"Pagkatpos mo dito, mag-ayos ka na.. Punta ka daw sa mansyon.. Kinausap ako ni ser Joaquin.. May papagawa daw sayo.." sabi saken ni Tiyo Lando..
Medio tirik na ang araw at tumitigas na din ung putik.. Pero malapit na kaming matapos sa pag-aayos nitong gilid ng palaisdaan..
Pero hindi maalis sa isip ko kung pano ako mamaya.. Kung pano ko pakikitunguhan yung mga babae.. Kung sila nga yung sasamahan ko ng pagtour sa farm.. Sigurado ako mga taga-Maynila sila.. Siguro mga ka-edad ko sila.. Nabanggit ni ser Joaquin na gumraduate na din ng high school yung anak nila e.. Alam kong dalawa lang ang anak nila.. Isang lalake na nasa ibang bansa.. Tsaka yung magandang babae.. Hindi ko pa siya nakita dati.. Pero sabi nga nung mga taga dito na nakakita na sa kania, maganda daw, pero suplada..
Kaso, sino sa kanilang tatlo.. Magaganda silang lahat.. Siguro hindi yung nasa backseat kasi medio hindi naman siya suplada.. Malamang yung driver o kung katabi nia..
Pagkatapos namen sa palaisdaan, umuwi na ko.. Kumain at naligo.. Sabi ni Tiyo Lando, mga alas tres daw ako pumunta sa mansyon.. So, pumunta muna ako sa bayan.. Bumili ng sim card at battery ng cellphone..
"Ayos! Isa na kong ganap na tao.. May cellphone na ko! Yahaha.."
Bumili din ako ng bagong t-shirt, shorts, tsaka tsinelas.. Ewan ko, pero hindi naman sa gusto kong magpa-impress dun sa mga bisita sa mansyon, gusto ko lang magmukhang maayos..
Pagdating sa bahay, mga ala-una pa lang naman.. Pinagkukuha ko muna kay Richard yung mga contact numbers ng mga classmates namen..
"Enchong, 2:30 na.. Baka hinihintay ka na dun.." sabi ni Tiyo Lando..
"San siya punta tay?" tanong ni Richard..
"Hindi ko alam.. Pinapapunta ni Ser Joaquin sa mansyon e.." sagot nia..
"Sama ako.." hirit ni Richard..
"Wag na.. Ikaw na muna magpakain nung mga baboy.." sagot ng tyuhin ko..
"Sige po tiyo, alis na po ako.." sabi ko..
"Nanjan yung traysikel nung mansyon, sabi ni ser Joaquin yan daw gagamitin nio.. Sino ba pupuntahan mo dun..?" tanong nia..
"Yung anak daw po nia, tsaka yung mga kaklase.. Ililibot ko daw dito saten.." sagot ko..
"Si Denise?! Tay sama ko.. Please.." pakiusap ni Richard..
"Hindi nga.. Walang magpapakain nung mga baboy.. Yung mga kambing ipapasok mo pa sa kulungan.. Baka manakaw.. Sige na Chong.. Umalis ka na.." sabi ni Tiyo Lando..
Napatingin ako sa nakasimangot na mukha ni Richard.. Sa totoo lang, gusto ko din siyang kasama e.. Para may kausap ako sakaling ma-OP ako dun sa mga bisita..
Eksaktong 3pm nung dumating ako sa mansyon.. At hindi nga ako nagkamali.. Sila nga yung mga bisita..
"Ay si kuya dudong!" sigaw nung isang babae.. Yung nasa backseat ng car kahapon.. Ang cute nia.. Parang bata..
"Magandang hapon po mga ma'am.. Alis na po ba tayo?" tanong ko..
"Wow.. Sobrang galang mo naman kuya.." sabi nung isang girl.. Yung nasa passenger's seat kahapon..
Ngumiti lang ako..
May biglang hinagis saken yung pangatlong babae.. Yung pinakamaganda.. Medio nagulat ako pero nasalo ko naman.. Susi..
"Para san po 'to?" tanong ko..
"Car keys.. Ikaw na magdrive.." sabi nia at akmang pupunta na sa kotse..
"Ma'am, pasensya na po.. Hindi po ako marunong magdrive ng kotse.. Tsaka yung mga pupuntahan po naten, medio mahirap po yung daan.. Hindi kakayanin ng kotse.. Makikipot tsaka mabato.. Pero kaya naman po nitong traysikel.." sagot ko..