Chapter 7. Summer Sunshine

298 17 0
                                    

"Chad.. May pinapasabi si ma'am Denise.." sabi ko kay Richard..

"Talaga? Anu daw?" excited na sagot nia..

"Sabi nia, padating daw ulet yung dalawang classmates nia.. Sina Paola at Daniella.."

"O, e anu daw?"

"Sabi nia, haranahin daw natin sila.." sagot ko..

"Talaga ba? Sabi nia yun?"

"Oo nga.. Chance mo ng magpasikat.. Brad.. Galingan mo.. Dapat mapahanga mo si ma'am Denise.." sabi ko..

"Brad.. Sure ball na yun.. Magpapraktis na ulet akong mag gitara.. Kelan daw ba..?"

"Next Friday ata.."

Hehehe.. Sori na.. Oo, walang sinabi si Denise na isama ko si Richard.. Kaso, wala akong choice e.. Hindi ako magaling kumanta.. Hindi din naman kagalingan mag gitara.. E ito si Richard, magaling mag gitara.. And since, type nia naman si Denise, de hahayaan ko na siyang mag da moves.. Para pati isipin nia na hindi ko inaagaw sa kania si Denise..

So ayun nga.. Kanta kanta si Chad.. Praktis ng praktis mula umaga hanggang hapon.. Pag alis ko pa lang papuntang bukid, nag gigitara na siya.. Hanggang paguwi ko sa hapon, ganun pa din..

"Brad.. Sabi ni ma'am Denise, dapat haranahin ko din daw si Danni.. Hindi ko alam kung pano gagawin yun.." sabi ko kay Chad..

"Kalma pinsan, ako bahala jan.." sagot nia..

"Ano bang kakantahin mo?" tanong ko..

"Syempre yung bagay sa kania.. Yung malupet.."

"Ano nga?"

"It's true.. Backstreet Boys, brad.." sagot nia..

"(Tangina.. It's true.. Bagay daw sa kania.. Ano kayo, magjowa na nagkatampuhan?)" sigaw ng isip ko.. Hehehe..

"Ahh.. Maganda yan brad.. Panalo.. Bagay nga sa inyo.. Ayaw mo yung "Larger than Life"? Backstreet din yun.." sabi ko..

"Next time yun brad.." sagot nia..

Anak ng daga.. Balak nga niang kantahin yun.. Bahahaha..

"E ikaw? Anu balak mong kantahin? Para maturuan na kita.." sabi nia..

"Hindi ko nga alam e.. Anu ba maganda?" tanong ko..

"Halaga.. Parokya ni Edgar.. Kaya kong ituro sayo yun.."

"(Halaga? Sampalin kaya kita..? Hindi naman pang harana yun e..)"

"Anu na lang.. Aaaahhh.. Harana.. Yung sa Parokya din.. Sagot ko..

"Pwede.. Ok yan brad.. Baka sagutin ka agad ni Danni nian.."

Natawa na lang ako..

Ang bobo ng mga song choices nia.. Hindi ko din alam pano naging honor student 'to..

Wednesday that week..

"Hi Pogi! Sundo mo ko 3pm. Gusto kong magbeach. Dala ka din panligo." message saken ni Denise..

"Hey.. Nasa bukid pa ko.. Baka mga 4 pa kita masundo.." reply ko..

"Up to you, sir. Pero malalate tayo ng uwi, if ever. Gusto ko talagang tumambay sa beach." textback nia..

Around 3:30pm nung sinundo ko siya..

Naka beach attire na siya.. Short shorts tas yung blouse na silag kaya kita underwear nia..

Sumasakit na naman ulo ko.. Saang beach ko dadalhin 'tong babaeng 'to na hindi siya pagpepyestahan ng mga makakakita sa kania..

May dala siyang picnic basket.. Hindi ko alam ang laman nun..

Crush Mo Mukha Mo.. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon