Denise's POV..
Nakikita ko peripheral ko si Pao.. Si Danni naman sa rear view mirror.. I swear, gusto ko na silang pababain.. They're doing this hand signs na nakakainis.. They're not talking in words pero alam kong ako yung pinaguusapan nila.. Yung typical na pang-aalaska ni Pao.. And yung nakakairitang gesture ni Danni na parang kinikilig..
"Pag di kayo tumigil, pabababain ko kayo.." sabi ko..
"Ha? Bakit?" si Pao..
"Kanina pa ko naiirita sa inio ha.."
"Anu ka ba? Yung mga lalake kanina sa falls yung pinag-uusapan namen.. Feeling ka.." sabi ni Pao..
"Umayos kayo ha.. Umayos kayo.."
"Bakit ba ang init ng ulo mo..? Alam mo sasakit lang tiyan mo pag pinigil mo yan.." si Pao pa rin..
"Pinigil ang alin..?"
"Yang kilig mo.. Umamin ka na.. Kinilig ka nung nakita mo si Lorenz kanina.."
Hindi na lang ako sumagot.. Naiirita ako.. Gusto kong ibangga 'tong kotse.. Nakakainis.. Sa dami ba naman naming pwedeng puntahan, bakit dun pa kami napadpad? Fine! Hindi ko inexpect na makikita ko si Lorenz dun, pero aaminin ko, ang saya ko nung nakita ko siya.. Hindi ko lang pinahalata dahil alam kong bibwisitin ako nitong dalawang 'to.. Grabe.. Bakit ganun ba yung Lorenz na yun..? Mas madami pa naman akong kilalang mas gwapo.. Sa totoo lang, medio lamang pa nga si Lance sa kania kasi mestizo si Lance e.. Ewan.. Basta nainiinis ako.. Pinilit akong magpaka-poker face, pero pag kasama talaga 'to si Pao, hindi ka makakalusot e.. Nakakainis kasi nagagwapuhan pa din ako sa kania.. And to know na graduate na siya, parang dumagdag pa sa kapogian nia.. Lalo pa siyang gumandang magsalita.. Alam nio yun, may confidence na.. Kaya naiilang ako kasi ma'am pa din yung tawag nia saken.. Pero iba na.. Yung "ma'am" nia dati, parang out of respect kasi samen siya nagtatrabaho.. Pero ngayon, yung "ma'am" nia, parang nang-aasar na lang..
Nakabalik na ko sa bahay.. Dinaan ko na si Pao sa bahay nila, then nag-sleepover ako kina Danni.. Ang saya nung trip namen.. Literal na chasing waterfalls yung nangyari.. Sumabog na naman yung phones namen.. Partida, may kania-kania kaming digicam.. Puro pictorial sa mga falls lang..
The next day, ang aga ni Chad sa bahay.. Natanaw ko na siya from my window.. Ayoko siyang babain.. Naiinis ako sa kania.. Actually, naiirita akong makita siya.. Ayoko siyang babain pero gusto kong puntahan yung mga trabahador ko sa bukid.. Che-check ko lang kung kamusta na sila, yung bukid.. Alam kong pagpapahingahin yung palayan ngayon.. So aalamin ko kung anu bang ipapalit na crops? Pwedeng pakwan at melon, o munggo.. Pero nga! Pero.. Pero talaga.. Ayokong makausap 'tong Chad na 'to..
Bumaba ako ng 8:30am.. Nagugutom na ko..
"Anak, kanina pa nanjan si Richard.. Hinihintay ka yata.." si Nanay Remy.. Siya yung kasambahay namen na nag-alaga saken mula pagkabata.. Lab na lab ko 'to.. Siya rin yung palaging nagpapangaral saken saken..
"Opo, nakita ko sa bintana nay.. Pero naaaaayyyy.."
"O, ano?"
"Nanay.. Ayoko siyang makita.. Ayoko siyang kausapin.."
"Bakit? Namiss ka nun.. Nobyo mo yun di ba..?"
"Naaay.. Alam mo namang mali yun di ba..? Sinabi ko na sayo 'to dati.. Hindi ko naman mahal si Chad.."
"Yan na nga sinasabi ko sayo noon pa anak.. Pinatagal mo pa.."
"Opo nga nay.. Sorry na.."
"E ba't saken ka nagsosorry? Kausapin mo siya.."
"Pano naaay? Hindi ko alam kung pano.."
"Kumain ka muna.. Tapos mamaya, kausapin mo siya.. Sabihin mo yung totoo.." sagot nia.. Ang bait talaga ni Nanay Remy ko.. Sobrang naaappreaciate ko na dinadamayan nia ako sa mga ganito..