"Hi pogi! Goodmorning! Fetch me up by 3pm ha."
Si Denise.. Ang agang nagtext.. Totoo nga yata na aaraw-arawin namen ang pamamasyal.. At ako ang personal tour guide nia..
Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang gumanda ang simula ng araw ko.. Looking forward to seeing her again..
Nandun pa din yung hangover nung nangyari kahapon.. Nung kumanta siya sa plaza.. Parang naririnig ko pa rin yung mala-anghel na boses nia.. And i was hoping against all hope na sana, dumating yung time na kanatahin nia din yun para saken.. Hahaha.. Suntok sa buwan..
"Magandang umaga, magandang binibini.. Yes po.. 'San nio po balak pumunta?" reply ko..
"Sa puso mo po. Pwede ba?" sagot din nia..
Buset.. Ang aga-aga, binubuang ako nitong babaeng to.. Pero syempre, marunong tayo sa psywaran..
"Naku ma'am, madami nang nagcclaim nito e.. Pinagaagawan.. Sasali ka pa?" textback ko..
"Oh Lorenzo. Pag ginusto ko, nakukuha ko. Wala silang laban saken."
Ayan.. Nyeta.. Hindi ko na naman inexpect yung sagot na yun.. Narindi na naman ako.. Padelight din 'tong babaeng 'to e.. Kala ba nia, madadaan nia ko sa mga ganun ganun.. Hinde no.. Ano ako, pokmaru? Asa ka ghorl..
"Magbreakfast ka na, ma' am.. Kung anu-ano na naiisip mo.. Tatapusin ko po agad yung trabaho ko sa bukid, tas susunduin kita ng alas-tres.."
"Ok. See you later farmboy."
Nagaayos na ko papuntang bukid..
"Brad, bakit dala mo yung motor ni Denise?" tanong saken ni Richard..
"Ahh.. Pinadala nia.. Ginabi na kasi kami ng uwi e.." sagot ko..
"'San kayo nagpunta?"
"Sa bayan.. Nagperya.. Brad, hindi ka maniniwala.. Sumali siya sa song fest.."
"O, nanalo?"
"Brad, tinalo nia si Rose Ann.. Siya nagchampion.."
"Weh?!"
"Oo nga.. Ang lupet pre.. Ganda pala ng boses nun.."
"Tangina.. Sayang.. Hindi ko napanood.. Pero teka, pinopormahan mo ba? Bakit ikaw gusto niang kasama?" tanong nia saken..
"Ewan ko.. Ako daw gagawin niang personal tour guide habang nandito siya.. Kaya din nga pinadala saken yung motor e, para susunduin ko na lang daw siya.." sagot ko..
"Ibig sabihin mamamasyal ulet kayo mamaya?"
"Oo daw.. Hindi ko lang alam kung saan.."
"Tangina.. Ang swerte mo naman.. Sabihin mo nga ako na lang.." sabi nia..
"Sige, sasabihin ko mamaya.." sagot ko..
"Pero teka brad, magkalinawan tayo.. Ako manliligaw kay Denise.. Hindi mo naman type di ba?" si Richard..
Medio natigilan ako dun.. Hindi agad ako nakasagot..
"O-oo.. Sige.. Lakad pa kita.."
"Yaaan.. Yan ang gusto ko sayo brad.. Teka, sino yung katext mo kanina?" tanong nia ulet..
"Si ma'am Denise.. Nagmessage lang kung anong oras ko siya susunduin.."
"Penge akong number.." hirit nia..
Binigay ko naman.. Tetext nia daw..
Dumerecho na ko sa bukid..
Nagsimulang magtabas ng damo.. Pinagpapahinga yung palayan sa parteng 'to ng hacienda ni ser Joaquin.. Tataniman ng munggo at mani..