Chapter 19. Moving On

167 14 3
                                    

Denise's POV..

Totoo ba yung nangyari..? Si Lorenz ba talaga yung kausap ko kanina..? Pano nia nagawa saken yun..? Hinde.. hindi si Lorenz yun.. Hindi nia magagawa saken yun.. Hindi siya ganun.. Ayaw tanggapin ng utak ko yung nangyari..

Umakyat na agad ako sa room ko.. Hindi ko kaya 'to.. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pain.. Hindi ganito yung naramdaman ko nung nalaman kong merong iba si Lance.. Hindi ganito yung pain nung na-reject ako sa mga auditions ko.. Iba 'to..

Umiyak lang ako ng umiyak.. Hindi ko alam kung dahil napahiya ako, or dahil pakiramdam ko, Lorenz just dumped me.. No.. I'm sure he dumped me.. Ang sakit.. Sobra.. Deserved ko bang maramdaman 'to..? Bakit hindi man lang nia ako binigyan ng chance makapag-paliwanag..?

Ganun ba talaga gumanti ang mga lalaki..? Parang sobra nman yun.. Of all the people na pwedeng gumawa saken nun, Lorenz would be the last one I could think of..

Kinabukasan, tanghali na pero hindi pa din ako bumabangon.. Ina-antok pa din ako.. Madaling araw na kasi ako nakatulog.. Hindi mawala saken yung image ni Lorenz habang sinasabi nia yung mga sinabi nia kahapon.. Na hindi na siya magtatagal.. Na may gusto lang siyang ibigay.. Then umalis na siya..

"Sabi ko naman kasi sayo tigilan mo na e.. Dumating siya jan, pero ilang days na, ni hindi ka man lang pinuntahan.. That means, wala na.. Wala ka sa kania.." si Pao.. Kausap ko sa phone.. Nirrealtalk na naman ako..

"Parang hindi si Lorenz yun e.. Hindi siya ganun.." sabi ko..

"In denial ka lang.. Tigilan mo na Denz.."

"Oo na.."

"Nakapag-enroll ka na ba..? Balik ka na dito.."

"Oo.. Ayoko nang bumalik jan.. Konti na lang naman e.. Tsaka iniiwasan ko si Lance.."

"So sino na..? Yung anak ng mayor..?"

"No! Wala na.. Hindi na ko mag-boboyfriend.."

"Yan.. Tama yan.. Hindi ka naman mamamatay pag walang jowa 'no.."

Lorenzo's POV..

I feel good.. Nakaganti na 'ko.. Nakaganti na 'ko kay Denise.. Bawi na.. Masaya ba ako sa ginawa ko..? Hinde.. But I feel good.. Nakatatak sa isip ko yung itsura nia nung sinabi ko yun.. Nung binalik ko yung pera nia, parang nabunutan ako ng tinik.. At least di ba? wala na siyang masusumbat saken..

Ayos na ko.. Kakalimutan ko na siya.. For good..

Pasukan..

"Hi mahal.." bati ko kay Ria..

Yumakap siya agad saken.. Damn.. I missed her..

"How's your vacation?" tanong ko..

"Ok lang.. Medio boring sa bahay.. Ikaw? Musta pambababae mo dun?" banat nia..

"Ok naman.. Grabe.. Ang dami ko ngang babae dun e.. Pinag-aagawan ako.." sagot ko..

"Mukha mo.. Hindi ako naniniwala.."

"Baket?"

"Patay na patay ka kaya saken.. Malabong makahanap ka ng kapalit ko dun.. Hello!?!?"

"Ang yabang mo e 'no?"

"Wala kang napapansin saken?" tanong nia.. 

Tinitigan ko siyang mabuti..

"Uhmm.. Medio tumaba ka..?" sabi ko.. 

"Ewan ko sayo Morales.."

"Ha? Baket? Konti lang naman.. Sexy ka pa din.."

Crush Mo Mukha Mo.. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon