Lorenzo's POV..
Ahh.. Shiit kang alarm ka..! Oo na.. 5:30am na.. Babangon na ko.. Kahit mahapdi pa mata ko.. Bakit ba kasi alas-dos na ko nakatulog..? Maaga nman akong humiga.. After namen mag-wash si Cal ng mga 9pm, natulog na kami.. Pero hindi ako nakatulog.. Ewan.. Halo-halo ang naiisip ko.. Trabaho, si Cal, yung pagka-miss ko kay Ria.. Pero pinakamakati sa utak, yung nangyari kahapon.. Bakit kilala ni Denise si Ria..? At bakit kilala din siya ni Cal? Ah ewan.. Babangon na ko..
Nagluto muna ako ng agahan.. Yes po.. Ako palagi ang nagluluto ng breakfast namen.. Kasi nahihiya pa din ako dito sa tiyahin ko.. Tsaka every morning, before ako umalis ng bahay papunta sa trabaho, sabay kaming nagbe-breakfast ng anak ko.. Kasabay na din yung mag-asawa..
Nakabihis na ko..
"Bye Cal.." sabi ko..
And he kissed me sa cheek..
"Tatay, can we go to tita?" tanong nia..
"Sinong tita? Tita Janine?"
"No.. The tita yesterday.."
"Ow.. You mean.. Titaaaa.. Tita Denise?"
"Yes tatay.. I want to see her.."
Napalunok ako..
Lumuhod ako and asked;
"Tell me, how'd you know her?"
"I dunno.."
"What do you mean you don't know?"
"I saw her before.."
"Saan?"
"I dunno.."
Wala na 'to.. Kilala ko' tong anak ko.. Pag nag I dunno na 'to, wala na.. Wala ka ng mapipiga.. Kasi malamang hindi na nga nia maalala..
"Ok.. Pag hindi pa siya bumabalik sa Manila, puntahan natin siya.."
And he smiled.. Tas yumakap..
"Ba-bye tatay.. You take care.."
Medio kumirot yung puso ko.. Yun yung pinakamahalagang ngiti sa buong mundo.. Para saken.. But i know, that smile is missing something.. Oo, ngiti nia yun for me.. Pero hindi siya buo.. Hindi kumpleto..
"Bakit kasi iniwan mo kami Ria..?"
Nakasakay na ko sa kotse.. Nire-rev ko lang para uminit yung makina.. Ay hindi ko pa pala nasasabi sa inio.. Yes.. Nakabili ako ng kotse.. Second hand na Vios lang naman.. Medio mura ko lang nakuha..
So ayun nga no, paalis na sana ako when I saw this woman.. Naglalakad palapit dito sa bahay.. Si Danni..
So ayun, bumaba muna ako..
"Danni?"
"Gudmorning.." nakangiti siya.. Ang cute nia talaga.. Lalo lang siyang gumanda..
"Kamusta ka? What are you doing here..?" tanong ko..
"Aalis ka? Gusto sana kitang makausap e.." she said..
"Uhmm.. May work ako.. Pero sige, go.."
"What time pasok mo?"
"Alas-ocho?"
She looked at her watch..
"Ay.. 7:15 na.. Malalate ka.. Sige na.. Mamaya na lang.." sabi nia..
"No, it's ok.. Walang problema.. Wait.. Gusto mong magkape?"
"No.. Later na lang.. What time ka makakauwi?"