Chapter 6. The Bet

331 17 1
                                    

Hindi siya nagtext the next day.. Nasa bukid lang ako.. Pero honestly, inaabangan ko din na magmessage siya.. I was secretly hoping na magkikita kami ngayon.. Pero wala..

Siguro napikon na naman kasi hindi ko na nireplyan yung message nia kagabi..

The day passed.. Gusto kong mag message.. Pero pinipigilan ko sarili ko.. Ayokong i-feed yung nararamdaman ko.. Kasi alam kong pinaglalaruan lang ako ni Denise..

The next day..

"Goodmorning Pogi! Ayos ah. Walang txt txt ah. Walang message message? Sobrang busy mo?" yan.. Yan agad yung bumungad saken pag gising ko.. Ang aga-agang kati ng utak na naman..

Bakit siya nagmemessage ng ganito? Anu bang meron samen? Nageexpect siya na magmemessage talaga ako sa kania?? For what?

"Gandang umaga mgandang binibini.. Breakfast kna po.." yun lang nireply ko..

"Wow. Ganun lang yun? Ok?"

"Huh? Bakit na naman?? Anu bang dapat i-reply ko?" bulong ko sa sarili ko..

Ginawa ko, hindi ko siya nireplyan.. Hehehe.. Bahala siya sa buhay nia..

After mag-agahan, sumama na ko kay tiyo Lando sa bukid.. Magtatabas ulit kami ng mga damo sa pilapil..

Hindi ko dinala yung cellphone ko para walang distraction.. Para hindi ko macheck kung nagmessage ba siya..

Mga dalawang oras na kong nagtatabas ng damo.. Umiinit na.. Pero ang dami pa nitong tatapusin ko..

"Ang sipag mo naman pogi!" narinig kong sabi nung babae sa likod ko..

Si Denise.. Nakangiti siya..

"Ui.. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko..

"Uhmm.. Wala lang.. Gusto lang kitang makitang nagtatrabaho.." sagot nia..

"Talaga ba?? Matagal pa 'to.. Ang dami pa o.. Dun ka muna sa lilim.. Ang init.." sabi ko..

"Sige.. Wait kita dun sa may puno na yun.. Bilisan mo ha.." tas tumalikod na siya..

"Bahala ka jan.. Mamaya pa ko matatapos dito.." naisip ko..

Pero lumapit saken si Tiyo Lando..

"Chong.. Sige na.. Ako na tatapos nito.. Puntahan mo na yun.. Baka sabihin ni ser Joaquin, pinaghihintay mo yung anak nia.." sabi nia..

"Sigurado po kayo?"

"Oo nga.. Sige na.. Puntahan mo na.."

Pinuntahan ko si Denise.. Pero syempre, dumistansya ako.. Kasi amoy kalabaw ako..

"O ba't ang layo mo?" tanong nia..

"Amoy pawis po kasi ako.. Nakakahiya.."

"Arte.. Ok lang yan.. Dito ka.. Mainit jan.." pagtawag nia saken..

Lumapit ako ng konte..

"Bakit po ba?? May pupuntahan ka ba..?" tanong ko..

"Meron.."

"Saan?"

"Uhmm.. Ewan.. Kahit saan.. Dalhin mo ko sa pinakamagandang place dito.." sagot nia..

"Ok.. Uwi muna ako sa bahay.. Ligo lang ako.. Tas sunduin kita sa inio.." sabi ko..

"Ayoko.. Sama na lang ako sa inio.." sabi nia..

"Nope.. Uwi ka muna.. Baka matagalan pa ko.."

Ayun.. Ako na nagdrive nung motor.. Naka-angkas siya.. Medio naiilang ako kasi nga amoy pawis ako.. Hindi na naman ako nanalo sa kania.. Sasama daw siya sa bahay..

Crush Mo Mukha Mo.. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon