sa kania in case na umuwi siya dito sa Pangasinan..? No! I'm not that pathetic.. Ginawa ko 'to para sampal kay mama.. Hinding-hindi ko kakalimutan kung pano nia inalipusta si Lorenz.. Na ayaw niang makatuluyan ko daw and isang magsasaka.. Eto yung sagot ko.. Magiging magsasaka ako..

But in fairness naman, mukhang maeenjoy ko dito.. Medio nananinibago lang ako.. Nakakalungkot na hindi ko na kasama sina Pao at Danni.. Pero Nagpromise naman sila na every sembreak and summer break, magkikita kami.. Either dito sila pupunta, or gagala kami..

Part of my decision is para na rin maka-iwas kay Lance.. After kasi nung debut ko, medio naging aggressive na naman siya.. Bumalik siya dito samen.. He's asking me out.. May dala pang bulaklak.. But I turned him down.. Ayoko na.. Wala na siyang halaga saken.. Kung dati tatanga-tanga ako, madaling utuin.. Well, hindi na ngayon.. I'm a changed person.. Gusto kong mabago yung image ko.. Pero nagsabi pa siyang hindi daw ako makakatakas sa kania.. Pupuntahan pa din daw nia ko sa school.. Asa siya.. Kala nia dun pa din ako mage-enroll..

But all these times, hindi nawawala sa isip ko si Lorenz.. Alam ko masama loob nia saken.. I knew it kasi nagpalit siya ng number.. Hindi man lang nia ako binigyan ng chance mag-explain.. Pero hindi ko siya masisi.. I just can't.. Nakita nia akong kasayaw ko si Lance, when all he knew is hindi invited yun.. Oo, naiisip ko na may fault din siya kasi na-late siya.. Pero hindi ko majustify yun e.. Dumating siya, yun ang mahalaga.. And what sucks is the fact na hindi ko na siya makausap.. Hindi ako makapagpaliwanag.. Kung malalaman lang nia yung totoong nangyari, perhaps, maiintindihan nia..

Crush Mo Mukha Mo.. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon